Emilio Aguinaldo: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
m Inalis ang binago ni 121.54.27.170, ibinalik sa huling bersyon ni MerlIwBot
Linya 29:
==Rebolusyong Pilipino==
Noong 1894, sumali siya sa Katipunan o ang K.K.K., isang sikretong organisasyon na pinamumunuan ni [[Andres Bonifacio]], at dedikado itong organisasyon upang maitaboy ang manlulupig na Kastila at makamit ang kalayaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Ginamit niya ang ''nom de guerre'' na Magdalo, para kay [[Maria Magdalena]]. Ang kanyang sangay ng Katipunan na pinamumunuan ng pinsan niya na si [[Baldomero Aguinaldo]] ay tinawag ding Magdalo.
 
gswywqbdyxhbkewfkcb dsnm cmvndsfmn
Nagsimula ang Rebolusyon sa [[San Juan del Monte]] (siyang lungsod ng [[San Juan]], Metro Manila]]. Ngunit sa simula ay hindi sumali ang sangay ni Aguinaldo dahil sa kakulangan ng armas, na isa sa mga dahilan ng pagkatalo ni Bonifacio sa Pinaglabanan. Habang napilitan sina Bonifacio na gumamit ng gerilya para makilaban, nanalo sina Aguinaldo sa iba't ibang laban na nakapagtaboy ng mga Espanyol ng panandalian.
 
Noong Pebrero 17, 1897, natalo nina Aguinaldo at ilang Katipunero ang puwersa na pinamumunuan ni Gobernador-Heneral Camilo de Polavieja sa Labanan sa Tulay ng Zapote sa Cavite. Si Heneral Edilberto Evangelista, inhinyerong sibil, rebolusyonaryo, at tagatayo ng trintsera, ay namatay sa labanang ito. Ang probinsya ng [[Cavite]] ay naging importanteng lokasyon ng Rebolusyon at dito rin nakanalo ang Magdalo ng marami laban sa Espanya.
 
Ngunit, lalong nagkaroon ng malaking agwat ang dalawang kampo sa Katipunan, ang Magdalo at Magdiwang. Dahil dito, napilitan si Bonifacio na mamagitan sa dalawang kampo. Naisip ng Magdalo na magtayo ng sarili nilang gobyerno. Si Bonifacio, kahit para sa kanya na ang Katipunan ay gobyernong ganap, pinayagan niya at pinamunuan rin ang isang halalan na sinimulan sa Kumbensyong Tejeros sa Tejeros, Cavite noong Marso 22, 1897. Nawala rito ang pamumuno niya kay Aguinaldo, at naboto bilang Ministro ng Interyor. Ito ay kinwestyon ni Daniel Tirona, na sinasabing hindi raw nararapat ito kay Bonifacio dahil siya ay hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Nagalit si Bonifacio (nilabas ang kanyang baril at binaril na sana si Tirona kung hindi lang siya tumigil) at dineklarang ''null'' at di-wasto ang kumbensyon. Napilitan si Bonifacio na bumalik sa [[Morong, Rizal|Morong]], [[Rizal]]
 
Hindi na kinilala ni Bonifacio ang gobyernong pinamumunuan ni Aguinaldo at sinimulang ibalik ang kanyang awtoridad, pinagbintangan ang paksyon ni Aguinaldo ng pagtataksil at nagbibigay ng utos na taliwas sa mga utos ni Aguinaldo. Sa utos ni Aguinaldo, hinuli si Bonifacio at ang kanyang mga kapatid at sa isang ''mock trial'', nahatulan ng pagtataksil at nasintensyahan ng kamatayan. Pagkatapos ng pag-aalanganin, naisip niyang tanggalin ang hatol, ngunit pagkatapos makumbinse ni Heneral Manuel Noriel, Pangulo ng Konseho ng Digmaan, at iba pa, binalik ni Aguinaldo ang hatol. Pinatay ang magkapatid na Andres at Procorpio sa pamamagitan ng ''firing squad'' noong Mayo 10, 1897 sa Bundok Hulog na malapit ng apat na kilometro kanluran ng Maragondon, Cavite.