Unang Digmaang Pandaigdig: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 86:
== Kronolohiya ==
 
Tanong mo kay simsimi para malaman mo ang sagot.
[[Talaksan:WWI-re.png|thumb|350px|right|<center>mga bansang sangkot sa digmaan:<br /> lunti - Alyadong Puwersa, at dilaw - Puwersang Sentral</center>]]
 
Nagsimula ang digmaan noong ika-28 ng Hulyo, 1914 nang magpahayag ng pakikidigma ang [[Awstriya-Unggriya]] laban sa [[Serbiya]]. Nang mga sumunod na araw ay nagpahayag na rin ng pakikidigma laban sa isa't isa ang iba pang mga bansa sa [[Europa]].<ref>{{harvnb|Evans|2004|p=12}}</ref>
 
Ang digmaan ay nagwakas sa kanlurang Europa noong ika-11 ng Nobyembre, 1918 nang maipatupad ang isang tigil-putukan samantalang nagpatuloy ito sa iba't iba pang dako ng daigdig hanggang sa unti-unti ring nagwakas. Nilagdaan noong ika-28 ng Hunyo. 1919 ang [[Tratado ng Versailles|Tratado ng Versalles]], isang kasunduang pangkapayapaan, na siyang ganap na nagbigay-katapusan sa digmaan.<ref>{{harvnb|Keegan|1988|p=7}}</ref>
 
=== 1914: Mga unang sagupaan ===
 
Noon pa man ay nangako na ng tulong ang [[Imperyong Aleman]] sa [[Awstriya-Unggriya]] hinggil sa pagsakop nitong huli sa [[Serbiya]]. Sang-ayon sa tulong na nabanggit, inakala ng mga pinunong Awstro-Unggriyo na ipagtatanggol ng mga Aleman ang kanilang imperyo laban sa mga Ruso samantalang sinasalakay nila ang Serbiya. Sa kabilang banda naman, inasahan ng Imperyong Aleman na ibubuhos ng Awstriya-Unggriya ang malaking bahagi ng lakas nito laban sa [[Imperyong Ruso]] samantalang sinasalakay niya ang [[Pransiya]]. Bunga ng mga 'di pagkakaunawaan, napilitan ang Awstriya-Unggriya na hatiing mabuti ang sandatahan nito laban sa mga Ruso at Serbiyo.<ref>{{harvnb|Strachan|2004|pp=292–296, 343–354}}</ref>
 
[[Talaksan:Stabilization of Western Front WWI.PNG|thumb|left|<center>mga unang sagupaan sa kanlurang Europa</center>]]
 
Sa kanlurang Europa'y sinalakay ng sandatahang Aleman, sang-ayon sa Planong ''Schlieffen'', ang Pransiya mula [[Belhika]] sa layuning masakop ang [[Paris]] at mapalibutan ang malaking kabuuan ng sandatahang Pranses. Kanilang napanalunan ang [[Labanan ng mga Hangganan]] mula ika-14 hanggang ika-24 ng Agosto ngunit napipilan sa [[Unang Labanan ng Marn]], noong ika-5 hanggang ika-12 ng Setyembre, ng pinagsamang sandatahang Briton-Pranses. Bunga nito'y napilitang umatras ng may 64 kilometro (''40 milya'') pahilaga ang sandatahang Aleman papuntang Ilog Aisne. Ipinagpatuloy naman ng magkalabang panig ang kani-kanilang mga pagsalakay mula Champagne papuntang dalampasigan ng timog Belhika na kinikilala sa kasaysayan bilang [[Habulan patungong Dagat]]. Matapos nito'y kapwa naghukay ang magkalabang panig ng mga bambang na bumabagtas mula sa dalampasigang nabanggit patungong hangganan ng Pransiya at [[Suwisa]]. Sa ganoong pangyayari'y nagsimula ang [[pakikidigmang pambambang]] sa kanlurang Europa na naging dahilan upang halos hindi na umusad ang magkabilang panig sa mga susunod pang taon ng digmaan.<ref>{{harvnb|Taylor|1998|pp=80–93}}</ref>
 
Sa silangang Europa'y nagawa ng sandatahang Aleman na pigilan ang anumang tangkang pananakop ng sandatahang Ruso nang talunin nila ang mga ito sa mga [[Labanan ng Tanenbergo (1914)|Labanan ng Tanenbergo]] at [[Unang Labanan ng mga Lawa ng Masuryo|mga Lawa ng Masuryo]] na naganap mula ika-17 ng Agosto hanggang ika-2 ng Setyembre. Sa kabilang banda ay bigo naman ang sandatahang Awstro-Unggriyo na mapigilan ang pag-usad ng sandatahang Ruso papasok ng Galisya.<ref>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/worldwars/wwone/eastern_front_01.shtml|title= BBC.Co.Uk: Digmaan at Himagsikan sa Rusya 1914-1921|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{harvnb|Tucker|Robertos|2005|pp=376-378}}</ref>
 
