Eksistensiyalismo: Pagkakaiba sa mga pagbabago

walang buod ng pagbabago
(nawawalang sanggunian)
No edit summary
===Ang hangal===
Ang nosyon ng hangal ay naglalaman ng ideya na walang kahulugang matatagpuan sa mundo nang lagpas sa ibibigay natin dito. Ang kawalang kahulugang ito ay sumasakop sa [[amoralidad]] o kawalang patas sa mundo. Ito ay salungat sa nosyon na "ang mga masasamang bagay ay hindi nangyayari sa mabuting mga tao". Sa mundo sa pagsasalitang metaporikal, walang gayong bagay gaya ng isang mabuting tao o masamang tao. Ang nangyayari ay nangyayari at ito ay maaaring mangyari rin sa "mabuting" tao gaya ng sa "masamang" tao. Dahil sa kahangalan ng mundo, sa anumang punto ng panahon, ang anumang bagay ay maaaring mangyari sa kaninuman at ang isang trahikong pangyayari ay maaaring magtubog sa isang tao sa direktang pakikipagsagupaan sa Hangal. Ang nosyon ng hangal ay naging prominente sa panitikan sa buong kasaysayan. Ang marami sa mga panitikang akda nina Søren Kierkegaard, Franz Kafka, Fyodor Dostoyevsky, Eugene Ionesco, Jean-Paul Sartre, at Albert Camus ay naglalaman ng mga paglalarawan ng mga taong nakasagupa ng kahangalan sa mundo. Ito ay nauugnay sa konsepto ng nakawawasak na kamalayan ng kawalang kahulugan na inangkin ni Camus na "may isa lamang tunay na malalang problema at ito ay ang [[pagpapatiwakal]]" sa kanyang [[Mito ni Sisyphus]]. Bagaman ang "preskripsiyon" laban sa posibleng nakapipinsalang kalalabasan ng mga uring ito ng pakikipagsagupaan ay nag-iiba iba mula sa yugtong pangrelihiyon ni Kierkegaard hanggang sa pagggit ni Camus sa pagtitiis sa kabila ng kahangalan, ang pagkabahala ng pagtulong sa mga tao na umiwas sa pamumuhay ng kanilang mga buhay na naglalagay sa kanila sa patuloy na panganib na ang masira ang bawat bagay na makahulugan ay karaniwan sa karamihan ng mga pilosopong eksistensiyalista. Ang posibilidad na masira ang bawat bagay na makahulugan ay nagbabadya ng isang panganib sa quietismo na likas na laban sa pilosopiyang eksistensiyalista.
===Paktisidad===
 
Ang [[paktisidad]] ay isang konseptong inilarawan ni Sartre sa Pagiging at Kawalan bilang sa-sarili nito kung saan ang mga tao ay nasa modo ng hindi pagiging. Ito ay mas madaling mauunawaan kapag isasaalang alang ito sa ugnayan sa temporal na dimensiyon ng nakaraan: ang nakaraan ng isa ay kung ano ay nasa kahulugang kapwa nito binubuo ang sarili nito. Gayunpaman, sa pagsaabi na ang isa ay lamang nakaraan ng isa ay hindi pagpapansin sa isang mahalagang bahagi ng realidad(ang kasalukuyan at hinaharap) samantalang ang pagsasabi na ang nakaraan ng isa ay isa lamang kung ano ang isa sa nakaraan ay buong magpuputol dito mula sa mga ito ngayon. Ang isang pagtanggi ng sariling konkretong nakaraan ng isa ay bumubuo ng isang hindi autentikong pamumuhay at ito ay pareho sa lahat ng iba pang mga paktisidad(pagkakaroon ng isang katawan halimbawa ang isa na hindi pumapayag sa isang tao na tumakbong mas mabilis sa halip na sa bilis ng liwanag-identidad, mga pagpapahalaga etc). Ang paktisidad ay parehong isang limitasyon at isang kondisyon ng kalayaan. Ito ay isang limitasyon sa dahilang ang isang malaking bahagi ng paktisidad ng isa ay binubuo ng mga bagay na hindi maaaring mapili ng isa(halimbawa lugar ng kapanganakan etc). ngunit isang kondisyon sa kahulugang ang mga pagpapahalaga ng isa ay mas malamang na sasalig dito. Gayunpaman, kahit pa ang paktisidad ng isa ay "nakatakda sa bato"(bilang nakaraan halimbawa),hindi nito matutukoy ang isang tao: ang pagpapahalagang itinuturo sa paktisidad ng isa ay itinuturo pa rin dito nang malaya ng taong ito. Bilang halimbawa, ituring ang dalawang tao na ang isa walang ala-ala ng nakaraan at ang isa nakakaala-ala ng lahat. Ang parehong ito ay nakagawa ng maraming mga krimen ngunit ang unang unan na walang alam tungkol dito ay namuhay ng isang normal na buhay samantalang ang ikalawang tao na nakadadama na nabitag ng sarili nitong nakaraan ay patuloysa pamumuhay ng krimen na sumisisi sa kanyang nakaraan sa pagbibitag sa kanya sa buhay na ito. Walang esensiyal tungkol sa kanyang pagsasagawa ng mga krimen ngunit kanyang itinuturo ito sa kanyang nakaraan. Gayunpaman, sa hindi pagsasaalang alan ng paktisidad ng isa kapag ang isa na sa patuloy na proseso ng paggawa sa sarili ay pagsusulong sa hinaharap ay paglalagay sa sarili sa pagtanggi sa sarili nito at kaya ay magiging hindi tunay. Sa ibang salita, ang pinagmulan ng pagsusulong ng isa ay kailangan pa ring paktisidad ng isa bagaman sa modeno ng pagiging hindi ito(sa esensiyal). Ang isa pang aspeto ng paktisidad ay nagtatakda ito ng angst na pareho sa kahulugan ang kalayaan ay lumilikha ng angst kapag nilimitahan ng paktisidad at sa kahulugang ang kawalan ng posibilidad ng pagkakaroon ng paktisidad na pumasok para sa isa upang maging responsable para sa bagay na nagawa ay lumilikha rin ng angst. Ang hindi pinapahiwatig sa salaysay na ito ng kalayaang eksistensiyal ay ang mga pagpapahalaga ng isa ay hindi mababago. Ang pagsasaalang alang ng mga pagpapahalaga ng isa ay maaaring magtulak sa isa na muling isaalang alang ang mga ito at baguhin ang mga ito. Ang isang kalalabasan ng katotohanang ito ay ang isa ay responsable hindi lamang para sa aksiyon ng isa kundi pati sa mga pagpapahalagang hinahawakan ng ito. Ito ay nagtatakda na ang isang reperensiya sa mga karaniwang pagpapahalaga ay hindi nagpapaumanhin sa mga aksiyon ng indibidwal. Bagaman ang mga ito ay mga pagpapahalaga ng lipunan na ang indibidwal ang bahagi, ang mga ito ay kanya rin sa kahlugan maaari niyang piliing maging iba sa anumang panahon. Kaya ang pagtuon sa kalayaan sa eksistensiyalismo ay nauugnay sa mga hangganan ng responsibilidad na dinadala ng isa bilang resulta ng kalayaan ng isa: ang ugnayan sa pagitan ng kalayaan at responsiblidad ay isa ng magkakaugnay at ang isang pagliliwanag ng kalayaan ay nagbibigay linaw rin para sa ang isa ay responsable.
[edit]Authenticity
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
12,337

edit