Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Fernando de Magallanes"

walang buod ng pagbabago
{{pp-semi|small=yes}}
{{expand|date=Hulyo 2008}}
{{Infobox Person
| name = Fernão de Magalhães<br />''[[wikang Kastila|Fernando de Magallanes]]''<br />''[[wikang Ingles|Ferdinand Magellan]]''
 
==Sirkumnabigasyon==
Ang hangarin ng mga paglalakbay ni [[Christopher Columbus]] sa Kanluranin oong 1492–1503 ay marating ang mga Indies at magtatag ng direktang mga ugnayang pangangalakal sa pagitan ng [[Espanya]] at mga kahariang Asyano. Natanto ng mga Espanyol na ang mga lupain ng Amerika ay hindi bahagi ng Asya ngunit isang bagong kontinente. Ang [[Kasunduan ng Tordesillas]] noong 1494 ay naglaan sa Portugal ng mga silanganing ruta na umikot sa Aprika. Si [[Vasco de Gama]] at ang mga Portuges ay duamting sa India noong 1498. Naging mahalaga para sa Espanya na makahanap ng isang bagong ruta ng kalakalan sa Asya at pagkatapos ng pagpupulong ng [[Junta de Toro]] noong 1505, ang Korona ng Espanya ay naglayag upang tuklasin ang ruta sa kanluran. Narating ng maglalayag na Espanyol na si [[Vasco Núñez de Balboa]] ang [[Karagatang Pasipiko]] noong 1513 pagkatapos tumawid sa [[Isthmus ng Panama]] at si [[Juan Díaz de Solís]] ay namatay sa [[Río de la Plata]] noong 1516 habang ginagalugad ang Timog Amerika bilang paglilingkod sa Espanya. Noong Oktubre 1517 sa [[SevilleSevilla]], nakipag-ugnayan si Magellan kay [[Juan de Aranda]] na Paktor ng Casa de Contratación. Pagkatapos ng pagdating ng kanyang kasamang si [[Rui Faleiro]] at sa pagsuporta ni Arana, kanilang itinanghal ang kanilang proyekto sa hari ng Espanya na si [[Carlo I ng Espanya]] na naging [[Karlos V ng Banal na Imperyo Romano]]. Ang proyekto ni Magellan ay magbubukas ng ruta ng mga pampalasa nang hindi pipinsala sa mga ugnayan sa kapitbahay na Portuges. Noong Marso 22, 1518, pinangalanan ng hari ng Espanya si Magellan at Faleiro na mga kapital upang makapaglayag sila sa pagtuklas ng mga Kapuluan ng Pamapalasa noong Hulyo. Kanyang itinaas sila sa ranggo ng Komandet ng Orden ni Santiago. Sila ay pinagkalooban ng Hari ng mga sumusunod: monopolyo sa natuklasang ruta sa loob ng 10 taon, ang kanilang paghirang bilang mga gobernador ng mga natuklasang kapuluan at mga lupain, ang karapatan na magbuwis ng 1000 [[ducat]] sa mga susunod na paglalayag na magbabayad lamang ng 5 porsiyento sa natitira, pagkakaloob ng isang kapuluan para sa bawat isa maliban mula sa anim na pinakamayaman kung saan sila tatanggap ng ikalabinglima. Ang ekspedisyong ito ay malaking pinondohan ng Korona ng Espanya at nagkaloob ng mga barko na may mga suplay para sa dalawang taon na paglalayag. Ang bihasang kartograpong si [[Jorge Reinel]] at [[Diogo Ribero]] na isang Portuges na nagtrabaho