Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Arkanghel Miguel"

sanggunian
(linis)
(sanggunian)
Bilang pagtanaw dito, si Miguel ay tinatanaw bilang gumaganap ng isang mahalagang gampanin bilang tagapagtanggol ng Israel, at pagdaka ay tagapagtanggol ng [[Simbahang Kristiyano]].
 
Bagaman ang tatlong mga pagbanggit kay Miguel sa Aklat ni Daniel 10:13, 10:21 at 12:1 ay tumutukoy sa iisang indibidwal na kumikilos sa magkakahalintulad na mga paraan sa loob ng tatlong mga pagkakataon, ang panghuli ay nakatakda sa "[[mga panahon ng wakas]]", habang ang naunang dalawa ay tumutukoy sa talagang kapanahunan noon sa Persiya.<ref>''Daniel: a reader's guide'' ni William H. Shea 2005 ISBN 0-8163-2077-2 pahina 270-271</ref> Ang mga ito lamang ang tatlong mga pagbanggit kay Arkanghel Miguel sa Bibliyang Hebreo.<ref name="Richard">Richard Freeman Johnson (2005) ''Saint Michael the Archangel in Medieval English Legend'' ISBN 1-84383-128-7; pp. 33-34</ref>
 
Ang mga pagtukoy sa "kapitan ng ostiya ng Panginoon" na nakatagpo ni [[Aklat ni Joshua|Joshua]] noong kaagahan ng mga araw ng mga pangangampanya niya sa [[Lupang Ipinangako]] ([[wikisource:Bible (American Standard)/Joshua#5:13|Joshua 5:13-15]]) ay paminsan-minsang ipinaliliwanag bilang si Miguel ang Arkanghel, subalit walang batayang pangteolohiya para sa pagpapalagay na ito, kung dinadambana ni Joshue ang pigurang ito, habang hindi naman dapat sambahin ang mga anghel. Mayroong ilang mga paham na nagbibigay ng diin na ang pigurang ito ay maaaring tumutukoy sa Diyos mismo.<ref>''Yahshua, the Man Behind the Glory'' ni Jarid Miller ISBN 1-4500-9880-0 pahina 15-16</ref><ref>''Joshua'' ni J. Gordon McConville, Stephen Williams 2010 ISBN 0-8028-2702-0 pahina 29-30</ref> Sa pagsasalaysay sa Aklat ni Joshua, ipinababatid na si Joshua ay tumingala at nakatanaw ng isang lalaking nakatindig sa harapan niya na mayroong espadang hawak na binunot magmula sa kinasusuksukan nito. Nang ang hindi pa nakakabatid na si Joshua ay magtanong kung saan nakapanig sa nagaganap na labanan, ang tugon nito ay "wala akong pinapanigan... subalit bilang komandante ng hukbo ng Panginoon, ako ngayon ay naririto na".
166,389

edits