Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Santiago ang Makatarungan"

walang buod ng pagbabago
}}
 
Si '''Santiago ang Makatarungan''', '''Santiago ang Matuwid''', '''Santiago, anak ni Cleofas''', '''Santiago na pinsan ni Hesus''', o '''Santiago na kapatid ni Hesus''' ay isang kamag-anak ni [[Hesus]]. Siya ang may-akda ng [[Sulat ni Santiago]] na nasa [[Bagong Tipan]] ng [[Bibliya]]. Siya ang unang obispo ng [[Simbahan ng Herusalem]] noong unang siglo CE. Kinikilala siya bilang "haligi ng Simbahan".<ref name=Biblia>{{cite-Biblia|Sulat ni Santiago}}, pahina 1766.</ref>
 
Dahil sa doktrinang [[Walang hanggang pagkabirhen ni Maria]] sa ilang mga denominasyon ng [[Kristiyanismo]] na hindi pumapayag kay [[Maria (ina ni Hesus)|Maria]] na magkaroon ng mga anak pagkatapos ni [[Hesus]], pinapakahulugan nilang ang "kapatid" ay tumutukoy sa "pinsan". Itinuring ni [[Jeronimo]] ang terminong "kapatid" ng Panginoon na pinsan at nagbigay konklusyon na ang "Santiagong, Kapatid ng Panginoon sa Galacia 1:19 ay nangangahulugang [[Santiago na anak ni Alfeo]] na isa sa [[Labindalawang Apostol]] gayundin bilang si Santiago na anak ni [[Maria Cleofas]]. <ref name=NewAdvent>Camerlynck, Achille; English translation in [http://www.newadvent.org/cathen/08280a.htm Catholic Encyclopedia: Saint James the Less] 1910</ref> Gayunpaman, hindi siya kinikilala kay [[Dakilang Santiago]].<ref name=NewAdvent/> Ang ibang mga denominasyong Kristiyano ay tumuturing sa {{bibleverse||Mateo|1:25}} na nagsasaad na "Hindi niya sinipingan ang kaniyang asawa hanggang(heos) sa maipanganak niya ang kaniyang panganay na anak na lalaki." na nangangahulugang si Maria ay nagkaroon ng pakikipagsiping kay Jose pagkatapos ipanganak si Hesus. Kanila ring pinapakahulugan ang mga tinukoy na "kapatid ni Hesus"(Matt. 12:46; Matt. 13:55; Mark 3:31–34; Mark 6:3; Luke 8:19–20; John 2:12, 7:3, 5, 10; Acts 1:14; 1 Cor. 9:5) bilang mga biolohikal na kapatid ni Hesus.
[[Kategorya:Kristiyanismo sa Herusalem]]
[[Kategorya:Mga Patriarka ng Herusalem]]
[[Kategorya:Mga tagasunodalagad ni Hesus]]
[[ar:يعقوب البار]]
[[ca:Jaume el Just (sant)]]
11,766

edits