Sa [[Balkan|Rehiyong Balkanika]] ay sinalakay ng Awstriya-Unggriya ang Serbiya subalit napipilan nang maipanalo ng huli ang [[Labanan ng Ser]] noong ika-12 ng Agosto. Makalipas ang dalawa pang linggo, naitaboy pabalik ang sandatahang Awstro-Unggriyo na nakapagtamo ng matitinding pagkatalo. Muling sumalakay ang Awstriya-Unggriya subalit muli ring napipilan sa [[Labanan ng Kolubara]] noong ika-16 ng Nobyembre hanggang ika-15 ng Disyembre, at ang [[Belgrade]], kabisera ng Serbiya, na noo'y nasakop na ng Awstriya-Unggriya, ay muling nabawi ng sandatahang Serbiyo.<ref>{{harvnb|Tucker|Robertos|2005|p=172}}</ref>
 
[[Talaksan:French bayonet charge.jpg|thumb|300px|right|<center>isang pagsalakay ng mga sundalong Pranses </center>]]
 
Lingid naman sa kaalaman ng [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmaang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]], nagkaroon ng lihim na kasunduan sa isa't isa ang Imperyong Aleman at [[Imperyong Otomano|Otomano]] noong Agosto, 1914. Hindi nagtagal ay lumahok na ang huli sa digmaan. Pagsapit ng Disyembre'y sinalakay ng may Otomano ang [[Bulubundukin ng Caucasus|Bulubunduking Kawkasus]] na hawak ng mga Ruso subalit nabigo sa [[Labanan ng Sarikamish]].<ref>{{cite web |url=http://avalon.law.yale.edu/20th_century/turkgerm.asp|title= Avalon.Law.Yale.Edu: Tratado ng Alyansa ng Alemanya at Turkiya, ika-2 ng Agosto, 1914|accessdate=2012-05-24}}</ref><ref>{{harvnb|Hinterhoff|1984|pp=499–503}}</ref><ref>{{harvnb|Rines|1920|p=404}}</ref>
 
Sa katubigang malapit sa [[Tsile]], [[Timog Amerika]] ay nagsagupa ang plotang Aleman at Briton sa [[Labanan ng Koronel]] noong ika-1 ng Nobyembre. Nagawang manalo ng mga Aleman sa nasabing labanan ngunit pagsapit ng ika-8 ng Disyembre ay halos nawasak naman ang kanilang plota nang muling makasagupa ang mga Briton sa [[Labanan ng mga Pulo ng Malvinas]]. Sinimulan naman ng plotang Briton ang pagsasagawa ng blokeo o panggigipit sa [[Dagat Hilaga]] at [[Lagusang Ingles]] upang putulin ang pagpasok ng suplay ng pagkain at munisyon sa Imperyong Aleman. Kapagkadaka'y nagdulot ito ng matinding taggutom sa mga mamamayang Aleman nang sumunod na dalawang taon.<ref>{{harvnb|Taylor|2007|pp=38–47}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.nationalarchives.gov.uk/pathways/firstworldwar/spotlights/blockade.htm|title= NationalArchives.Gov.Uk: Ang panggigipit sa Alemanya|accessdate=2012-05-24}}</ref>
 
Sa [[Aprika]]'y sinalakay ng pinagsamang sandatahang Briton-Pranses ang [[Togo]]landiya, isang protektorado ng [[Imperyong Aleman]], noong ika-7 ng Agosto. Tatlong araw makalipas, sumalakay naman ang mga Aleman sa [[Timog Aprika]]. Sa Alemang Silangang Aprika'y pinangunahan ni Koronel Pablo Emil von Lettow-Vorbeck ang [[pakikidigmang panggerilyo]] laban sa Alyadong Puwersa hanggang sa siya'y sumuko dalawang linggo matapos maipatupad ang tigil-putukan sa [[Europa]].<ref>{{harvnb|Farwell|1989|p=353}}</ref>
 
Sa kabilang panig ng mundo, sinalakay ng [[Bagong Selanda]] ang [[Samoa|Alemang Samoa]] noong ika-30 ng Agosto. Nang sumunod na buwan ay sinalakay ng [[Australya]] ang [[Papua Bagong Ginea|Alemang Bagong Ginea]] noong ika-11 ng Setyembre. Sinakop naman ng [[Imperyo ng Hapon]] ang [[Mikronesya|Kapuluang Mikronesya]] na isa ring kolonya ng Imperyong Aleman. Sinalakay din ng Imperyong Briton at Hapon ang Tsingtao, isa ring teritoryong Aleman sa [[Tsina]] mula ika-31 ng Oktubre hanggang ika-7 ng Nobyembre. Hindi nagtagal ay nasakop nang lahat ng Alyadong Puwersa ang mga teritoryong Aleman sa [[Asya]]'t [[Karagatang Pasipiko|Pasipiko]] liban na lamang sa iilang lugar sa Bagong Ginea.<ref>{{harvnb|Keegan|1998|pp=224-232}}</ref><ref>{{harvnb|Falls|1961|pp=79–80}}</ref>
 
Sa pagtatapos ng 1914 ay tatlong pangunahing larangan (o ''front'' sa Ingles) ng digmaan ang nagbukas sa Europa: ito ay ang [[Larangang Kanluran (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Kanluran]] na matatagpuan sa timog Belhika at hilagang Pransiya; [[Larangang Silangan (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Silangan]] sa silangang Alemanya, hilagang-silangang Awstriya-Unggriya at kanlurang Rusya; at [[Kampanyang Serbiyo (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Serbiyo]] sa hilagang Serbiya.<ref>{{harvnb|Calairo|2006|p=292}}</ref>
 
