Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Imbensiyon"

1,726 bytes added ,  7 year ago
dagdag
(dagdag)
(dagdag)
Ang isang '''imbensiyon''' o '''imbento''' (Ingles: ''[[wikt:invention|invention]]'') ay isang natatangi o bagong [[makina]], [[aparato]], [[komposisyon]], o [[proseso]]. Ito ay maaaring isang bagong pagpapainam o pagpapabuti sa isang makina o produkto, o isang bagong proseso para sa paglikha ng isang bagay o isang resulta. Ang isang imbensiyon na nagkakamit ng isang talagang natatanging tungkulin o resulta ay maaaring maging isang malaki o lubos na pambihirang tagumpay. Ang ganiyang mga akda ay [[novelty (patente)|bagong bagay]] at [[inventive step and non-obviousness|maimbentong hakbang at hindi lantad]] sa [[person skilled in the art|ibang mga tao na mayroong kasanayan sa iisang larangan]]. Ang salitang imbensiyon ay maaaring maging katumbas o may kaugnayan sa mga salitang [[likha]], [[katha]], at [[bungang-isip]].
 
Sa diwa ng pagiging isang bagong bagay na nagawa at nalikha ng isang tao, ang [[kompyuter]] at [[kotse]] ay mga halimbawa ng mga imbensiyon noong una itong mabuo. Kaya't mayroong pariralang "noong ito ay maibento". Ang mga baong bagay na nagawa, nabuo, o [[nalikha]] ay tinatawag na mga imbensiyon. Ang bagong mga ideya ay tinatawag din bilang mga imbensiyon. Ang mga manunulat ay maaaring makaimbento ng mga bagong tauhan, at pagdaka ay umiimbento sila ng isang kuwento patungkol sa mga tauhang ito. Ang mga imbensiyon ay ginagawa ng mga '''imbentor'''.
 
Ang ilang mga imbensiyon ay maaaring maipatente. Ang isang [[patente]] ay makabatas na nagbibigay ng pruteksiyon sa mga karapatang na pampag-aaring intelektuwal o pang-isipan ng imbentor at legal na kumikilala na ang isang inangking imbensiyon ay talagang isang imbensiyon. Ang mga patakaran at mga kailangan para sa pagpapatente ng isang imbensiyon ay nag-iiba-iba sa bawat isang bansa, at ang proseso ng pagkuha ng isang patente ay madalas na magastos.
 
Ang isa pang kahulugan ng imbensiyon ay ang may kaugnayan sa [[imbensiyong kultural]], na isang [[inobatibo]]ng pangkat ng talagang magagamit na [[social behaviour|kaugaliang panlipunan]] o [[social behavior|kaasalang pangpakikisalamuha]] na inako ng mga tao at ipinasa sa iba pang mga tao.<ref>[http://findarticles.com/p/articles/mi_qa3709/is_199810/ai_n8821092 Artificial Mythologies: A Guide to Cultural Invention] ni Craig J. Saper (1997); Review of Artificial Mythologies. A Guide to cultural Invention, Kirsten Ostherr (1998)</ref> Ang imbensiyon ay isa ring mahalagang bahagi ng pagkamalikhaing pangsining at sa disenyo. Ang mga imbensiyon ay madalas na lumalampas sa mga hangganan ng kaalaman, karanasan, at kakayahan ng tao.
 
== Pag-iimbento ==
Sa paglipas ng mga panahon, ang mga tao ay nakaimbento ng mga bagay na nakapagpapadali at nakapagpapaginhawa ng buhay para sa sarili nila. Dahil dito, naisulat ang parirang nasa [[wikang Ingles]] na ''"necessity is the mother of invention"'', na may katumbas na diwang "ang [[pangangailangan]] ay ang ina [o pinagmumulan] ng imbensiyon". Ang siping ito ay nangangahulugan na ang isang kakulangan ng isang bagay ay dapat na makapagbigay ng inspirasyon o makapagtulak sa isang tao upang makalikha ng isang bagay upang mapunan o malagyan ng laman ang puwang na iyon na walang laman. Subalit, hindi lahat ng mga tao ang naniniwala na ito ay totoo; iniisip ng mga taong ito na hindi naniniwala sa [[kasabihan]]g ito na ang kalabisan ng isang bagay ay maaaring humantong sa isang imbensiyon. Ang karamihan sa mga imbensiyon ay sadyang mga [[baryasyon]] lamang ng isang bagay na umiiral na, o may pagkakaiba lamang ng kaunti mula sa orihinal.
 
==Mga sanggunian==
{{Reflist}}
 
== Mga kawing na panlabas ==
* [http://www.wipo.int/pct/en/inventions/inventions.html Tala ng mahahalagang mga imbensiyon mula sa PCT (''Patent Cooperation Treaty'') na nasa websayt ng [[WIPO]]
 
[[Kategorya:Mga imbensiyon]]
166,389

edits