para kay Carlos V noong 1518 bilang kartograpo ng Casa de Contratación ay lumahok sa pagpapaunlad ng mga mapang gagamitin sa paglalayag. Ang ilang mga problemay ay lumitaw kabilang ang kawalan ng salapi, ang pagtatangka ng hari ng Portugal na pigilan sila at ibang pang Portuges na nabibigay suspetsa sa Espanya at ang mahirap na kalikasan ni Ribeiro. Sa pamamagitan ng obispong si Juan Rodríguez de Fonseca ay nakuha nila ang pakikilahok ng mangangalakal na si Christopher de Haro na nagkaloob ng isang ikaapat ng mga pondo at mga kalakal upang ibarter.
[[Talaksan:Detail from a map of Ortelius - Magellan's ship Victoria.png|thumb|right|Ang barkong Victoria na tanging barkong nakabuo ng sirkumnabigasyon.]]
[[Talaksan:ReplicaNaoVictoriaMagallanes.jpg|thumb|right|Replika ng barkong Victoria]]
Ang armadang ipinagkaloob ni Haring [[Carlos V ng Espanya]] ay kinabibilangan ng mga limang barko: ang Trinidad (110 tonelado, 55 tripulante) sa ilalim ng pamumuno ni Magellan, San Antonio (120 tonelada, 60 tripulante) na pinamunuan ni [[Juan de Cartagena]]; Concepcion (90 tonelada, 45 tripulante) na pinamunuan ni [[Gaspar de Quesada]], Santiago (75 tonelada, 32 tripulante) na pinamunan ni [[Juan Serrano]] at Victoria (85 tonelada, 43 tripulante) na ipinangalan sa Santa Maria de la Victoria de Triana kung saan nanumpa ng katapatan si Magellan kay Haring Carlos V at pinamunuani ni [[Luis Mendoza]]. Ang Trinidad ay isang [[caravel]] at ang iba ay mga carracks(Kastila:"carraca" o "nao"; Portuges "nau"). Ang 270 tripulante ay binubuo ng mga lalake mula sa ilang mga bansa kabilang ang mga Portuges, Kastila, Italyano, Aleman, Flemish, Griyego, Ingles at Pranses. Halos pigilan ng mga autoridad na Kastila ngunit pinalitan ang kanyang karamihan ng mga tauhang Portuges ng mga Kastila. Gayunpaman, ito ay kinabibilangan ng 40 Portuges kabilang ang kanyang bayaw na si Duarte Barbosa, João Serrão, Estêvão Gomes at gayundin ang alipin ni Magellan na si [[Enrique of Malacca]]. Si Faleiro na nagplanong sumama sa paglalayag ay umurong bago sumakay sa barko. Si Juan Sebastián Elcano na isang kapitang mangangalakal na Kastil na tumira sa SevilleSevilla ay sumama na humihingi ng kapatawaran ng hari sa mga nakaraang kasalanan. Kabilang din sa kasama sa paglalayag ang Venezianong si [[Antonio Pigafetta]] na humiling na maisama sa paglalayag at tumanggap ng pamagat na supernumeraryo sa isang katamtamang sahod. Siya ay naging striktong katulong ni Magellan at nag-ingat ng isang tumpak na hornal. Ang isa pang kasama na nag-ulat sa paglalayag si Francisco Albo na nag-ingat ng isang pormal na logbook. Si [[Juan de Cartageña]] ay pinangalanang Inspektor Heneral ng ekspedisyon at responsable sa mga operasyong pangsalapi at pangangalakal nito.
 
