Raha Humabon: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
No edit summary
Linya 2:
Si '''Rajah Humabon''' ang [[Rajah]] of [[Cebu]] sa panahon ng pagdating ni [[Fernando de Magallanes]] sa Pilipinas noong 1521.<ref>[http://www-atdp.berkeley.edu/9931/jvillafl/history.html Product of the Philippines : Philippine History<!-- Bot generated title -->]</ref> Ayon sa mga salaysay ng Kastila at Pilipinas, si Rajah Humabon ang una sa mga katutubong hari ng Pilipinas na nakonberte sa Romano Katoliko matapos na ang kanyang asawa at ilang mga tao ng Cebu ay nabautismuhan ng pari ni Magallanes. Si Magallanes ay nakipagkaibigan kay Hara Amihan sa pamamagitan ni [[Rajah Kolambu]]. Si Humabon ay pinangalanang Carlos bilang parangal kay Haring [[Carlos I ng Espanya]] samantalang ang kanyang pangunahing asawang si Hara Amihan ay pinangalanang Juana bilang parangal sa ina ni Carlos na si Johanna. Siya ay nakipagsanduguan kay Magallanes bilang tanda ng pakikipagkaibigan. Ayon kay [[Antonio Pigafetta]], si Humabon ang humiling kay Magallanes na pasukuin at patayin ang kanyang katunggaling si [[Lapu-Lapu]] na [[datu]] ng kalapit na isla ng [[Mactan]]. Ang pariralang Cata Raya Chita ay nadokumento ni Antonio Pigafetta na isang babala sa [[wikang Malay]] mula sa isang mangangalakal sa Rajah. Ang pariralang ito ay isang creole Malay para sa "Kata-katanya adalah raya cita-cita", Kata (salita), raya (dakila, pangunahin, malaki), cita-cita (ambisyoso), o "Ang kanilang sinasabi ay panguanhing ambisyoso". Ang isa pang interpretasyon nito ay ng Kota raya kita na isang katutubong pariralang Lumang Malay ng mga mangangalakal sa ilalim ng kapangyarihan ni Humabon na may kahulugang "Kami ay ng dakilang muog", kota(muog), raya(rajah), kita(kami). Ang pagpupulong sa pagitan ni Humabon at [[Enrique ng Malacca]] na aliping sumama sa paglalakbay ni Magallanes ang ebidensiya ng pag-iral ng Lumang Malay bilang katutubong wikang sinalita sa Pilipinas na dinokumento ni Pigafetta at [[Miguel López de Legazpi]]. Pagkatapos ng kamatayan ni Magallanes sa [[Labanan sa Mactan]] at ng pagkabigo ng mga Kastila na talunin si [[Lapu-Lapu]], nilason ni Humabon at kanyang mga mandirigma ang mga natitirang sundalong Kastila sa Cebu sa isang pista. Ang ilang mga tao ay namatay kabilang mga pinuno ng ekspedisyong sina [[Duarte Barbosa]] at [[João Serrão]].
 
Ayon sa tradisyon, si Rajah Humabon ang apo ni haring [[Sri]] Lumay na isang katutubomaliit na prinsipe ng [[Dinastiyang Chola]] mula sa [[Sumatra]] na nagsanay ng [[Hinduismo]] at tumira sa [[Visayas]] at nagkaroon ng ilang mga anak. Ang isa sa mga anak na lalake ni Sri Lumay ay si Sri Alho na namuno sa lupaing kilala bilang ''Sialo'' na kinabibilangan ng mga kasalukuyang bayan ng Carcar at Santader sa katimugang rehiyon ng Cebu. Si Sri Ukob ay namuno sa kaharian ng Nahalin sa hilaga na kinabibilangan ng kasalukuyang mga bayan ng Consolación, Liloan, Compostela, Danao, Carmen at Bantayan. Siya ay namatay sa labanan na nakikipaglaban sa tribong magalos mula sa [[Mindanao]].<ref>Marivir Montebon, Retracing Our Roots – A Journey into Cebu’s Pre-Colonial Past, p.15</ref> Ang pinakabata niyang anak na lalakeng si Sri Bantug ay namuno sa kahariang Snighapala sa rehiyon na bahagi ngayon ng [[Cebu City]] na namatay sa sakit at hinalinhan ng kanyang anak na lalakeng si Sri Hamabar na kilala rin bilang Rajah Humabon. Si Sri Bantug ay may isang kapatid na lalakeng si Sri Parang na isang paika-ikang maglakad ngunit hindi makapamuno sa kanyang kaharian dahil sa kanyang karamdaman. Ibinigay ni Sri Parang ang kanyang trono sa kanyang pamangkin na si Humabon bilang rehente at naging Rajah ng Cebu. Si Sri Parang ay may isang batang anak na si Sri Tupas o [[Rajah Tupas]] na humalili kay Rajah Humabon bilang Hari ng Cebu.
==Mga sanggunian==
{{reflist}}