Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Muntinlupa"

pag-aayos
m (Bot: Migrating 23 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q17176 (translate me))
(pag-aayos)
area code = 2|
}}
 
Ang '''Lungsod ng Muntinlupa''' ay isang lungsod sa timog [[Kalakhang Maynila]], [[Pilipinas]], mahigit-kumulang 20 km ang layo mula sa [[Lungsod ng Maynila|Maynila]]. Pumapaligid rito ang mga lungsod ng [[Taguig]], [[Parañaque]] at [[Las Piñas]] sa hilagang bahagi, ang mga bayan naman ng [[Bacoor]], [[Cavite]] at San Pedro, [[Laguna]] sa timog at ang lawa ng Laguna De Bay sa silangan. Hinahati ng [[South Luzon Expressway]] (SLEx) ang lungsod sa mga bahaging kanluran at silangan.
 
Tanyag ang Muntinlupa bilang lungsod na kung saan matatagpuan ang National Bilibid Prison, ang pambansang bilangguan na kung saan ikinukulong ang mga mapapanganib na kriminal ng bansa, kaya naman matagal rin na naging singkahulugan ng Muntinlupa o ''Munti'' ang salitang bilangguan.
 
 
Nagsimula ang Muntinlupa bilang isang lupain na napasailalim sa pangangalaga ng mga paring Agustino noong [[1601]]. May tatlong panig ang pinagmulan ng pangalang Muntinlupa bagama't walang nakakasiguro kung alin ang tama dahil sa kakulangan ng talaan o kasulatan tungkol dito. May isang panig na inu-ugnay ang pangalan nito sa manipis na luwad na matatagpuan sa lugar. Mayroon namang iba na nanatiling may kaugnayan ito sa hugis ng lupain kaya't ang salitang "Monte", bundok sa wikang Kastila, ay isinalin sa Muntinlupa na ang ibig sabihin ay bulubunduking lupa. Mayroon din nagsasabing nagsimula ang pangalan dahil "Monte Sa Lupa" ang sagot ng mga naninirahan nang tanungin sila ng mga Kastila kung ano ang pangalan ng lugar sa pagaakalang ang pangalan ng kanilang nilalaro ang siyang tinatanong.
Taong 1975 nang hiniwalay ito mula sa lalawigan ng Rizal at naging bahagi ng Kalakhang Maynila. Naging ganap na lungsod ang Muntinlupa at naging ika-65 na lungsod ng Pilipinas nuong [[Marso 1]], [[1995]] sa pamamagitan ng Republic Act No. 7926<ref>{{cite web|title=Philippine Republic Act No. 7926|url=http://www.chanrobles.com/republicacts/republicactno7926.html|publisher=Chan Robles Virtual Law Library|accessdate=11 Dec 2008}}</ref>. Simula [[2001]], idinidiwang na isang ''Special Working Holiday'' sa lungsod ang ika-1 ng Marso bilang [[Muntinlupa City Charter Day]].
 
== Mga Makasaysayangmakasaysayang Lugarlugar ==
'''Bureau of Corrections Administration Building''' (''Gusaling Pangasiwaan ng Kawanihan ng mga Bilangguan'') - Ito ang harapang gusali ng bilangguan na itinayo nuong 1941 at nagsisilbi ngayong pangasiwaan ng tanggapan. Ito rin ang nakilalang Bilibid sa telebisyon at pelikula bagama't sa kanlurang bahagi pa ng gusaling ito matatagpuan ang pinaka-mahigpit na piitan na binubuo ng 12 gusali na kung tawagin ay mga ''brigada''.
 
'''Japanese Garden Cemetery''' (''Himlayang Hardin ng mga Hapon'') - sa hardin na ito nakalibing si Heneral Tomoyuki Yamashita na naging tanyag nuong pananakop ng mga Hapon sa bansa.
 
== SanggunianMga sanggunian ==
{{reflist}}
 
== Mga kawing na palabas ==
* [http://www.muntinlupacity.gov.ph/ Opisyal na ''website'' ng Lungsod ng Muntinlupa]
 
166,389

edits