Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Cebu"

2,029 bytes added ,  6 years ago
dagdag
m (Inalis ang binago ni 112.209.52.14, ibinalik sa huling bersyon ni Legobot)
(dagdag)
Kilala ang Cebu dahil sa mga pook nito na may katangian ng isang pulong tropikal gaya ng mga talampas, mga malalawak na dalampasigan. Karamihan din sa Cebu ay maburol, at mabundok hanggang patungo sa hilaga, at patimog ng pulo. Ang pinakamataas na pook sa Cebu ay umaabot sa 1,000 metro. Matatagpuan ang mga kapatagan sa lungsod [[Bogo, Cebu|Bogo]] at sa mga bayan [[San Remigio, Cebu|San Remigio]], [[Medellin, Cebu|Medellin]], at [[Daanbantayan, Cebu|Daanbantayan]], at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.
 
Ang [[Lungsod ng Cebu]] ang kabiserang lungsod, ang pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, na bahagi ng [[Kalakhang Cebu[[]] kasama ang anim na iba pang mga lungsod ng [[Lungsod ng Carcar]], [[Lungsod ng Danao]], [[Lungsod ng Lapu-Lapu]], [[Lungsod ng Mandaue]], [[Bogo, Cebu|Bogo]], at [[Lungsod ng Talisay]], at anim pang mga bayan.
 
Isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa Pilipinas, at ang sentro ng kalakalan, komersyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas. Maraming mga otel, casino, mga ''beaches'', at iba pang pook pasyalan ang matatagpuan sa lalawigan.
 
Ang katutubong pangalan para sa lugar ay ''Sugbo''. Ang pangalang ''Cebú'' ay isang pagka-[[Wikang Kastila|Kastila]] ng orihinal na katutubong pangalan, na sinimulang gamitin noong pagdating ni [[Miguel Lopez de Legazpi]] sa [[Pilipinas]]. Ang unang ipinangalan ni Legazpi sa Cebu ay '''San Miguel''' ngunit ito ay muli niyang binago nang nakita niya ang '''Santo Niño''' na ibinigay ni [[Fernando de Magallanes]] sa mga Sebwano kaya ginawa niya itong '''La Ciudad del Santísimo Nombre de Jesús'''.
 
==Heograpiya==
 
Matatagpuan ang Cebu sa silangan ng [[Negros (pulo)|Negros]], sa kanluran ng mga pulo ng [[Leyte (pulo)|Leyte]] at [[Bohol (pulo)|Bohol]]. Isang mahabang makitid na pulo ang Cebu na may habang {{convert|225|km}} mula hilaga hanggang timog, na napalilibutan ng 167 maliliit na mga kapuluan, kasama na ang [[Mactan]], [[Pulo ng Bantayan|Bantayan]], [[Pulo ng Malapascua|Malapascua]], [[Kapuluan ng Olango|Olango]] at ang [[Kapuluan ng Camotes]]. May makitid na dalampasigan, talampas na apog at mga patag na baybayin ang Cebu. Mayroon din mga bulubundukin mula hilaga hanggang timog sa kahabaan ng pulo.
 
Nasa {{convert|1000|m}} ang pinakamataas na bundok ng Cebu. Ang kapatagan ay matatagpuan sa lungsod ng [[Bogo, Cebu|Bogo]] at sa mga bayan ng [[San Remigio, Cebu|San Remigio]], [[Medellin, Cebu|Medellin]] at [[Daanbantayan, Cebu|Daanbantayan]] at sa hilagang rehiyon ng lalawigan.
 
===Klima===
Tropikal ang klima ng lalawigan ng Cebu. May dalawang panahon sa Cebu, ang tag-araw at ang tag-ulan.<ref name="PAGASA">[http://kidlat.pagasa.dost.gov.ph/cab/statfram.htm] Weather</ref> Kadalasang tuyo at maaraw sa kabuuan ng taon na may kalat kalat na pag-ulan sa mga buwan ng Hunyo hanggang Disyembre. Ang lalawigan ng Cebu ay kadalasang dinadaan ng isang bagyo lamang o minsan naman ay wala.
 
Higit na inuulan ang hilagang Cebu (mula:[[Pulo ng Bantayan]] hanggang [[Lungsod ng Mandaue]].<ref name="PAGASA"/>
 
Umaaabot sa {{convert|36|C|F}} mula Marso hanggang Mayo ang temperatura sa Cebu, hanggang sa pinakamababang {{convert|18|C|F}} sa mga bulubundukin tuwing tag-ulan. Pangkaraniwang {{convert|24|to|34|C|F}} ang temperatura sa Cebu, at hindi gaanong nagbabago maliban na lamang sa buwan ng Mayo, kung saan naitatala ang pinakamainit na temperatura. Pangkaraniwang 70-80 bahagdan ang
kahalumigmigan ng Cebu.<ref>{{cite web | url=http://www.guidetocebu.com/information/weather.html| title=Guide to Cebu-Weather in Cebu www.guidetocebu.com}}</ref>
 
== Demograpiya ==
== Pulitika ==
=== Mga Lungsod ===
[[File:Ph fil cebu.png|thumb|Mapang pulitikal ng Cebu|280px]]
<table border="0"><tr>
<td valign="top">
8,932

edit