Noong Agosto 10, 1519, ang limang mga barko sa ilalim ng pamumuno ni Magellan na Trinidad, San Antonio, Concepción, Victoria at Santiago ay lumisan sa [[SevilleSevilla]], Espanya at tumungo sa Ilog Guadalquivir patungong [[Sanlúcar de Barrameda]] sa bukanan ng ilog. Doon ay nanatili sila ng higit sa 5 linggo. Sila ay naglayag noong Setyembre 20. Nag-utos si Haring [[Manuel I]] ng hukbong pandagat ng Portugal na habulin si Magellan ngunit sila ay iniwasan ni magellan. Pagkatapos huminto sa [[Kapuluang Canarias]], si Magellan ay dumating sa [[Cape Verde]] kung saan ay nagtakda ng kurso para sa [[Cape St. Augustine]] sa Brazil. Noong Nobyembre 28, ang ekspedisyon ay tumawid sa [[ekwador]]. Noong Disyembre 6, natanaw ng mga tripulante ang Timog Amerika. Dahil sa ang Brazil ay isang teritoryo ng Portugal, iniwasan ni Magellan ito at noong Disyembre 13 ay nag-angkla sa ngayong [[Rio de Janeiro]]. Doon ay muling nagkalapat ng suplay ang mga tripulate ngunit ang mga masamang kondisyon ay nagpaantala sa kanila. Pagktapos ay patuloy silang naglayag sa kahabaan ng silangang baybayin ng Timog Amerika na naghahanap ng isang [[kipot]] na pinaniwalaan ni Magellan na tutungo sa mga Kapuluan ng Pampalasa. Narating ng armada ng [[Rio dela Plata]] noong Enero 10, 1520. Dahil sa labis na tagginaw, itinatag ni Magellan ang temporaryong tirahang tinatawag na [[Puerto San Julian]] noong Marso 30, 1520. Noong Abril 1 at Abril, ang isang pag-aalsa ay sumiklab na kinabibilangan ng tatlo sa limang mga kapitan ng barko. Mabilis na kumilos si Magellan. Si Luis de Mendoza na kapitan ng Victoria ay pinatay ng isang partidong ipinadala ni Magellan at ang barko ay nabawi. Pagkatapos, ang kableng pang-angkla ng Concepcion ay palihim na pinutol at ang barko ay natangay tungo sa may armas na Tinidad at ang kapitan ng Concepsion na si de Quesada at mga kasama ay sumuko. Si Juan de Cartagena na pinuno ng mga nag-alasa sa San Antonio ay kalaunang sumuko. Iniulat ni Pigafetta na si Gaspar Quesada na kapitan ng Concepsion at ibang mga nag-alsa ay pinatay samantalang si Juan de Cartagena na kapitan ng San Antonio at isang paring nagngangalang Padre Sanchez de la Reina ay iniwan sa baybayin. Ang karamihan ng mga lalake at si Juan Sebastián Elcano ay kinailangan at pinatawad. Iniulat na ang mga napatay ay inalisan ng bituka at pinaghahati ang katawan at tinuhog sa baybayin. Ang kanilang mga buto ay kalaunang natagpuan ni Sir [[Francis Drake]].
[[Talaksan:Strait of Magellan.jpeg|thumb|right|[[Kipot ni Magellan]]]]
Ang paglalayag ay nagpatuloy. Ang tulong ni Duarte Barbosa ay mahalaga upang harapin ang kaguluhan sa Puerto San Julian na naging kapitan mula nito ng Victoria. Ang Santiago ay pinadala sa baybayin sa isang ekspedisyong paggalugad at nasira sa isang biglaangbagyo. Ang lahat ng mga tripulante nito ay nakaligtas at nagawang dumating sa baybayin. Ang dalawa sa mg aito ay bumalik sa lupain upang ipagbigay alam kay Magellan ang nangyari at sagipin ang kanilang mga kasama. Pagkatapos nito, ay nagpasya si Magellan na maghintay ng ilang mga linggo bago ipagpatuloy ang paglalayag. Sa latitudong 52°S noong Oktubre 21 ay narating ng armada ang [[Cape Virgenes]] at naniwalang kanilang natuklasan ang daan dahil ang mga katubigan ay maasin at malalim na panloob na lupain. Ang apat na barko ay naglayag sa 373 milya o 600 kilometrong daanan na tinawag ni Magellan na Estrecho(Kanal) de Todos los Santos dahil sa ang armada ay naglakbay dito sa araw ng todos los santos(Nobyembre 1). Unang itinakda ni Magellan sa Concepcion at San Antonio na galugarin ang kipot ngunit ang huli na pinamunuan ni Gomez ay lumisan at bumalik sa Espanya noong Nobyembre 2. Noong Nobyembre 28, ang tatlong natitiran gbarko ay pumasok sa Timog Pasipiko. Pinangalanan ni Magellan ang mga karagatan na Mar Pacifico o Pacifi Ocean dahil sa maliwanag na katahimikan nito. Si Magellan at kanyang tripulante ang unang mga Europeo na nakarating sa [[Tierra del Fuego]] sa silangan ng panig na Pasipiko ng kipot. Sa paglalayag pahilagang-kanluran, narating nina Magellan ang ekwador noong Pebrero 13, 1521. Noong Marso 6, kanilang narating ang [[Marianas]] at [[Guam]]. Tinawag ni Magellan ang Guam na Kapuluan ng mga Paglalayag dahil nakita nila ang maraming mga naglalayag na bangka. Kanilang muling pinangalanan ang Guam na Kapuluang Ladrones o Kapuluan ng mga Magnanakaw dahil ang mga maliliit na bangka ng Trinidad ay ninakaw doon.
 
{| class="wikitable"
|+ 18 lalakeng nakabalik sa [[SevilleSevilla]], [[Espanya]] sakay ng ''Victoria'' noong 1522:
|-
! Pangalan !! Rating
 
[[Kategorya:Kasaysayan ng Pilipinas]]
[[Kategorya:Mga KastilaPortuges]]
[[Kategorya:Eksplorador]]
 
60

edit