=== 1915: Ikalawang taon ng digmaan ===
Noong ika-31 ng Enero, 1915, sa kauna-unahang pagkakataon ay gumamit ng [[nakalalasong gas]], na nagtataglay ng kloro, ang sandatahang Aleman (bilang paglabag sa Mga Kumbensyong Haya nang 1899 at 1907) laban sa mga Ruso sa [[Labanan ng Bolimow]] sa [[Polonya]]. Muli itong ginamit ng mga Aleman sa [[Ikalawang Labanan ng Ypres]] pagsapit nang ika-22 ng Abril nang taon ding iyon. Ang epekto ng nakalalasong gas ay nakalulunos sapagkat nagdudulot ito ng masakit at mabagal na pagkamatay. Bilang unang pangontra, ang mga sundalo'y nagtatakip ng bulak o panyong binasa sa ihi o sa soda sa kani-kanilang mukha. Hindi nagtagal ay nilinang na ang paggamit ng higit na epektibong maskarang pang-''gas''.<ref>{{cite web |url=http://www.worldwar1.com/sf2ypres.htm|title= WorldWar1.Com: Ang Ikalawang Labanan ng Ypres, Abril 1915|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
[[Talaksan:Aerial view Loos-Hulluch trench system July 1917.jpg|thumb|right|<center>isang litrato ng mga bambang ng mga Aleman at Briton sa Pransiya mula himpapawid</center>]]
 
Samantala, noong ika-7 ng Mayo ay mahigit 1,000 katao ang nasawi nang palubugin ng isang submarinong Aleman (sa pamamagitan ng pagpapatama ng torpido) ang ''RMS Lusitania'', isang pampasaherong barko ng [[Nagkakaisang Kaharian]], sa katubigang malapit sa [[Irlanda]]. Nagprotesta ang [[Estados Unidos]] laban sa [[Imperyong Aleman]] sapagkat 128 sa mga pasaherong nasawi ay mga Amerikano. Bilang tugon, nangako naman ang imperyo na hindi na muling magsasagawa ng anumang pag-atake ang kaniyang mga submarino laban sa mga neutral at pampasaherong barko.<ref>{{harvnb|von der Porten|1969}}</ref>
 
Naglunsad naman ng sunod-sunod na opensiba ang sandatahang Aleman at Awstro-Unggriyo noong tagsibol at tag-init nang taong iyon papasok ng Rusya hanggang sa tuluyan nang maitaboy palabas ng Polonya at Galisya ang sandatahang Ruso kasabay ng pagbagsak ng kabisera nitong nauna, ang [[Varsovia|Barsobya]], noong ika-5 ng Agosto.<ref>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/worldwars/wwone/eastern_front_01.shtml|title= BBC.Co.Uk: Digmaan at Himagsikan sa Rusya 1914-1921|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
Muling sumalakay ang [[Awstriya-Unggriya]], kasama ang Imperyong Aleman, sa [[Serbiya]] noong ika-7 ng Oktubre. Walong araw makalipas ay nagpahayag ng pakikidigma ang [[Bulgarya]] sa panig ng [[Puwersang Sentral]] at sinalakay man din ang Serbiya. Walang nagawa ang sandatahang Serbiyo sa sunod-sunod na pagsalakay ng Puwersang Sentral kaya't ipinag-utos ni Mariskal Radomir Putnik ang pag-atras ng sandatahan patungong [[Albanya]] at [[Montenegro]].<ref>{{harvnb|Tucker|Robertos|2005|pp=1075–1076}}</ref>
 
Ang [[Italya]] na noon pa ma'y kasapi na ng [[Tatluhang Alyansa]] ay tumangging makipaglaban nang magsimula ang digmaan subalit nang mapangakuan ng [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]] ng ilang teritoryo sa Awstriya-Unggriya, nagpahayag ito ng pakikidigma laban sa huli noong ika-23 ng Mayo at sa Imperyong Aleman nang sumunod na taon. Nagbigay-daan ito upang tuluyan ng magwakas ang Tatluhang Alyansa at magbukas ang [[Kampanyang Italyano (Unang Digmaang Pandaigdig|Larangang Italyano]]. Nang sumunod na buwan ay naglunsad ng sunod-sunod na opensiba ang sandatahang Italyano sa kahabaan ng Ilog Isonso sa kanlurang Eslobenya patungong hilagang-silangang Italya.<ref>{{cite web |url=http://net.lib.byu.edu/estu/wwi/comment/Italy/Page04.htm|title=Net.Lib.Byu.Edu: Pahina ni Tomas Nelson: Italya at ang Digmaang Pandaigdig|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{harvnb|Calairo|2006|p=292}}</ref>
 
Naglunsad ng kampanya ang pinagsama-samang sandatahan ng [[Nagkakaisang Kaharian]], [[Pransiya]], [[Awstralya]], [[Bagong Selanda]], [[Kanada]] at [[Indiya]] laban sa [[Imperyong Otomano]] noong ika-25 ng Abril sa Tangway ng Galipoli sa layuning masakop ang [[Konstantinopla]] ([[Istanbul]] ngayon) at makakuha ng daanang pandagat patungong [[Imperyong Ruso]] subalit nabigo. Sa kabilang banda, matagumpay namang naitaboy ng sandatahang Ruso sa pangunguna ni Heneral Nikolai Yudenich ang sandatahang Otomano palabas ng [[Bulubundukin ng Caucasus|timog Kawkasus]].<ref>{{harvnb|Chisholm|1911}}</ref><ref>{{harvnb|Hinterhoff|1984|pp=499–503}}</ref>
 
