Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Tom Sawyer"

dagdag
(linis)
(dagdag)
 
Ang pangalan ng tauhang likhang-isip ay maaaring hinango magmula sa bumberong masayahin at marangyang nagngangalang Tom Sawyer na kakilala ni Twain sa [[San Francisco, California]], habang si Twain ay naghahanapbuhay bilang isang tagapamahayag sa ''San Francisco Call''.<ref>{{cite web|url=http://www.sfmuseum.net/hist10/sawyer.html |title=Biography of Tom Sawyer - 1900 |publisher=Sfmuseum.net |date=1996-09-01 |accessdate=2012-07-24}}</ref><ref name=graysmith>{{cite web |url=http://www.smithsonianmag.com/history-archaeology/The-Adventures-of-the-Real-Tom-Sawyer-169773916.html |work=[[Smithsonian (magazine)|Smithsonian]] |title=The Adventures of the Real Tom Sawyer |date=October 2012 |author=Robert Graysmith |accessdate=Oktubte 1, 2012}}</ref> Dating nakikinig si Twain kay Sawyer ng mga kuwento hinggil sa kaniyang kabataan, na pinakikinggang mabuti ni Twain ang mga kapilyuhan ni Sawyer at kung minsan ay itinatala pa niya ito sa kaniyang kuwaderno. Sinabi ni Twain kay Sawyer na isang araw ay ilalagay niya ang pangalan ni Sawyer sa mga pabalat ng isang aklat. Pumayag si Sawyer sa kabilang ng kundisyon na hindi sisirain ni Twain ang pangalan at dangal ni Sawyer.<ref name=graysmith/> Ayon kay Twain, umusbong ang tauhang si "Tom Sawyer" magmula sa tatlong mga tao, sa paglaon ay nakilala bilang sina John B. Briggs (na namatay noong 1907), William Bowen (na namatay noong 1893) at kay Twain;<ref name=graysmith/> subalit sa paglaon ay binago ni Twain ang kaniyang kuwento na nagsasabing ang tauhang si Sawyer ay talagang galing lamang sa kaniyang guni-guni, subalit ayon kay Robert Graysmith, ang "dakilang maglalaan" na si Twain ay mahilig na magpanggap na ang kaniyang mga tauhan ay umusbong nang buo na magmula sa kaniyang malikhaing isipan."<ref name=graysmith/>
 
== Paglalarawan ng tauhan ==
Ang matatalik na mga kaibigan ni Tom Sawyer ay kinabibilangan nina [[Joe Harper]] at [[Huckleberry Finn]]. Sa "Ang mga Pakikipagsapalaran ni Tom Sawyer'', ang [[Limerence|pagkahibang]] niya sa kaniyang kaklaseng si Rebecca "Becky" Thatcher ay kapansin-pansin. Namumuhay siyang kapiling ang kaniyang lalaking kapatid sa magulang na si Sid, ang kaniyang pinsang babaeng si Mary, at ang kaniyang mahigpit na tiyahing si Aunt Polly (Tiya Polly) sa kathang-isip na bayan ng St. Petersburg, Missouri. Bilang karagdagan, mayroon siyang isa pang tiyahin, si Sally Phelps, na nakatira sa malayu-layo pa mula sa tahanan ni Tom Sawyer at nasa may Ilog ng Mississippi, sa bayan ng Pikesville. Si Tom Sawyer ay ang anak na lalaki ng namatay nang kapatid na babae ni Aunt Polly.
 
Sa "Ang mga Pakikipagsapalaran ni Huckleberry Finn'', si Tom Sawyer ay isa lamang tauhang hindi pangunahin, at ginamit bilang isang [[Foil (literature)|kapahamakan]] para kay Huckleberry Finn (na ang palayaw ay Huck), partikular na sa mga sumunod na mga kabanata ng nobela pagkaraan makarating na si Huck sa taniman ni Uncle Phelps (Tiyo Phelps). Ang imaturidad (kamusmusan), imahinasyon, at obsesyon ni Tom Sawyer sa mga kuwento ay nakapaglagay sa balak ni Huck na sagipin ang isang tumakas na aliping si Jim sa isang katayuan ng malaking panganib&nbsp;— sa kalubusan ay nakapagpalagay sa katayuan na hindi na kailangang isagawa ang pagsagip kay Jim, dahil sa nalalaman niyang ang babaeng may-ari o amo ni Jim ay namatay na at pinalaya na nito si Jim ayon sa kasulatang tinatawag sa wikang Ingles bilang ''will'' (nakasulat na kalooban o kagustuhan). Sa kabuoan ng nobela, ang pag-unlad na pangkaisipan at pangdamdamin ni Huck ang pangunahing tema, at sa pamamagitan ng muling pagpapakilala ng tauhan mula sa umpisa (si Tom Sawyer), nagawang bigyan ng diin at ipamalas ni Mark Twain ang ebolusyong ito hinggil sa katauhan at katangian ni Huck.
 
==Mga sanggunian==
166,389

edits