Pang-aapi sa Internet: Pagkakaiba sa mga binago
Content deleted Content added
Sky Harbor (usapan | ambag) m Inalis ang binago ni 112.207.19.186, ibinalik sa huling bersyon ni TjBot |
|||
Linya 2:
== Kahulugan ==
Ang katawagang "
Kinalaunan, ang ''cyber-bullying'' ay tinuring na “kapag ginagamit ang Internet, [[teleponong selular]] at iba pa sa paghahatid ng mensahe o mga larawan na naglalayong manakit o magpahiya ng kapwa”. Ang ilan sa mga mananaliksik ay ginamit ang parehong lenggwahe upang ipaliwanag ang nasabing katawagan.
Ang pagmamaton sa Internet ay ang patuloy na pagpapadala ng mensahe sa isang tao na nagsasabing hindi nila kilala kung sino ang nasa likod nito na may kasamang pagbabanta, seksuwal na nilalaman, nakakainsultong pananalita, panghahamak at pagpapahatid ng mga maling pahayag na nagdudulot ng
Ang mga bata ay nagsisimula ng maging malupit sa isa’t isa kapag nasa Internet sila, kahit nasa ikalawang baitang pa lamang. Ayon sa pananaliksik, mas maagang nagpakita nito ang mga batang lalaki kaysa sa mga batang babae. Ngunit pagtapak sa kalagitnaang baitang, ang mga batang babae naman ang karaniwang gumagawa ng pagmamaton. Mapa-lalaki man o babae ang maton (''bully''), ang layunin nila ay intensyonal na magpahiya, guluhin, mang-insulto at magbanta sa isa’t isa. Ang pagbubuling ito ay nagaganap sa pamamagitan ng [[elektronikong liham]], [[mabilisang pagmemensahe]] (''texting''), at ang pagpapaskil ng mga sulatin sa mga [[blog]] at websayt.
Linya 14:
== Pananaliksik ==
Noong 2008, panahon ng tag-init, ang mga mananaliksik na sina Sameer Hinduja (Florida Atlantic University) at Justin Patchin (University of Wisconsin-Eau Claire) ay naglathala ng isang libro na nagbubuod sa kasalukuyang estado ng mga pag-aaral tungkol sa ''cyber-bullying''. (Bullying Beyond the Schoolyard: Preventing and Responding to Cyberbullying). Ang mga dokumento ng kanilang pagsasaliksik ay nagpapakita ng pagtaas ng kaso ng ''cyber-bullying'' sa mga nakaraang taon. Nag-ulat din sila sa kanilang mga natuklasan mula sa pinakahuling pag-aaral ng ''cyber-bullying'' sa mga estudyante ng kalagitnaang baitang. Gamit ang random sample na mahigit kumulang 2,000 estudyante mula sa isang malaking distrito ng paaralan sa Southern United States, halos 10% sa mga tumugon ay sinabing naranasan nila ang ''cyber-bullying'' sa mga nakaraang 30 araw, samantalang mahigit 17% ay nakaranas na minsan sa kanilang buhay. Ang mga ito ay nagpakita ng bahagyang pagbaba mula sa mga nakaraang pag-aaral. Ngunit ayon kina Hinduja at Patchin, ang mga naunang pagsasaliksik ay isinagawa kung saan marami ang nakatatanda. Kaya masasabing ang mga matanda ay mas madalas gumamit ng Internet at mas maaaring makaranas
== Paghahambing sa tradisyunal na pangbubuli ==
Ang ilang
Bukod pa rito, ang mga ''electronic forum'' ay karaniwang walang gabay. Habang ang mga ''chat host'' ay palagiang inoobserbahan ang ibang dayalogo sa mga ''chat room'', sa pagsisikap sa mga pag-uusap ng pulis at ng nakasakit na indibidwal, ang mga personal na mensahe (e-mail o text message) ay maaari lamang mabasa ng nagpadala at tumanggap, kaya’t ito ay labas sa abot ng regulasyon ng mga awtoridad. At kapag ang mga tinedyer ay mas maraming nalalaman sa mga kompyuter at cell phone, kaya nilang gamitin ito ng walang pahintulot sa kanilang mga magulang para hindi malaman ang kanilang karanasan sa pangbubuli (siya man ay biktima o ang nakasakit).
|