Konseho ng Herusalem: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Atn20112222 (usapan | ambag)
Linya 4:
==Ang alitan sa pagitan ni Santiago at Pablo==
Mula kay [[Ferdinand Christian Baur]], ang mga skolar ay nakatagpo ng ebidensiya ng alitan sa pagitan ng mga pinuno ng Sinaunang [[Kristiyanismo]]. Halimbawa, ayon kay James D.G. Dunna, si Pedro ang tulay sa pagitan ng magkatunggaling mga pananaw ni [[Apostol Pablo]] at [[Santiago ang Makatarungan]]. Ayon sa [[Konseho ng Herusalem]], si [[Santiago ang Makatarungan]] na ang hatol o pasya ay tinanggap sa ''Kautusang Apostoliko'' ng {{bibleverse|Mga|Gawa|15:13-21}}, c. 50 CE ay nagsaad na: "...Dahil dito, ang hatol ko ay huwag gambalain iyong mga Gentil na nanumbalik sa Diyos. Sa halip, sulatan natin sila na lumayo sa mga bagay na nadungisan ng diyos-diyosan, sa kasalanang sekswal, sa mga binigti at sa dugo. Ito ay sapagkat mula pa nang unang panahon, sa bawat lungsod ay may mga nangaral na patungkol sa mga isinulat ni Moises. Binabasa ito sa mga sinagoga bawat araw ng Sabat...."
Ang layunin ng pagpupulong ayon sa Mga Gawa ay lutasin ang isang alitan sa Antioch na may malawak na mga implikasyon kesa sa pagtutuli lamang dahil ang pagtutuli ay isang walang hanggang tanda ng tipang Abrahamiko(Genesis 17:9-14). Ang ilang mga [[fariseo]] na naging mananampalatayang Kristiyano ay nagpilit na "kinakailangan na sila ay tuliin at utusan silang sundin ang batas ni Moises"({{bibleverse|Mga|Gawa|15:5}}. Ang pangunahing isyu na tinugunan ay nauugnay sa pangangailangan ng pagtutuli ngunit ang ibang mga bagay ay lumitaw rin. Ang alitan ay sa pagitan ng mga "haligi ng Simbahan" na pinamunuan ni Santiago na naniniwalang na ang simbahan ay dapat sumunod sa [[Torah]] o sumunod sa mga patakaran ng tradisyonal na [[Hudaismo]] at Pablo na naniniwalang walang gayong pangangailangan. Ayon sa {{bibleverse|Mga|Gawa|16:4}}, "''Sa pagtahak nila sa mga lungsod, ibinigay nila ang mga batas, na pinagpasiyahan ng mga apostol at ng mga matanda sa Jerusalem na kanilang dapat sundin. 5 Kaya nga, ang mga iglesiya ay naging matibay sa pananampalataya at nadadagdagan ang bilang araw-araw.''".
 
Ayon sa {{bibleverse||Galacia|2:11-13}}, si Pedro ay naglakbay tungo sa [[Antioch]] at nagkaroon ng alitan sa pagitan niya at ni [[Apostol Pablo]]. Hindi eksaktong sinabi ng Galacia kung ito aynangyari pagkatapos ng [[Konseho ng Herusalem]] o bago nito ngunit ang insidenteng ito ay binanggit sa Galacia bilang sumunod na paksa pagkatapos ng isang pagpupulong sa Herusalem na itinuturing ng mga skolar na ang konseho ng Herusalem. Ayon sa {{bibleverse||Galacia|2:11-15}}:
{{cquote|Nang si Pedro ay dumating sa Antioquia, tinutulan ko siya nang harapan dahil siya ay mali. Ito ay sapagkat nang hindi pa dumarating ang ilang lalaking galing kay Santiago, siya ay kumakaing kasalo ng mga Gentil. Ngunit nang sila ay dumating, lumayo siya at humiwalay dahil sa takot siya sa mga nasa pagtutuli. 13 At ang ibang Judio ay sumama na rin sa kaniyang pagkukunwari, kaya maging si Bernabe ay nahikayat na rin ng kanilang pagkukunwari. Subalit nakita kong hindi sila lumalakad ng matuwid ayon sa katotohanan ng ebanghelyo. Dahil dito, sinabi ko kay Pedro sa harap ng lahat: Ikaw na isang Judio ay namumuhay nang tulad ng mga Gentil at hindi tulad ng mga Judio, bakit mo pinipilit ang mga Gentil na mamuhay tulad ng mga Judio? Kami ay likas na mga Judio, at hindi kami mga makasalanang Gentil. Alam natin na ang isang tao ay hindi pinapaging-matuwid sa pamamagitan ng gawa ng kautusan kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo Jesus. Tayo rin ay sumampalataya kay Cristo Jesus upang tayo ay mapaging-matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo at hindi sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. Kaya nga, walang sinumang mapapaging-matuwid sa pamamagitan ng pagsasagawa ng kautusan. }}
Line 12 ⟶ 13:
 
Ayon sa ilang mga skolar, ang paalala ni Santiago at mga nakatatanda ay isang ekspresyon ng pagkabahala na hindi buong itinuturo ni Pablo ang desisyon ng Konseho ng Herusalem sa mga [[hentil]]<ref>Robert McQueen Grant ''Augustus to Constantine: the rise and triumph of Christianity in the Roman World'' Louisville: Westminster John Knox, 2004 p.iv "According to Acts 21:25, the elders at Jerusalem were still concerned with observance of them when Paul last "</ref> partikular na ang tungkol sa hindi-binigting karneng [[kashrut]]<ref>Paul Barnett ''Jesus & the Rise of Early Christianity: A History of New Testament'' p292 "He chided Paul later for his failure to require the Gentiles to observe the decree (Acts 21:25). Paul delivered the letter from the Jerusalem meeting expressing James's decree, but only to churches in Syria, Cilicia and Galatia ....Paul did not impose the food requirements for the kosher-killed meat and against the idol-sacrificed meat upon the Corinthians"</ref> na sumasalungat sa payo ni Pablo sa mga hentil sa {{bibleverse|1|Corinto|10:25}} na "''Anumang ipinagbibili sa pamilihan ay kainin ninyo"''. <ref>I Corinthians: a new translation Volume 32 Anchor Bible William Fridell Orr, James Arthur Walther - 1976 "Paul's openness regarding dietary restrictions raises again the question of the connection with the decrees of the council at Jerusalem (Acts 15:29; Introduction, pp. 63-65). There is no hint here of an apostolic decree involving food."</ref><ref>Gordon D. Fee ''The First Epistle to the Corinthians'' 1987 p480 "Paul's "rule" for everyday life in Corinth is a simple one: "Eat anything19 sold in the meat market""</ref>
 
==Mga sanggunian==
{{reflist}}