Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Poland"

No change in size ,  7 year ago
→‎Pulitika: pagbangga -> pagbagsak
m (Bot: Migrating 234 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q36 (translate me))
(→‎Pulitika: pagbangga -> pagbagsak)
Isang [[demokrasya]] ang Polonya, ayon sa [[Saligang Batas ng Polonya|saligang batas]] na inangkin nito noong 1997. Pinamumunuan ito ng isang [[pangulo]] bilang [[pinuno ng estado]], ngunit nakatuon ang balangkas ng pamahalaan sa isang [[punong ministro]] ({{lang-pl|premier}}) bilang [[pinuno ng pamahalaan]], na nakasentro sa [[Konseho ng mga Ministro (Polonya)|Konseho ng mga Ministro]] bilang [[gabinete]] nito. Binubuo ang Konseho ng mga ministrong ipinili ng Pangulo sa payo ng Punong Ministro, at karaniwa'y nagmumula sa partidong may mayoridad sa tagapagbatas ang mga ministrong bumubuo nito.
 
Kasalukuyang nanunungkulan bilang Pangulo ng Polonya si [[Bronisław Komorowski]], na inihalal noong 2010 makatapos namatay ang nanguna sa kaniya, si [[Lech Kaczyński]], sa pagbanggapagbagsak ng kaniyang eroplano sa Rusya noong siya'y papunta roon upang ipagdiwang ang [[masaker sa Katyń]]. Nanunungkulan naman bilang Punong Ministro si [[Donald Tusk]], na itinanghal sa tanggapang ito noong 2007 nang manalo ang kaniyang partido, ang [[Platapormang Makabayan]] (''Platforma Obywatelska'', PO), sa halalan. Inihalal muli ang PO noong 2011, at si Tusk ay ang kauna-unahang Punong Ministro sa kasaysayan ng Polonya na inihalal muli sa puwesto.
 
May dalawang kapulungan ang [[Pambansang Asemblea ng Polonya|Pambansang Asemblea]] (''Zgromadzenie Narodowe''), ang tagapagbatas ng Poland: ang [[Sejm]], na may 460 kinatawan (''poseł'', literal na "sugo"), at ang [[Senado ng Polonya|Senado]], na binubuo ng 100 senador. Gayunpaman, hindi nagkakaisa ang dalawang magkahiwalay na kapulungan maliban na sa tatlong pagkakataon: kapag may bagong Pangulo at siya'y manunumpa sa Asemblea, kapag may habla laban sa Pangulo sa Tribunal ng Estado, o kapag nais ihayag ng Asemblea na wala nang kakayahan ang Pangulo na manungkulan sa posisyon. Kasalukuyang nangyari lamang ang unang pagkakataon sa pagtatanghal ng Pambansang Asemblea.