=== 1916: Mga pangyayari ===
 
[[Talaksan:Serbian retreat WWI.jpg|thumb|right|<center>ang pag-atras ng sandatahang Serbiyo patungong Albanya</center>]]
 
Nagpatuloy ang pag-atras ng sandatahang Serbiyo patungong [[Albanya]] habang pansamantala namang napipilan ang patuloy ding pagsalakay ng [[Puwersang Sentral]] nang talunin sila ng sandatahang Montenegrino sa [[Labanan ng Mojkovac]] noong ika-6 at 7 ng Enero, 1916. Nang makarating naman ang sandatahang Serbiyo sa dalampasigan ng [[Dagat Adriyatiko]] sa Albanya ay kaagad silang dinala ng mga barko ng [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmaang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]] patungong [[Gresya]] pangunahin na sa [[Corfu|Korpu]]. Sa kabilang banda, tuluyan nang nasakop ng Puwersang Sentral ang buong [[Serbiya]] at gayundin naman ang [[Montenegro]] na sumuko noong ika-15 ng Enero.<ref>{{harvnb|Tucker|Robertos|2005|pp=1075–1076}}</ref>
 
Matapos ang krisis pampulitika sa Gresya, napapayag din ang mga Griyegong matapat kay [[Eleftherios Venizelos|Punong Ministro Venizelos]] (na maka-Alyadong Puwersa), laban kay Haring Konstantino I ng Gresya (na maka-Puwersang Sentral naman), na makipagtulungan sa Alyadong Puwersa. Lumunsad sa [[Salonika]], Gresya ang Alyadong Puwersa na binubuo ng mga Briton at kolonya, Pranses at kolonya, Italyano at Ruso. Matapos namang mapagkapahinga't makapagsaayos ay muling sumabak ang sandatahang Serbiyo sa digmaan at kalauna'y lumunsad din sa Salonika. Nagbigay-daan ito upang magbukas ang [[Larangang Masedonyo (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Masedonyo]] na matatagpuan mula sa kahabaan ng timog Albanya, [[Masedonya]] at hilagang Gresya. Nang sumunod na taon ay opisyal na nagpahayag ng pakikidigma ang Gresya laban sa Puwersang Sentral. Mula noon, sa kabila ng mga opensibang isinagawa ng magkalabang panig, ang Larangang Masendonyo ay hindi na halos umusad hanggang Setyembre, 1918.<ref>{{harvnb|Neiberg|2005|pp=108-110}}</ref>
 
[[Talaksan:Verdun 15 03 1914 Toter Mann 296.jpg|thumb|left|<center>isang pagsalakay ng mga sundalong Aleman sa Verdun</center>]]
 
Mula naman ika-21 ng Pebrero hanggang ika-18 ng Disyembre ay naglunsad ang mga Aleman sa pangunguna ni Heneral Eric von Falkenhayn ng isang malawakang opensiba laban sa mga Pranses na nakatalaga sa Verdun, hilagang-silangang Pransiya subalit nabigo. Ang [[Labanan ng Verdun|naturang labanan]] ang siyang pinakamahaba sa kasaysayan ng digmaan at kulang-kulang sa 600,000 sundalo ang nasawi rito.<ref>{{harvnb|Tucker|Robertos|2005|p=1221}}</ref>
 
Sa katubigan ng [[Dagat Hilaga]] na malapit sa Hutlandiya, [[Dinamarka]] ay nagsagupa ang kapwa naglalakihang plota ng [[Imperyong Briton]] (sa pangunguna ni Almirante Sir Juan Jellicoe) at [[Imperyong Aleman|Aleman]] (sa pangunguna naman ni Bise Almirante Reinhard Scheer) mula ika-31 ng Mayo hanggang ika-1 ng Hunyo. Bagaman nagawa ng plotang Aleman na makapagdulot ng higit na pinsala sa mga Briton, napanatili naman ng huli ang dominansya sa Dagat Hilaga hanggang sa matapos ang digmaan.<ref>{{harvnb|Tucker|Robertos|2005|pp=619–624}}</ref>
 
Samantala, upang maibsan ang lumalalang sagupaan sa Verdun, kapwa naglunsad ng matatagumpay na opensiba ang Imperyong Briton at [[Imperyong Ruso|Ruso]] laban sa Puwersang Sentral. Ang mga Ruso sa pangunguna ni Heneral Aleksei Brusilov ay umatake sa sandatahang Awstro-Unggriyo sa Galisya noong ika-4 ng Hunyo samantalang ang mga Briton naman sa pangunguna ni Mariskal Douglas Haig ay sumugod sa kahabaan ng Ilog Som sa kanlurang Pransiya noong ika-4 ng Hulyo. Naging madugo ang dalawang opensibang nabanggit; ang [[Opensibang Brusilov]] ay isa sa pinakamapinsalang labanan sa kasaysayan samantalang mahigit sa 19,000 Briton ang nasawi sa unang araw pa lamang ng [[Labanan ng Som]].<ref>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/worldwars/wwone/eastern_front_01.shtml|title= BBC.Co.Uk: Digmaan at Himagsikan sa Rusya 1914-1921|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{harvnb|Tucker|Robertos|2005|pp=376-378}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.firstworldwar.com/battles/somme.htm|title= FirstWorldWar.Com: Ang Labanan ng Som,1916|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
[[Talaksan:WWI.gif|thumb|right|<center>mga sagupaan sa Larangang Rumanyo</center>]]
 
