Eksistensiyalismo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
 
Si [[Søren Kierkegaard]] ay pangkalahatang itinuturing na unang eksistensiyalistang pilosopo. <ref name=Crowell2010Stanford/><ref>Marino, Gordon. ''Basic Writings of Existentialism'' (Modern Library, 2004, p. ix, 3).</ref><ref name=McDonald2009Stanford>{{cite encyclopedia |last=McDonald |first=William |title=Søren Kierkegaard |encyclopedia=[[Stanford Encyclopedia of Philosophy]] (Summer 2009 Edition) |editor=Edward N. Zalta |url=http://plato.stanford.edu/archives/sum2009/entries/kierkegaard/}}</ref> Kanyang iminungkahi na ang bawat indibidwal at hindi ang lipunan o [[relihiyon]] ang tanging responsable sa pagbibigay [[kahulugan (eksistensiyal)|kahulugan]] ng buhay at pinamumuhay ito nang may kasigasigan at katapatan(tunay).<ref>Watts, Michael. ''Kierkegaard'' (Oneworld, 2003, pp.4-6).</ref><ref>Lowrie, Walter. ''Kierkegaard's attack upon "Christendom"'' (Princeton, 1969, pp. 37-40).</ref> Ang eksistensiyalismo ay sumikat sa mga taong pagkatapos ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]] at malakas na umimpluwensiya sa maraming mga disiplina maliban sa pilosopiya kabilang ang teolohiya, drama, sining, panitikan at sikolohiya.<ref>{{cite book |url=http://books.google.ca/books?id=NSvRzPye-gEC&printsec=frontcover&source=gbs_ge_summary_r&cad=0#v=onepage&q=psychoanalysis&f=false |last=Guignon and Pereboom, Derk |first=Charles B. |title=Existentialism: basic writings |publisher=Hackett Publishing |year=2001 |page=xiii}}</ref>
==Mga konsepto==
===Ang eksistensiya ay nauuna sa esensiya===
Ang isang sentral na proposisyon ng eksistensiyalismo ay ang ekistensiya(pag-iral) ay nauunaw sa esensiya na nangangahulugang ang pinakamahalagang pagsasaalang alang sa indibidwal ay ang katotohanan na siya ay isang indibidwal na isang independiyenteng umaasal at responsableng may kamalayang nilalang(eksistensiya) sa halip na mga katawagan, mga papel, mga stereotype, mga depinisyon o ibang pang paunang naisip na mga kategorya na pinagkakasyahan ng indibidwal(esensiya). Ang aktuwal na buhay ng indibidwal ang bumubuo sa tinatawag na kanyang "tunay na esensiya" sa halip na may arbitraryong itinurong esensiyang ginagamit ng iba upang ilarawan ang indibidwal na ito. Kaya ang mga tao sa pamamagitan ng kanilang sariling kamalayan ay lumilikha ng kanilang sariling mga pagpapahalaga at tumutukoy ng isang kahulugan ng kanilang buhay. Bagaman si [[Sartre]] ang hayagang nag-imbento ng pariralang ito, ang mga kaparehong nosyon ay matatagpuan sa mgapag-iisip ng mga eksistensiyalistang pilosopo gaya nina [[Kierkegaard]] at [[Heidegger]]. Kadalasang inaangkin na sa kontekstong ito na nilalarawan ng isang tao ang kanyang sarili na kadalasang natatanto bilang nagsasaad na kanilang mananais na maging isang bagay-anuman, isang ibon halimbawa at maging ito. Gayunpaman, ayon sa mga pilosopong eksistensiyalista, ito ay bumubuo sa isang hindi tunay na pag-iral. Sa halip, ang parirala ay dapat unawain na nagsasaad na ang tao (1) ay naglalarawan lamang sa saklaw na siya ay umaasal at (2) siya ay responsable ng kanyang mga aksiyon. Halimbawa, ang isang tao na umaasal na malupit sa ibang tao ay sa aktong ito nilalarawan bilang isang malupit na tao. Sa karagdagan, sa pamamagitan ng aksiyong ito ng kalupitan, ang gayong mga tao ay mismong responsable para sa kanilang bagong pagkakakilanlan(isang malupit na tao). Ito ay salungat sa kanilang mga [[gene]] o kalikasan na nagdadala ng pagsisisi. Gaya ng isinulat ni Sartre sa kanyang akdang Eksistensiyalismo ay isang Humanismo, "...ang tao una sa lahat ay umiiral, naeenkwentro ang kanyang sarili, tumataas sa mundo-at nilalarawan ang kanyang sarili pagkatapos.". Ang mas positibong terapeutikong aspeto nito ay pinapahiwatig rin: ang isang tao ay maaaring umasal sa isang ibang paraan at maging isang mabuting tao sa halip na isang malupit na tao. Dito, maliwanag na dahil mapipili ng tao na maging malupit o mabuti, ang mga ito ay sa katotohanan ay hindi ang mga bagay na ito nang esensiyal.
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
12,337

edit