Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Leda"

1 byte added ,  7 year ago
patlang
(kapsyon)
(patlang)
[[File:Ajaccio Veronese Leda et le cygne.JPG|thumb|right|Si Zeus na nasa anyo ng isang gansa at si Leda.]]
Sa [[mitolohiyang Griyego]], si '''Leda''' ({{lang-grc|Λήδα}}) ay ang anak na babae ni [[Thestius]], na hari ng [[Aetolia]]. Siya ang asawa ng haring si [[Tyndareus]] (Τυνδάρεως) ng [[Isparta]]. Ang kaniyang mito ang nagpalitaw sa tanyag na ''motif'' o paksa sa panahon ng [[Renasimyento]] at sa lumaon na sining ng [[Leda at ang Gansa]]. Siya ang ina nina [[Helen ng Troya|Helen]] (Ἑλένη) ng Troya, [[Clytemnestra]] (Κλυταιμνήστρα), at [[Castor at Pollux]] (Κάστωρ καὶ Πολυδεύκης'', binabaybay din bilang Kastor atPolydeucesat Polydeuces).
 
Si Leda ay hinangaan ng diyos na si [[Zeus]], na umakit sa kaniya habang nasa anyo ng isang [[gansa]]. Bilang isang gansa, nalaglag si Zeus sa kaniyang mga bisig upang mapruteksiyunan mula sa isang tumutugis na [[agila]]. Ang kanilang [[konsumasyon]], na naganap sa gabi rin ng paghimlay ni Leda sa piling ng kaniyang asawang si Tyndareus, ay nagresulta sa dalawang mga itlog na napisa at pinaglitawan nina Helen (na sa pagdaka ay nakilala bilang ang magandang si "[[Helen ng Troya]]"), Clytemnestra, Castor at Pollux (ang huling dalawa ay nakikilala rin bilang ang [[Dioscuri]] (Διόσκουροι). Kung sino sa mga batang ito ang proheniya (supling) ni Tyndareus, ang haring mortal, at kung sino ang mula kay Zeus, at samakatuwid ay kalahating imortal, ay pabagu-pago sa mga pagkukuwento, pati na rin ang nagmula sa napisa mula sa alinmang itlog. Ang kahatian ay halos palaging kalahating mortal, kalahating banal, bagaman ang pagtatambalan ay hindi palagiang nagpapakita ng mga pagpaparis ng pinagmanahan ng mga bata. Paminsan-minsan, sina Castor at Polydeuces ay kapwa mortal, subalit kung minsan namay ay kapwa imortal. Ang isang hindi nagbabagong diin ay kung ang isa lamang sa kanila ang imortal, palaging si Polydeuces iyon. Palagi pa ring ipinapahayag na si Helen ay ang anak na babae ni Zeus.
166,389

edits