Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pamahalaang pederal ng Estados Unidos"

walang buod ng pagbabago
{{Politics of the United States‎}}
[[File:Political System of the United States.svg|thumb|350px|Ang sistemang politikal ng [[Estados Unidos]].]]
Ang '''pamahalaang pederal ng Estados Unidos''' ay isang entidad na [[sentralisadong pamahalaan]] na itinatag ng [[Saligang Batas ng Estados unidos]] na kakikisabatas sa buong [[Estados Unidos ng Amerika]] at ng mga [[Pamahalaang Estado ng Estados Unidos]] ng bawat [[Estado ng Estados Unidos]]. Para sa mga opisyal na katawagan sa mga [[hukuman ng Estados unidos]], ang pamahalaan ay inihahabla (at ipinahahabla sa iba) bilang "ang Estados Unidos ng Amerika" at ito ay pinagagaaning tinatawag na "ang Pamahalaan."
Ang '''pamahalaan ng Estados Unidos''' ay ang pamahalaang pederal ng republikang konstitusyonal ng mga limampung [[estado ng Estados Unidos|mga estado]] na bumubuo ng Estados Unidos gayundin ang isang distritong kapitolyo at ilang mga iba pang teritoryo. Ang pamahalaang pederal ng Estados Unidos ay binubuo ng mga tatlong natatanging sangay: ang lehislatibo, ehekutibo at hudikatura na mga kapangyarihang ipinagkaloob ng [[Saligang Batas ng Estados Unidos]] ng respektibo sa [[Kongreso ng Estados Unidos]], [[Pangulo ng Estados Unidos]] at mga [[Hukumang pederal ng Estados Unidos]]. Ang mga kapangyarihan at katungkulan ng mga sangay na ito ay karagdagan pang inilalarawan ng mga akto ng Kongreso kabilang ang paglikha ng mga kagawarang ehekutibo at mga hukumang mas mababa sa [[Kataas-taasang Hukuman ng Estados Unidos]].
 
Ang buong pangalan ng republika ay "The United States of America". Walang ibang pangalan ang lumilitaw sa Saligang Batas at ang pangalang ito ang lumilitaw sa mga salapi, mga kasunduan at sa mga kasong pambatas na ito ay isang partido (e.g., Charles T. Schenck v. United States). Ang mga katagang "Government of the United States of America" o "United States Government" ay kadalasang ginagamit sa mga opisyal na dokumento upang ikatawan ang pamahalaang pederal bilang natatangi mula sa mga sama samang estado. Ang mga katagang "Federal" o "National" sa ahensiya ng pamahalaan ay pangakalahatang nagpapakita ng kaugnayan sa pamahalaang pederal (e.g., Federal Bureau of Investigation, National Oceanic and Atmospheric Administration, etc.). Dahil ang upua ng pamahalaan ay nasa [[Washington D.C.]], "Washington" ay karaniwang ginagamit bilang metonym para sa pamahalaang pederal.
 
==Kasaysayan==
Ang rehime o pamumunong pederal ng Estados Unidos ay nagsimula pa noong 1790 at itinuturing bilang ang kauna-unahang bagong pambansang [[pederasyon]] sa buong mundo. Kahit na ganoon, ang mga nilalaman ng pederalismong Amerikano ay pinagtatalunan simula pa ng pagkakatatag at pagsasabatas ng Saligang Batas na ang ibang partido ay ipinagtatalo ang pambansang pagpapalawig ng kapangyarihan at ang iba naman ay pinaikli at mahigpit na ipinagbibigay-kahulugan bilang an pag-iisa-isa ng mga pambansang kapangyarihan ng pamahalaan sa Saligang Batas.
 
11,766

edits