Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Santiago ang Makatarungan"

Tinagurian siyang "[[kapatid]]", sa diwa ng pagiging [[pinsan]] ni Hesus. Pinaniniwalaan ng mga dalubhasa na si '''Santiago na anak ni Cleofas''' ay siya ring si [[Santiago na Bata]]. Ayon kay [[San Pablo]], si '''Santiagong Makatarungan''' ay naging isa sa mga saksi sa pagkabuhay na mag-uli ni Hesus na [[Kristo]].<ref name=Biblia/>
==Pinuno ng Simbahan ng Herusalem==
Ayon kay [[Eusebio ng Caesarea]](263 CE – 339 CE) si Santiago ang Makatarungan ang unang obispo ng Herusalem. Kanya ring isinaad na isinulat ni [[Clemente ng Alehandriya]](150 CE – c. 215 CE) na si Santiago ang Makatarungan ay hinirang nina [[Pedro]], [[Santiago]] at [[Juan]] na maging obispo ng Herusalem noong unang siglo CE.<ref>http://www.newadvent.org/fathers/250102.htm</ref> Ang Herusalem ay kinilala bilang patriarkada sa [[Konseho ng Chalcedon]] noong 451 CE. Isinulat ni Hegesippus sa kanyang mga Komentaryo na "Pagkatapos ng mga apostol, si Santiago na kapatid ng Panginoon na tinawag na Makatarungan ang ginawang pinuno ng [[Simbahan ng Herusalem]]"<ref>Schaff "Hegesippus who lived near the apostolic age, in the fifth book of his Commentaries, writing of James, says "After the apostles, James the brother of the Lord surnamed the Just was made head of the Church at Jerusalem.""</ref>Siya ang itinuturing na unang obispo o [[Griyegong Ortodoksong Patriarka ng Herusalem|Patriaraang Patriarka]] sa [[Griyegong Ortodoksong Simbahan ng Herusalem]].
 
==Mga sanggunian==
11,766

edits