Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Tom Sawyer"

 
== Paglalarawan ng tauhan ==
Ang matatalik na mga kaibigan ni Tom Sawyer ay kinabibilangan nina [[Joe Harper]] at [[Huckleberry Finn]]. Sa "''Ang mga Pakikipagsapalaran ni Tom Sawyer'', ang [[Limerence|pagkahibang]] niya sa kaniyang kaklaseng si Rebecca "Becky" Thatcher ay kapansin-pansin. Namumuhay siyang kapiling ang kaniyang lalaking kapatid sa magulang na si Sid, ang kaniyang pinsang babaeng si Mary, at ang kaniyang mahigpit na tiyahing si Aunt Polly (Tiya Polly) sa kathang-isip na bayan ng St. Petersburg, Missouri. Bilang karagdagan, mayroon siyang isa pang tiyahin, si Sally Phelps, na nakatira sa malayu-layo pa mula sa tahanan ni Tom Sawyer at nasa may Ilog ng Mississippi, sa bayan ng Pikesville. Si Tom Sawyer ay ang anak na lalaki ng namatay nang kapatid na babae ni Aunt Polly.
 
Sa ''Ang mga Pakikipagsapalaran ni Huckleberry Finn'', si Tom Sawyer ay isa lamang tauhang hindi pangunahin, at ginamit bilang isang [[Foil (literature)|kapahamakan]] para kay Huckleberry Finn (na ang palayaw ay Huck), partikular na sa mga sumunod na mga kabanata ng nobela pagkaraan makarating na si Huck sa taniman ni Uncle Phelps (Tiyo Phelps). Ang imaturidad (kamusmusan), imahinasyon, at obsesyon ni Tom Sawyer sa mga kuwento ay nakapaglagay sa balak ni Huck na sagipin ang isang tumakas na aliping si Jim sa isang katayuan ng malaking panganib — sa kalubusan ay nakapagpalagay sa katayuan na hindi na kailangang isagawa ang pagsagip kay Jim, dahil sa nalalaman niyang ang babaeng may-ari o amo ni Jim ay namatay na at pinalaya na nito si Jim ayon sa kasulatang tinatawag sa wikang Ingles bilang ''will'' (nakasulat na kalooban o kagustuhan). Sa kabuoan ng nobela, ang pag-unlad na pangkaisipan at pangdamdamin ni Huck ang pangunahing tema, at sa pamamagitan ng muling pagpapakilala ng tauhan mula sa umpisa (si Tom Sawyer), nagawang bigyan ng diin at ipamalas ni Mark Twain ang ebolusyong ito hinggil sa katauhan at katangian ni Huck.
166,389

edits