Fernando de Magallanes: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Linya 42:
[[Talaksan:Ph locator cebu mactan.png|thumb|right|[[Mactan]] na lugar kung saan namatay si Magellan.]]
Ayon kay [[Antonio Pigafetta,]] tinangka ni Magellan na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si Magellan ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng Abril 28, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni Magellan na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay Magellan na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si Magellan na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni Magellan ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si Magellan. Ang mga kaibigan ni Magellan na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni Magellan at nanood sila mula sa kanilang mga bangka sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni Magellan at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapu-Lapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si Magellan ay hinalinhan ni [[Juan Sebastián del Cano]] bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa [[Espanya]] noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng mundo.
==Pagbabalik==[[File:Magellan Elcano Circumnavigation-en.svg|800px|thumb|center|<center>Ang paglalayag na Magellan–Elcano. Ang''[[Victoria (ship)|Victoria]]'' na isa sa mga orihinal na limang barko ay umikot sa globo na nagtatapos ng 16 buwan pagkatapos ng kamatayan ng eksplorador.</center>]]
 
Ang mga napatay sa Pilipinas ay nag-iwan sa ekspedisyon ng kakauntin upang maglayag sa tatlong mga natitirang barko. Noong Mayo 2, kanilang inabandona ang barkong Concepción at sinunog. Ang armada na nabawasan sa Trinidad at Victoria ay naglayag papakanluran sa [[Palawan]]. Kanilang nilisan ang isla noong Hunyo at ginabayan sa Brunei, Borneo ng mga pilotong [[MOro]] na makapaglalayag sa mga mabababaw na katubig. Sila ay nag-angkla sa hampulan ng Brunei sa loob ng 35 arw kung saan itinala ni Pigafetta ang kagaraan ng korte ni [[Rajah Siripada]](ginto, dalawang mga perlas na may sukat ng itlog ng manko at iba pa). Sa karagdagan, ang Brunei ay nagmalaki sa mga maaamong elepante at mga sandatang 62 kanon na higit sa 5 beses ng mga armas ng mga barko ni Magellan. Kinutya rin ng Brunei ang mga kargo ng mga clove na napatunayang mas mahalaga kesa sa ginto sa kanilang pagbabalik sa Espanya. Binanggit ni Pigafetta ang ilang teknolohiya ng korte ng Brunei gaya ng mga porselana at mga salamit sa mata na parehong hindi makukuha sa Europa. Pagkatapos marating ang [[Mga kapuluan ng Malukus]](Mga kapuluan ng Pampalasa) noong Nobyembre 6, ang mga tripulante ay iniwan. Nagawa nilang makipagkalakalan sa Sultan ng Tidore na katunggali ng Sultan ng Ternate na kaalyado ng Portugal. Ang mga dalawang natirang barko na puno ng mga mahahalagang mga pampalasa ay nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng paglalayag pakanluran. Gayunpaman, habang kanilang nililisan ang mga kapuluan ng pampalasa, ang Trinidad ay nagsimulang mapuno ng tubig. Tinangka ng tripulante na tuklasin at kumpunihin ang pagtagos ngunit nabigo. Ang Trinidad ay nangailangan ng mahabang panahon upang kumpunihin ngunit ang maliit na Victoria ay hindi sapat na malaki upang isama ang lahat ng mga natirirang tripulante. Dahil dito, ang ilan sa mga tripulante sa Victoria ay naglayag pakanluran sa Espanya. Pagkatapos ng ilang linggo, ang Trinidad ay lumisan at nagtangkang bumalik sa Espanya sa pamamagitan ng rutang Pasipiko. Ang pagtatangkang ito ay nabigo at ang Trinidad ay nabihag ng mga Portuges at kalaunang nawasak sa isang bagyo habang naka-angkla sa ilalim ng pangangasiwa ng mga Portgues. Ang Victoria ay naglayag sa pamamagitan ng Karagatang India pabalik sa Espanya noong Disyembre 21 at pinamunuan ni Juan Sebastián Elcano. Noong Mayo 6, ang Victoria ay nakaikot sa [[Cape of Good Hope]] na tanging mga rasyon ng kanin. Ang 20 tripulante ay namatay sa kagutuman bago huminto sa Cape Verde na hinahawak ng mga Portuges. Dito ay kanyang inabandona ang 13 pang mga tripulante noong Hulyo 9 sa takot ng pagkawala ng kanyang kargo ng 26 toneladang mga pampalasa na clove at cinnamon. Noong Setyembre 6, 1522, sina Elcano at mga natitirang tripulante ay dumating sa Espanya sa huling barko sa armada na Victoria na halos eksaktong 3 taon pagkatapos nilang lumisan dito. Hindi hinangad ni Magellan na umikot sa mundo kundi humanap lamang ng isang ligtas na daan na paglalayagan ng mga barkong Kastila patungo sa Kapuluan ng mga Pampalasa. Si Elcano pagkatapos ng kamatayan ni Magellan na nagpasyang maglayag pakanluran na bumubuo ng unang paglalakbay sa globo. Kinapanayam ni Maximilianus Transylvanus ang ilang mga nakaligtas na kasapi ng ekspedisyon nang kanilang iharap ang kanilang mga saril sa korteng Espanyol sa [[Valladolid]] noong taglagas nang 1522. Kanyang isinulat ang unang salaysay ng paglalayag na inilimbag noong 1521. Ang salaysay na isinulat ni Pigafetta ay hindi lumitaw hanggang 1525 at hindi buong nilimbag hanggang 1800. Ito ang transkripsiyong Italyano ni [[Carlo Amoretti]] ng tinatawag ngayong Ambrosiana codex. Ang 4 na tripulante ng orihinal na 55 sa Trinidad ay nakabalik sa Espanya noong 1522. Ang 51 sa mga ito ay namatay sa digmaan o karamdaman. Sa kabuuan, ang mga 232 tripulante ay namatay sa ekspedisyon sa buong mundo ni Magellan. Nang makabalik ang Victoria sa baybayin ng Espanya, ang tanging 18 katao mula sa orihinal na 237 lalake ay nakasakay pabalik. Kabilang sa mga nakaligtas sa ekspedisyon sina Antonio Pigafetta at Martino de Judicibus.
 
