Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Papa Pablo III"

→‎Mga sanggunian: tinanggal ang seksiyong walang laman
m (Bot: Migrating 56 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q133001 (translate me))
(→‎Mga sanggunian: tinanggal ang seksiyong walang laman)
 
Si Pablo III ay ipinanganak noong 1468 sa Canino, Latium(na bahagi sa panahong ito ng mga Estado ng Papa). Siya ang pinakamatandang anak ni Pier Luigi I Farnese, Signore di Montalto (1435–1487) at kanyang asawang si Giovanna Caetani na isang kasapi ng pamilyang Caetani na pinagmulan din ni [[Papa Bonifacio VIII]]. Ang pamilyang Farnese ay sumagana sa loob ng mga siglo ngunit sa pagluklok sa pagkapapa ni Alessandro o Pablo III at kanyang dedikasyon sa pagpapadami ng mga interes ng kanyang pamilya nang nakakita ng malawak na pagtaas ng kapangyarihan at kayamanan ang kanyang pamilya. Ang kanyang edukasyong humanista ay sa Unibersidad ng Pisa at sa korte ni [[Lorenzo de' Medici]]. Sa simula ay sinanay siya bilang isang notaryong apostoliko. Kanyang sinalihan ang [[Kuriang Romano]] noong 1491 at noong 1493, siya ay hinirang na Kardinal-Deakono ni [[Papa Alejandro VI]] ng Santi Cosma e Damiano. Ang kerida o kabit ni Papa Alejandro VI na si Giulia Farnese ang kanyang kapatid na babae. Siya ay minsang pangungutyang tinatawag na "Borgia bayaw" kung paanong si Giulia ay kinutya na "Asawa ni Kristo" . Sa ilalim ni [[Papa Clemente VII]], siya ay naging Kardinal Obispo ng Ostia at dekano ng Kolehiyo ng mga Kardinal. Sa kamatayan ni Papa Clemente VII noong 1534, siya ay hinalal na Papa Pablo III.
 
==Mga sanggunian==
{{reflist}}
{{Popes}}
 
166,389

edits