Sa kasagsagan naman ng dalawang opensibang nabanggit, nagpahayag ang Rumanya ng pakikidigma laban sa Puwersang Sentral noong ika-27 ng Agosto at sinalakay ang silangang Awstriya-Unggriya upang mapasakamay ang [[Transilbanya]]. Matagumpay namang nasakop ang malaking bahagi ng teritoryong nabanggit subalit pagsapit nang ika-18 ng Setyembre ay naglunsad ng kontra-opensiba ang pinagsama-samang sandatahang Aleman, Awstro-Unggriyo at Bulgaryo laban sa mga Rumanyo. Nagpadala ng kaukulang tulong ang mga Ruso subalit nagpatuloy ang pag-abante ng Puwersang Sentral hanggang sa ang [[Bukarest]], kabisera ng Rumanya, ay tuluyan nang nasakop noong ika-6 ng Disyembre. Umatras ang sandatahang Rumanyo-Ruso sa [[Moldabya]] upang duon magpalakas at upang pigilan man din ang anumang pananakop na maaaring isagawa ng Puwersang Sentral sa timog-kanlurang Rusya.<ref>{{cite web |url=http://www.worldwar2.ro/primulrazboi/?language=en&article=116|title= WorldWar2.ro: Ang Labanan ng Marasti (Hulyo 1917)|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{harvnb|Falls|1961|p=285}}</ref>
 
[[Talaksan:Kämpfe auf dem Doberdo.JPG|200px|left|thumb|<center>isang sagupaan ng mga sundalong Italyano at Awstro-Unggriyo sa Isonso, Eslobenya</center>]]
 
Sa [[Kampanyang Italyano (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Italyano]], naglunsad ng kontra-opensiba ang [[Awstriya-Unggriya]] sa Asyago noong tagsibol ng 1916 bilang tugon sa sunod-sunod na opensibang isinagawa ng [[Italya]] sa Ilog Isonso mula nang nakaraang taon. Bilang ganti, sinalakay naman ng sandatahang Italyano ang [[Gorizia|Gorisya]] pagsapit ng tag-init. Tulad ng nangyari sa Larangang Masedonyo, hindi rin halos umusad ang Larangang Italyano hanggang 1917.<ref>{{harvnb|Praga|Luxardo|1993|p=281}}</ref>
 
Sumiklab naman ang [[Pag-aalsang Arabo]] noong Hunyo, 1916 laban sa [[Imperyong Otomano]] sa pangunguna ni Sherif Hussein at sa tulong na rin ng mga Briton. Matapos ang matagumpay na [[Labanan ng Meka]], kinubkob ng Sandatahang Briton-Arabo ang [[Pagkubkob sa Medina|Medina]]. Tumagal hanggang Enero, 1919 ang isinagawang pagkubkob.<ref>{{harvnb|Gilberto|2004|p=306}}</ref>
 
Sa pagtatapos ng 1916 ay nagpanukala ng isang kasunduang pangkapayapaan ang Puwersang Sentral sa Alyadong Puwersa datapwat nabigo ang isinagawang negosasyon bunga na rin ng pag-aalinlangan at kawalan ng pagtitiwala ng magkabilang panig sa isa't isa.<ref>{{harvnb|Kernek|1970|pp=721–766}}</ref>
 
=== 1917: Ang pagpapatuloy ng digmaan ===
 
Bunga ng matamlay ng kampanya sa karagatan, nagpasya ang sandatahang pandagat ng [[Imperyong Aleman]] na maglunsad ng malayang pakikidigmang pangsubmarino noong ika-31 ng Enero, 1917. Bunga nito'y daan-daang barko ng [[Nagkakaisang Kaharian]] at maging ng mga bansang neutral, kapwa pandigma, pangalakal at pampasahero, ang napalubog hanggang sa ipatupad ng [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmaang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]] ang sistemang komboy pagsapit ng Mayo nang taon ding iyon na nakapagpahina sa pag-atake ng mga submarinong Aleman.<ref>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/worldwars/wwone/battle_atlantic_ww1_01.shtml|title=BBC.Co.Uk: Ang Unang Labanan ng Atlantiko|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
[[Talaksan:Australian infantry small box respirators Ypres 1917.jpg|thumb|right|200px|<center>mga sundalong Awstralyano, suot ang kani-kanilang maskarang pang-''gas'', sa isang bambang sa Ypres, Belhika</center>]]
 