Ang mga nakaligtas ang sumusunod:
 
{| class="wikitable"
|+ 18 lalakeng nakabalik sa [[Seville]] sakay ng ''Victoria'' noong 1522:
|-
! Pangalan !! Rating
|-
| [[Juan Sebastián Elcano]], mula [[Getaria (Spain)]] || [[Captain (nautical)|Maestro]]
|-
| Francisco Albo, from Rodas (sa [[Tui (town)|Tui]], Galicia)|| [[Harbour pilot|Piloto]]
|-
| Miguel de Rodas (sa Tui, Galicia)|| Piloto
|-
| Juan de Acurio<!-- Acuario? -->, from [[Bermeo]] || Piloto
|-
| [[Antonio Pigafetta|Antonio Lombardo (Pigafetta)]] mula [[Vicenza]] || [[Supernumeraryo]]
|-
| [[Martín de Judicibus]], from [[Genoa]] || Chief Steward
|-
| Hernándo de Bustamante, from [[Alcántara]]<!-- Mérida? --> || [[Marinero]]
|-
| Nicholas the Greek, from [[Nafplion]] || Marinero
|-
| Miguel Sánchez, from Rodas (in Tui, Galicia)|| Marinero
|-
| Antonio Hernández Colmenero, from [[Huelva]] || Marinero
|-
| Francisco Rodrigues, [[Portugal|Portuguese]] from [[Seville]] || Marinero
|-
| Juan Rodríguez, from [[Huelva]] || Marinero
|-
| Diego Carmena, from [[Baiona, Spain|Baiona]] (Galicia)|| Marinero
|-
| Hans of [[Aachen]], ([[Holy Roman Empire]])|| [[Gunner (rank)|Gunner]]
|-
| Juan de Arratia, from [[Bilbao]] || [[Able Seaman (rank)|Able Seaman]]
|-
| Vasco Gómez Gallego, from Baiona (Galicia)|| Able Seaman
|-
| Juan de Santandrés, from [[Cueto, Spain|Cueto]] ([[Cantabria]]) || Apprentice Seaman
|-
| Juan de Zubileta, from [[Barakaldo]] || [[Page (servant)|Page]]
|}
 
== Sanggunian ==