Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Biyoimpormatika"

re-categorisation, replaced: :Bioninformatika → :Biyoimpormatika using AWB
(re-categorisation, replaced: :Bioninformatika → :Biyoimpormatika using AWB)
 
Ang '''biyoimpormatika''' o '''biyoimpormatiks''' ay ang pag-aaral ng malalaking mga dami ng impormasyong biyolohikal o kabatirang pambiyolohiya. Sa karamihan, tumutuon ito sa mga [[molekula]]ng katulad ng [[DNA]]. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng tulong ng mga [[kompyuter]]. Kung kaya't ito ang paggamit ng [[estadistika]] at [[agham pangkompyuter]] sa larangan ng [[biyolohiyang molekular]]. Ang katawagang ''biyoimpormatika'' ay inimbento nina [[Paulien Hogeweg]] at Ben Hesper noong 1978 para sa pag-aaral ng mga prosesong pangkabatiran o impormatika sa mga sistemang biyotiko<ref>Hogeweg, P. (1978). ''Simulating the growth of cellular forms. Simulation 31'', 90-96; Hogeweg, P. at Hesper, B. (1978) ''Interactive instruction on population interactions''. ''Comput Biol Med'' 8:319-27.</ref>. Magmula noong hindi bababa sa hulihan ng dekada ng 1980, ang pangunahing gamit nito ay ang sa [[henomiks]] ([[henomika]]) at [[henetika]], partikular na sa mga area ng henomiks na kinasasangkutan ng may malakihang sukat na [[pagsesekuwensiya ng DNA]]. Sa kasalukuyan, kinasasangkutan na ang biyoimpormatika ng paglikha at pagpapasulong ng mga kalipunan ng dato (''database''), mga algoritmo, mga teknikong pangkomputasyon at pang-estadistika at teoriya upang malutas ang mga suliraning pormal at praktikal na nagmumula sa pamamahala at pagsusuri ng datong pambiyolohiya.
 
== Mga sanggunian ==
{{usbong|Biyolohiya|Kompyuter}}
 
[[Kategorya:BioninformatikaBiyoimpormatika]]