Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Mga dinastiya sa kasaysayan ng Tsina"

m (Inalis ang binago ni 119.92.49.120, ibinalik sa huling bersyon ni Addbot)
===Dinastiyang Song: Paglaganap ng mga Imbensyon===
Isa namang gintong kapanahunan ng sining at agham sa Tsina ang dinastiyang Song, na naghari ng may 300 taon. Sa panahong ito naimbento ang nagagalaw na mga panlimbag kaya't nalathala ang mga malalaking ensiklopedya sa Tsina; lumaganap ang panitikan at mga dibuho ng mga tanawin; unang ginamit dito ang pulbos na para sa mga baril; at ginamit ang mabatobalaning kompas para sa paglalakbay sa karagatan. Subalit mahina ang kakayahang militar ng dinastiyang Song, kaya nasakop ang Tsina ng mga Mongol na galing sa [[Mongolia]].<ref name=NBK/>
 
===Dinastiyang Yuan: Panahon ng mga Mongol===
Sa kalagitnaan ng ika-13 daantaon, nilusob ng mga dayuhang Mongol ng Gitnang Asya ang Tsina. Ito ang unang pagkakataong nasakop ng mga banyaga ang Tsina. Pinamunuan ni [[Genghis Khan]] ang pananakop ng Tsina, halos kabuoan ng Asya, at Hilagang [[Europa]]. Ang apo ni Genghis Khan, na si [[Kublai Khan]], ang nagpatuloy sa paglusob sa Tsina, at naging emperador ng Tsina noong [[1260]] at itinayo ang [[Dinastiyang Yuan]]. Ginusto at minahal ni Kublai Khan ang mga gawi at kaugaliang Intsik. Tinangkilik niya ang mga paaralang maka-Confucius. Noong panahon niya nakarating si [[Marco Polo]] sa Tsina, na nanirahan sa bansa sa loob ng maraming mga taon at nagsulat ng patungkol dito. Subalit, bagaman namuhay na parang isang emperador na Intsik si Kublai Khan ng may 100 taon, naghimagsik ang mga Intsik laban sa mga Mongol noong 1368, kaya't nailunsad ang dinastiyang Ming.<ref name=NBK/>
Hindi nakikilalang mga tagagamit