Nagpahayag naman ng pakikidigma ang [[Estados Unidos]] (bagaman hindi kaagad nagpadala ng kaukulang sandatahan), sa panig ng Alyadong Puwersa, laban sa Imperyong Aleman noong ika-6 ng Abril matapos palubugin ng imperyong nabanggit ang may pitong barkong pangalakal ng mga Amerikano at nang maharang ng mga Briton ang Telegramang ''Zimmermann'' na nagsasaad ng paghimok ng mga Aleman sa mga Mehikano na magpahayag ng pakikidigma sa Estados Unidos upang mabawi ang [[Arisona]], [[Bagong Mehiko]] at [[Teksas]] na dating mga teritoryo ng [[Mehiko]].<ref>{{harvnb|Calairo|2006|p=292}}</ref><ref>{{cite web |url=http://en.wikisource.org/wiki/Woodrow_Wilson_Urges_Congress_to_Declare_War_on_Germany
|title=En.Wikisource.Org: Hinikayat ni Woodrow Wilson na Magpahayag ng Pakikidigma ang Kongreso laban sa Alemanya|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{harvnb|Tuchman|1966}}</ref>
 
Noong ika-3 ng Mayo ay nagsipag-alsa ang karamihan sa mga sundalong Pranses matapos ang bigong [[Opensibang Nivelle]]. Nang maisagawa ang mga pag-aresto at kaukulang paglilitis ay napakiusapan din ang mga sundalo na bumalik na sa kani-kanilang bambang. Pinalitan naman ni [[Felipe Petain]] si [[Roberto Nivelle]] bilang pangkalahatang komandante ng sandatahang Pranses. Sa kabilang banda, ipinagpatuloy ng [[Imperyong Briton]] ang mga opensiba sa [[Larangang Kanluran (Unang Digmaan Pandaigdig)|Larangang Kanluran]] sa mga [[Labanan ng Aras (1917)|Labanan ng Aras]], [[Labanan ng Kambray (1917)|Kambray]] at [[Labanan ng Pashendaele|Pashendaele]].<ref>{{harvnb|Lyons|1999|p=243}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.ww1westernfront.gov.au/vimy-ridge/index.html
|title=WW1WesternFront.Gov.Au: Mga Awstralyano sa Larangang Kanluran 1914-1918|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
[[Talaksan:19170704 Riot on Nevsky prosp Petrograd.jpg|thumb|left|<center>isang kaguluhan sa Petrograd (San Pedrosburgo ngayon) noong Himagsikang Ruso</center>]]
 
Lumaganap naman sa [[Imperyong Ruso]] ang kawalang-kaayusan at [[Himagsikang Ruso (1917)|himagsikan]] matapos maiwan kina [[Alejandra Feodorovna (Alix ng Hesse)|Emperatris Alejandra]] at [[Grigori Rasputin|Rasputin]] (ang huli ay pinaslang kalaunan) ang pamamahala sa monarkiya nang sumama si [[Nikolas II ng Rusya|Tsar Nikolas II]] sa pakikidigma. Noong ika-15 ng Marso ay napilitang bumaba sa trono ang tsar at ang pamamahala sa [[Rusya]] ay napunta sa mga republikano. Muling [[Opensibang Kerenski|naglunsad ng opensiba]] ang bagong tatag na pamahalaan sa ilalim ni [[Alejandro Kerenski]] subalit nabigo. Tuluyan nang nawalan ng sigla ang mga sundalo na makipaglaban samantalang tumindi nang tumindi ang paghihikahos ng mga mamamayang Ruso sapagkat halos bumagsak na noon ang ekonomiya ng bansa dahil na rin lumalaking gastusin para sa digmaan. Nahulog sa kamay ng mga komunistang [[Bolshebik]] sa pangunguna ni [[Vladimir Lenin]] ang pamahalaan sa Petrograd ([[San Pedrosburgo]] ngayon at siya noong kabisera ng Rusya) noong ika-7 ng Nobyembre. Nang sumunod na buwan ay lumagda ng kasunduang pangkapayapaan ang mga Bolshebik sa Puwersang Sentral.<ref>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/worldwars/wwone/eastern_front_01.shtml|title= BBC.Co.Uk: Digmaan at Himagsikan sa Rusya 1914-1921|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{harvnb|Calairo|2006|pp=297-298}}</ref><ref>{{harvnb|Guillermo|Almirante|Galvez|Estrella|2004|p=301}}</ref>
 
Nakapagtamo naman ng matitinding pinsala ang sandatahang Italyano matapos silang talunin ng pinagsama-samang sandatahang Aleman at Awstro-Unggriyo sa [[Labanan ng Kaporeto]] mula ika-24 ng Oktubre hanggang ika-9 ng Nobyembre. Napilitang umatras ang sandatahang Italyano patungong Ilog Piave samantalang nakiusap naman ang pamahalaan nito ng boluntaryong pakikilahok sa digmaan ng lahat ng kakakihang may 18 gulang pataas.<ref>{{harvnb|Praga|Luxardo|1993|p=281}}</ref>
 
Samantala sa [[Gitnang Silangan]], bilang ganti sa mapaminsalang [[Pagkubkob sa Kut]], naglunsad ang [[Imperyong Briton]] ng isang [[Pagbagsak ng Bagdad (1917)|opensibang sumakop sa Bagdad]] noong ika-11 ng Marso. Sa pagtatapos ng taon ay bumagsak naman ang depensang Otomano sa timog Palestina matapos ang [[Labanan ng Herusalem]].<ref>{{harvnb|Mansfield|p=2078}}</ref><ref>{{cite web |url=http://firstworldwar.com/battles/baghdad.htm|title=FirstWorldWar.Com:Ang Pagsakop sa Bagdad, 1917|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.firstworldwar.com/battles/jerusalem.htm|title=FirstWorldWar.Com: Ang Pagbagsak ng Herusalem, 1917|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
Lingid naman sa kaalaman ng mga Aleman ay nag-alok ng isang kasunduang pangkapayapaan si [[Carlos I ng Austriya|Emperador Carlos I]] ng [[Awstriya-Unggriya]] kay [[Jorges Clemenceau|Punong Ministro Jorges Clemenceau]] ng [[Pransiya]]. Nabigo ang pakikipagnegosasyon at ito'y nabunyag sa mga Aleman na naging mitsa upang magkalamat ang relasyon ng Imperyong Aleman at Awstriya-Unggriya sa isa't isa.<ref>{{harvnb|Shanafelt|1985|pp=125-130}}</ref>
 
