Buksan ang pangunahing menu

Changes

ayos link
</table>
 
Pinagtatalunan ngayon ng mga astronomo ang klasipikasyon ng [[Xena]] na tinaguriang ikasampung planetang nakadiskubre nii [[Michael Brown]] ng [[Caltech]], at iba pang mga ''TNO'' na tulad ng [[Sedna]] at [[Quaoar]], kasama ang posibleng pagbabago ng klasipikasyon ng Pluto. Dahil dito, tinalakay sa panlahatang pagpupulong ng [[International Astronomical Union]] (IAU) na ginanap sa [[Prague]], [[Republikang Tseko]] noong Agosto 2006, na dinaluhan ni Dr. Cynthia Celebre ng Astronomy Research and Development Section (AsRDS) ng [[Pangasiwaan ng Palingkurang Atmosperiko, Heopisikal at Astronomiko ng Pilipinas|PAG-ASA]] bilang opisyal na kinatawan ng Pilipinas. Naing nakadepende sa resulta ng pagpupulong ng mga siyentipiko ang maaaring pagiging planeta ng Xena, Sedna, at Quaoar, at maaari ring mawala ang katayuan ng Pluto bilang isang planeta.
 
Bagamat madalas ding gamitin ang salitang "sistemang solar" upang tumukoy sa iba pang mga [[sistemang planetaryo]]ng natuklasan sa mga bituin, ang tamang gamit nito ay sa sistemang kinabibilangan ng Daigdig. Hango ang salitang "solar" mula sa ''Sol'' na siyang pangalan ng Araw sa [[wikang Latin]], kaya't marapat na gamitin lamang ang katawagang ito sa sistemang nabuo sa grabitasyon ng Araw. Kapag pinag-uusapan ang iba pang sistemang planetaryo, mas mabuting gamitin ang pangalan ng pangunahing bituin bilang kapalit ng pangalan ng Araw. Halimbawa, ang "sistemang [[Pollux]]" o "sistemang [[51 Pegasi]]" upang tumukoy sa mga bituin nito kasama ang mga planetang lumiligid dito. Sa ngayon, umaabot na sa 200 ang bilang ng mga planetang natatagpuan sa ibang bituin.