Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Plaza Rajah Sulayman"

ng -> ni
m
(ng -> ni)
Ang '''Plaza Rajah Sulayman''', na kilala rin bilang '''Liwasang Rajah Sulayman''', ay isang [[plasa]] sa [[Malate, Manila|Malate]], [[Maynila]]. Hinahangganan ito ng [[Bulebar Roxas]] sa gawing silangan, Kalye San Andres sa hilaga, at Kalye Remedios sa timog. Ang plasa ay ang pinakasentro ng Malate dahil ito ay nasa harapan ng [[Simbahan ng Malate]], ang pangunahing simbahan ng distrito.
 
Noong [[Pananakop_ng_mga_Kastila_sa_Pilipinas|panahon ng pagsakop ng mga Espanyol]], ang plasa ay isang simpleng bakanteng lupain na matatagpuan sa gitnang bahagi mula sa baybayin ng [[Look ng Maynila]] at ng Simbahan ng Malate, kung saan ang dulo nito ay isang dalampasigan na nagsilbing sikat na paliguan sa panahong iyon. Subalit sa pagsapit ng [[Kasaysayan_ng_Pilipinas#Panahong_kolonyal_ng_Amerikano_.281898-1946.29)|panahong Amerikano]], ang plasa ay hinati mula dalampasigan dahil sa reklamasyon ng lupang ginawa para sa konstruksiyon ng Bulebar Roxas.<ref name="hotel">{{cite web | author=Yu, Anson | title=Manila Hotel: The Grand Dame by the Bay | publisher=[[Summit Media]] | date=8 Agosto 2011 | work=TravelBook.ph | url=http://www.travelbook.ph/media/bastapinas/manila-hotel-the-grand-dame-by-the-bay/ | accessdate=7 Hunyo 2013 }}</ref> Ang plasa ay muling inayos noong 2002, sa pamumuno ngni dating Alkalde [[Lito Atienza]], bilang bahagi ng pagpapaganda ng lugar na ang layunin ay makapaghatak ng mga turista na dumalo roon,<ref name="renovations">{{cite news | author=Aning, Jerome | title=Manila unveils newly renovated Sulayman plaza | url=http://news.google.com/newspapers?nid=2479&dat=20020625&id=lq41AAAAIBAJ&sjid=dyUMAAAAIBAJ&pg=3189,4484604 | work=[[Philippine Daily Inquirer]] | publisher=Philippine Daily Inquirer, Inc. | date=12 Hunyo 2002 | page=A22 | accessdate=7 Hunyo 2013 }}</ref> kasama rin dito ang paglalagay ng bagong bukal.<ref name="standard">{{cite news | author=Andino, Ronnie | title=Sa Maynila, may sigla! | url=http://news.google.com/newspapers?id=XWwVAAAAIBAJ&sjid=kwsEAAAAIBAJ&pg=4677,2958746&dq=plaza+rajah+sulayman&hl=en | work=[[Manila Standard Today|Manila Standard]] | publisher=Kamahalan Publishing Corporation | date=30 Enero 2003 | page=7-F | accessdate=7 Hunyo 2013 }}</ref> May malaking [[tawiran]]g dumurugtong sa [[Baywalk]], na ipinuna ng ilan dahil naging sanhi ito ng paglala ng trapiko sa kahabaan ng Bulebar Roxas.<ref name="bottleneck">{{cite news | author=Magsajo, Dong | title=Metro Manila's Worst Bottlenecks | url=http://www.philstar.com/motoring/362418/metro-manila%C2%92s-worst-bottlenecks | work=[[The Philippine Star]] | publisher=PhilStar Daily, Inc. | date=11 Oktubre 2006 | accessdate=7 Hunyo 2013 }}</ref>
 
Dahil sa pagsasaayos nito noong 2002, ang Plaza Rajah Sulayman ay tinaguriang makabagong sentro ng panggabing buhay (nightlife) sa Malate, na kadalasang inuugnay lamang sa Rotonda ng Remedios sa bandang loob ng distrito, at bilang ''lover's lane'' rin ng Maynila.<ref name="nightlife">{{cite news | author=Gomez, Raquel P. | title=Ang muling pagbuhay sa tinaguriang “lover's lane”ang Malate | url=http://news.google.com/newspapers?id=N1U1AAAAIBAJ&sjid=fCUMAAAAIBAJ&pg=1341,7140557&dq=plaza+rajah+sulayman&hl=en | work=[[Philippine Daily Inquirer]] | publisher=Philippine Daily Inquirer, Inc. | date=14 Pebrero 2003 | page=N1 | accessdate=7 Hunyo 2013 }}</ref> Kilala rin ang plasa bilang isa sa mga pinakamagandang lugar para mapanood ang paglubog ng araw sa Look ng Maynila.<ref name="standard" /> Subalit nang maihalal si [[Alfredo Lim]] bilang alkalde ng Maynila noong 2007 at nang ipinasara niya ang lahat ng mga establisimiyento sa kahaban ng Baywalk—kung saan bahagi rin ang plasa—ikinuwestiyon ang reputasyong nito: ayon sa kolumnistang si Ducky Paredes, mas nakasasama raw kaysa sa nakabubuti para sa lungsod ang pagsara ng Baywalk.<ref name="paredes">{{cite news | author=Paredes, Ducky | title=Missing Manila's Baywalk | url=http://www.malaya.com.ph/index.php/opinion/29344-missing-manilas-baywalk | work=[[Malaya (newspaper)|Malaya]] | publisher=People's Independent Media, Inc. | date=23 Abril 2013 | accessdate=7 Hunyo 2013 }}</ref>