=== 1918: Mga huling opensiba at wakas ng digmaan ===
 
[[Talaksan:Western front 1918 german.jpg|thumb|right|<center>ang Opensibang Tagsibol,<br /> Marso-Hulyo, 1918</center>]]
 
Noong ika-3 ng Marso, 1918 ay muling lumagda ng isa pang [[Tratado ng Brest-Litobsk|kasunduang pangkapayapaan]] ang mga [[Bolshebik]] sa [[Puwersang Sentral]]. Isinaad sa bagong kasunduan ang tuluyang pagkawala ng [[Rusya]] sa digmaan at ang pagkakaloob nito ng mga teritoryo sa [[Imperyong Aleman]] tulad ng [[Estonya]], [[Letonya]], [[Litwanya]], [[Pinlandiya]], [[Polonya]] at [[Ukranya]].<ref>{{cite web |url=http://www.bbc.co.uk/history/worldwars/wwone/eastern_front_01.shtml|title= BBC.Co.Uk: Digmaan at Himagsikan sa Rusya 1914-1921|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{harvnb|Calairo|2006|pp=298-299}}</ref><ref>{{harvnb|Guillermo|Almirante|Galvez|Estrella|2004|p=330}}</ref>
 
Matapos ang kasunduan, nagpasya ang mga Armenyo sa pamumuno ni Heneral Tovmas Nazarbekian na ipagpatuloy ang pakikipaglaban sa mga Otomano sa [[Bulubundukin ng Caucasus|Bulubunduking Kawkasus]]. Nagsagawa ng kontra-opensiba ang mga Armenyo at kanilang tinalo ang sandatahang Otomano sa [[Labanan ng Sardarabad]] mula ika-21 hanggang ika-29 ng Mayo, hanggang sa lagdaan ng magkabilang panig ang [[Tratado ng Batum]] nang sumunod na buwan.<ref>{{harvnb|Hovannisian|1971|pp=1-39}}</ref>
 
Ang paglabas naman ng Rusya sa digmaan ay naging hudyat din upang tuluyan nang magwakas ang [[Tatluhang Kasunduan]]. Sinimulan ng Imperyong Aleman na sakupin ang mga teritoryong ipinagkaloob sa kanila ng naturang kasunduan samantalang nagpadala naman ng kaukulang sandatahan ang [[Alyadong Puwersa ng Unang Digmaang Pandaigdig|Alyadong Puwersa]] sa Rusya upang pigilan ito. Sa kabilang banda, ang malaking bilang ng mga sundalong Aleman at Awstro-Unggriyong nakatalaga sa [[Larangang Silangan (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Silangan]] ay inilipat mula roon patungong [[Larangang Larangan (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Kanluran]] sapagkat nilayon ni [[Erich Ludendorff|Heneral Erik Ludendorff]] na makapaglunsad ng opensibang makapagdudulot ng matitinding pinsala sa sandatahan ng Alyadong Puwersa sa [[Pransiya]] at gayundin naman upang mapasuko ang mga ito bago pa man dumating ang mga Amerikano.<ref>{{harvnb|Calairo|2006|pp=293, 299}}</ref><ref>{{harvnb|Westwell|2004|p=192}}</ref>
 
[[Talaksan:Western front 1918 allied.jpg|thumb|left|<center>mga huling opensiba,<br /> Agosto-Nobyembre, 1918</center>]]
 
Inilunsad ng mga Aleman ang [[Opensibang Tagbisol]] (na binubuo ng apat na operasyon, ang ''Blücher & Yorck'', ''Gneisenau'', ''Jorgette'' at ''Miguel'') pagsapit nang ika-21 ng Marso, 1918. Gamit ang mga taktikang paglagos, kanilang napasok ang mga bambang ng Alyadong Puwersa at nakaabante ng mahigit 60 kilometro (''38 milya''). Naging matagumpay ang simula ng naturang opensiba kaya't idineklara ni [[Wilhelm II, Emperador ng Alemanya|Kayser Guillermo II]] ang ika-24 ng Marso bilang isang pambansang araw ng pagdiriwang. Makalipas pa ang ilang linggo ay muling narating ng sandatahang Aleman ang Ilog Marn at ang [[Paris]] ay kanilang pinaputukan ng malalaking [[kanyong dambakal]] na nagdulot upang lumikas ang mga sibilyan palayo ng nasabing lungsod. Subalit nabigo ang mga Aleman na makamit ang kanilang layunin sapagkat nanatili pa ring epektibo ang pakikihamok ng Alyadong Puwersa na lumakas pa nang dumating na ang sandatahang Amerikano sa Pransiya. Sa pagtatapos ng naturang opensiba noong ika-18 ng Hulyo ay mahigit sa 270,000 Aleman ang nasawi sa panig ng Puwersang Sentral.<ref>{{harvnb|Westwell|2004|p=192}}</ref><ref>{{harvnb|Gray|1991|p=86}}</ref><ref>{{harvnb|Guillermo|Almirante|Galvez|Estrella|2004|p=302}}</ref>
 
