Abstrakto (sining): Pagkakaiba sa mga binago

dagdag
(bagong usbong)
 
(dagdag)
Ang '''sining na abstrakto''' o '''abstraktong sining''' ay isang [[sining na moderno]] na hindi kumakatawan ng mga [[imahe]] ng pang-araw-araw na buhay. Mayroon itong mga [[kulay]], mga [[guhit]], at mga [[hugis]] o [[hubog]], subalit hindi nilalayon na kumatawan ang mga ito ng mga [[bagay]] o mga [[organismo]] (mga bagay na may buhay). Ang mga ito ay mga larawan na walang tiyak na anyo. Sa kadalasan, ang mga artista ng sining ay naimpluwensiyahan ng mga ideya at mga pilosopiya.<ref>Gooding, Mel 2000. ''Abstract art''. Tate Publishing, London. ISBN 1854373021</ref> Ang mga sining na abstrakto ay natatagpuan sa mga [[larawang ipininta]] at sa [[eskultura]]. Marami ring mga akda ng sining na bahaging abstrakto, at bahaging pangrepresentasyon (representasyunal o kumakatawan). At maraming mga alagad ng sining na gumagawa ng abstrakto at iba pang mga uri ng modernong sining. Ang purong sining na abstrakto ay isang imbensiyon noong ika-20 daantaon. Lumaki at umunlad ito magmula sa mas maaga pang mga uri ng modernong sining, subalit marahil ito ay isang kilusan o pagkilos na talagang moderno o makabago. Wala itong pinag-ugatan mula sa mas maagang sining (ayon sa paggamit ng kataga sa kasalukuyan), na maaaring ilang mga [[sining na prehistoriko]] (sining sa bato) lamang ang maaaring maibilang. Maaaring maging kandidato sa pinag-ugatan nito ang mga pampalamuting mga [[tisa]] na [[Islamiko]] na nasa [[moske]] ng maagang mga kapanahunan.
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits