Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Fernando de Magallanes"

[[Talaksan:MactanShrineTower2.jpg|thumb|Monumento sa [[Lapu-Lapu City]], [[Cebu]].]]
[[Talaksan:Ph locator cebu mactan.png|thumb|right|[[Mactan]] kung saan namatay si Magallanes.]]
Noong Marso 16,1521(kalendaryong Kastila), natanaw ni Magallanes kasama ng kanyang 150 tauhan ang mga kabundukan ng ngayong [[Samar]] at pagkatapos ay dumating sa [[Suluan]] at mula dito ay narating ang [[Homonhon]]. Ang mga kasapi ng ekspedisyong ito ang mga unang Kastila na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas ngunit hindi ang mga unang Europeo. Pagkatapos ng 2 araw, ang mga katutubo ay dumating sakay ng isang bangka at ang ilan ay sumakay sa barko ni MagellanMagallanes at tumanggap ng mga bagay gaya ng mga salamin, ivory at pulang damit. Kapalit nito, ibinigay ng mga katutubo ang lahat ng kanilang mga pagkain sa mga ito kabilang ang buko, [[tuba]], saging, isda. Sa pamamagitan ng [[wikang pagsesenyas]], ang mga katutubo ay nangakong babalik ng mga may sariwang pagkain at pagkatapos ay bumalik dala dala ang mga buko, tuba, kanin, mga kahel at manok. Sila ay sinamahan ng kanilang mga pinuno na inilarawan ni [[Antonio Pigafetta]] na labis na may tato at nahihiyasan ng mga ginintuang paha sa braso at mga hikaw at mga naburdahan ng sedang paldang bulak. Noong Marso 25, si MagellanMagallanes ay naglayag mula sa Homonhon at nakarating sa [[Mazaua]]. Ang mga katutubo ay dumating at tumanggap ng mga bagay mula kay MagellanMagallanes at pagkatapos ay lumisan. Pagkatapos ng ilang mga oras, ang dalawang mga [[balangay]] ay dumating kasama ng kanilang pinunong si [[Rajah Kolambu]]. Si Kolambu ay nagpadala ng ilang ng mga lalake sa barko ni MagellanMagallanes na nagdadala ng mga regalong isang ginintuang bara at mga luya ngunit ang mga ito ay tinanggihan ni MagellanMagallanes. Nagawang makipagtalastasan ni MagellanMagallanes sa mga katutubo dahil sa naunawaan ng alipin in MagellanMagallanes na si [[Enrique ng Malacca]] ang wika ng mga katutubong ito. Nakuha ni MagellanMagallanes ang tiwala ni Kolambu at [[nakipagsanduguan]] sa kanya. Noong Marso 31, 1521 ay idinaos ang unang misa ng Romano Katolisismo sa Mazaua. Noong Abril 4, 1521, si MagellanMagallanes at Kolambu ay naglayag patungo sa [[Cebu]]. Inalukan ni MagellanMagallanes ang hari ng Cebu na si [[Rajah Humabon]] ng mga regalo at malakas na pakikipagkalakalan upang mapalapit dito. Noong Abril 14, 1521, binautismuhan sa [[Romano Katolisismo]] ang dalawang mga rajah na sina Humabon at Kolambu. Ang hari ng Cebu na si [[Rajah Humabon]] at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring [[Carlos I ng Espanya]] at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos. Upang alalahanin ang pangyayaring ito, ibinigay ni MagellanMagallanes kay Juana ang Santo Niño bilang tanda ng bagong alyansa at ibinaon ang isang krus sa Cebu. Dahil sa impluwensiya ni Magallanes kay Rajah Humabon, ang isang kautusan ay inutos ni Humabon para sa mga kalapit na hepe na ang bawat isa sa kanila ay magbibigay ng mga suplay ng pagkain sa mga barko at pagkatapos ay magkokonberte sa Kristiyanismo. Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu [[Lapu-Lapu]] na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng [[Mactan]] ang tanging tumutol. Tumangging tanggapin ni Lapu-Lapu ang kapangyarihan ni Rajah Humabon sa mga bagay na ito. Iminungkahi nina Rajah Humabon at Datu Zula kay MagellanMagallanes na pumunta sa isla ng Mactan at pwersahin ang kanyang nasasakupan na si Datu Lapu-Lapu na sumunod sa kanyang mga kautusan. Nakita ni MagellanMagallanes ang oportunidad na palakasin ang umiiral na pakikipagkaibigang ugnayan sa pinuno ng rehiyong Visaya at umayon na pasukuin at patayin ang mapanghimagsik na si Lapu-Lapu sa isang labanang tinawag na [[Labanan sa Mactan]].
Ayon kay [[Antonio Pigafetta,]] tinangka ni MagellanMagallanes na hikayatin si Lapu-Lapu na sumunod sa mga kautusan ni Rajah Humabon sa gabi bago ang labanan. Ayon kay Pigafetta, si MagellanMagallanes ay nagpakilos ng mga 49 katao na may mga espada, kalasag, pana, at mga baril at naglayag para sa Mactan sa umaga ng Abril 28, 1521. Pagkatapos ay tinangka ni MagellanMagallanes na takutin ang mga ito sa pamamagitan ng pagsunog ng ilang mga kabahayan sa ngayong Buaya ngunit kilala noon na Bulaia. Ang pagsunog na ito ang nagpagalit kay Lapu-Lapu at kanyang mga mandirigma at umatake kay MagellanMagallanes na nasugatan sa braso ng isang sibat at sa hita ng isang kampilan. Napanaigan ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu si MagellanMagallanes na sinaksak at tinaga ng mga sibat at espada. Nagawa nina Pigafetta at iba pa na makatakas. Ayon kay Pigafetta, ang ilan sa mga tao ni MagellanMagallanes ay napatay sa labanan at ang ilang mga katutubong naging Kristiyano na tumulong sa kanila ay napatay ng mga mandirigma ni Lapu-Lapu. Walang opisyal na mga rekord ng bilang ng mga namatay ngunit binanggit ni Pigafetta ang hindi bababa sa 3 Kristiyanong sundalo kabilang si MagellanMagallanes. Ang mga kaibigan ni MagellanMagallanes na sina Raja Humabon at Datu Zula ay hindi sumali sa labanan dahil sa kautusan ni MagellanMagallanes at nanood sila mula sa kanilang mga bangka sa malayo. Inulat ni Pigafetta na nagpadala ng mensahe si Humabon na kung ibabalik ng mga mandirigma ang mga katawan ni MagellanMagallanes at mga tripulante nito, sila ay bibigyan ng kasing daming kalakal na naisin nila. Ang tugon ni Lapu-Lapu ay "Hindi namin ibibigay ang katawan ng kapitan para sa lahat ng mga kayamanan ng mundo dahil ang kanyang katawan ay tropeo ng aming pagwawagi laban sa mga mananakop ng aming baybayin". Ang ilan sa mga sundalo na nakaligtas sa labanan at bumalik sa Cebu ay nilason sa pistang ibinigay ni Rajah Humabon. Si MagellanMagallanes ay hinalinhan ni [[Juan Sebastián del Cano]] bilang komander ng ekspedisyon na nag-utos ng mabilis na paglisan matapos ang pagtatraydor ni Humabon. Si Del Cano at kanyang armada ay naglayag pakanluran at bumalik sa [[Espanya]] noong 1522 na bumubuo sa paglibot ng mundo.
 
==Pagbabalik sa Espanya==
60

edit