Inilunsad ng Alyadong Puwersa ang [[Opensibang Sandaang Araw]] noong ika-8 ng Agosto. Sabay-sabay na sinalakay ng pinagsama-samang sandatahan ng [[Belhika]], [[Estados Unidos]], [[Imperyong Briton]] at kolonya, Pransiya at [[Portugal]] ang mga Aleman sa [[Labanan ng Amyens (1918)|Labanan ng Amyens]] at nakaabante ng may 12 kilometro (''7 milya'') sa loob lamang ng pitong oras. Nang mga sumunod na araw ay muling ipinagpatuloy ng Alyadong Puwersa ang pagsalakay at pagsapit ng ika-2 ng Setyembre ay umatras ang sandatahang Aleman sa Linyang Hindenburg upang doon muling mag-ipon ng lakas.<ref>{{cite web |url=http://www.awm.gov.au/exhibitions/1918/battles/amiens.asp|title= AWM.Gov.Au: Ang Labanan ng Amyens: ika-8 ng Agosto, 1918|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
Muling ipinagpatuloy ng Alyadong Puwersa ang pagsalakay at pagsapit ng ika-26 ng Setyembre ay inilunsad ng sandatahang Amerikano-Pranses ang [[Opensibang Meus-Argon]]. Ang Linyang Hinderburg ay tuluyan nang napasok at naitaboy pabalik ng Belhika ang sandatahang Aleman. Dala ng sunod-sunod na pagkatalo, napagtanto ng mga komandanteng Aleman na hindi na nila kaya pang ipagpatuloy ang pakikidigma samantalang sumiklab naman sa Imperyong Aleman ang isang himagsikang pinangunahan ng mga komunista. Nagsipag-alsa naman ang mga marinong Aleman matapos tumangging makilahok sa isasagawa sanang opensiba ng sandatahang pandagat ng imperyo sa karagatan.<ref>{{harvnb|Jenkins|2009|p=215}}</ref><ref>{{harvnb|Stevenson|2004|p=560}}</ref><ref>{{harvnb|Pierre|2006}}</ref>
 
[[Talaksan:Waffenstillstand gr.jpg|thumb|right|<center>ang paglagda ng tigil-putukan sa kagubatan ng Compiegne, Pransiya,<br /> ika-11 ng Nobyembre, 1918</center>]]
 
Nagsimula nang sumuko ang Puwersang Sentral nang lumagda ng tigil-putukan ang [[Bulgarya]] noong ika-29 ng Setyembre sa [[Tesalonica|Tesalonika]] matapos ang mga mapaminsalang [[Labanan ng Dobro Pole]] at [[Labanan ng Doyran|Doyran]] sa [[Larangang Masedonyo (Unang Digmaang Pandaigdig)|Larangang Masedonyo]] nang buwan ding iyon. Sunod namang lumagda ng tigil-putukan ang [[Imperyong Otomano]] sa Mudros, [[Gresya]] noong ika-30 ng Oktubre matapos matalo ang sandatahan nito sa [[Labanan ng Megido (1918)|Labanan ng Megido]] sa [[Palestina]]. Ang [[Awstriya-Unggriya]] naman, sa kabilang banda, ay lumagda ng tigil-putukan sa Villa Giusti, hilagang Italya noong ika-3 ng Nobyembre nang tuluyan nang mapipilan ng mga Italyano ang kanilang sandatahan sa [[Labanan ng Vittorio Veneto]] noong araw ding iyon.<ref>{{cite web |url=http://www.indiana.edu/~league/1918.htm|title=Indiana.Edu: Kronolohiya 1918|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
Napilitan nang bumaba sa trono si Kayser Guillermo II noong ika-9 ng Nobyembre at tumungo papuntang [[Olanda]]. Noong araw ding iyon bumagsak ang monarkiya samantalang itinatag ang [[Republikang Weymar]] sa [[Alemanya]] na siya nang lumagda ng tigil-putukan noong ika-11 ng Nobyembre sa kagubatan ng Compiegne, Pransiya. Pagsapit ng ika-11 n.u. nang araw na iyon ay ipinatupad ang tigil-putukan sa buong Larangang Kanluran. Si Jorge Lorenzo Precio, isang Kanadyano, ang itinuturing na kahuli-hulihang sundalo ng [[Kanada]] na napatay noong digmaan matapos siyang mabaril ng isang Alemang ''sniper'' sa ganap na ika-10 at 57 n.u. at namatay nang sumunod na minuto.<ref>{{cite web |url=http://www.indiana.edu/~league/1918.htm|title=Indiana.Edu: Kronolohiya 1918|accessdate=2012-05-25}}</ref><ref>{{cite web |url=http://www.nwbattalion.com/last.html|title=NWBattalion:Ang Mga Huling Oras|accessdate=2012-05-25}}</ref>
 
== Mga kinahinatnan ==