Mga Selta: Pagkakaiba sa mga pagbabago

pamagat ng sanggunian
(pamagat ng sanggunian)
Ang lipunan at teknolohiyang Keltiko, bagaman hindi kasing masulong ng mga Romano, ay hindi primitibo para sa kapanahunan nito. Namumuhay ang mga Kelta sa isang uri ng pamumuhay na nakabatay sa mga kodigo ng etika at mga kodigo ng karangalan at nakapagpaunlad ng isang kulturang pansarili na puno ng namumukod-tanging mga larawan o pagguhit, mga eskultura, mga alahas, kuwentong-bayan, at mga disenyo at mga teknika sa pagtatayo ng mga gusali. Mayroon din silang kasanayan sa [[blacksmithing|pagpapanday]], pagsasaka at diplomasya.
 
Ang mga mandirigmang Keltiko ay magsusuot ng mga pinturang pandigma at tatangkain nilang takutin ang mga kalaban nila sa pamamagitan ng pagsigaw ng mga sigaw na pandigma. Maraming mga tribo ang mayroong iba't ibang mga pamantayan na pangkasuotan para sa labanan, may ilang mga mandirigma na nagsusuot ng mga tanikala at/o mga baluting katad, ang ilan ay nagsusuot ng mga damit lamang at mayroong ilan na nalalamang nakikipaglaban na nakahubo't hubad. Mayroon din silang pansariling uri ng espada na napakatibay at isang kalasag na talagang nakakapananggalang. Nang magsimulang lumaganap ang [[Republikang Romano]], naging marahas sa isa't isa ang mga Gaul at ang mga Romano at nagsasagupaan sa maraming mga pagkakataon; subalit, sa paglaon ay nagapi rin sila ng mga Romano at humantong na nasakop ng mga Romano ang halos lahat ng mga tribong Keltiko sa Europa at pinamunuan sila hanggang sa pagbagsak ng [[Imperyong Romano]]. Nag-aaway-away din sa isa't isa ang mga tribong Keltiko. Pagkaraang magwagi sa isang labanan, pupugutin ng mga Keltiko ang mga [[ulo]] ng kanilang mga kaaway at dadalhin pabalik sa kanilang mga tahanan.<ref>[http://www.bbc.co.uk/schools/primaryhistory/romans/invasion/ ''What was Britain like before the Romans?'']</ref>
 
Noong panahon ng pagbagsak ng Imperyo ng Roma, karamihan sa mga dating lupain ng mga Kelta ay humantong na napamunuan ng mga nandarayuhang mga [[tribong Hermaniko]] at sumanib sa mga lahing Romano-Keltiko (mga tao na kapwa mayroong mga ninunong Romano at Keltiko) upang sa paglaon ay bumuo ng ilang mga bansang Europeo ng pangkasalukuyang kapanahunan, katulad ng [[Pransiya]]. Ang mga teritoryong itinuturing pa rin bilang Keltiko ay ang [[Irlanda]], [[Gales]], [[Iskotlandiya]], [[Pulo ng Tao]], at [[Brittany|Britaniya]] (huwag ikalito sa [[Britanya]]).
166,389

edits