Uhog: Pagkakaiba sa mga pagbabago

14 bytes added ,  9 years ago
dagdag
(m)
(dagdag)
Ang '''uhog''' o '''sipon''' (Ingles: ''mucus'', bigkas: ''myu-kus''; ''nasal mucus'' o "uhog sa ilong" o "sipon sa ilong") ay ang malapot na bagay na binubuo ng mga musino (o ''mucin''), selula, asin, at tubig na pantakip sa at pampadulas sa [[lamad na mukosa]] o [[membrano ng mukosa]] ([[membranong mukosal]], Ingles: ''nasal mucosa'').<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Mucus'', uhog, kulangot}}</ref> Ito ang madulas at mamasa-masang dumi na nagiging '''kulangot''' o ang tumigas at natuyong ''uhog'' (Ingles: ''booger'') na natatagpuan sa kahabaan ng [[lamad na mukosa]] ng [[ilong]].<ref name=Gaboy/>
 
Sa larangan ng medisina, mas malawak ang kahulugan ng ''uhog'' sapagkat ito ang malinaw at madikit na sustansiyang gawa ng mga membrano ng mukosa, na gumuguhit o nakalinya sa mga bukasan ng katawang katulad ng ilong, bibig, at ilang mga partikular na organong kagaya ng [[tiyan]] at mga [[bituka]]. Pinananatili ng uhog o '''mukus''' at '''myukus''' (mula sa Ingles na ''mucus'') ang pagiging mamasa-masa ng mga nabanggit na bahagi o pook ng katawan, at nagsisilbing pamprotekta o pananggalang na pambalot ng mga ito.<ref name=NBK>{{cite-NBK|''Mucus'', ''Some Medical Terms'', ''Diseases''}}, pahina 206.</ref>
166,389

edits