Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Wikipedia:VisualEditor"

Pagpapalawak
(Kaunting pagbabago)
(Pagpapalawak)
 
Sa kasalukuyan, mataas ang bilang ng mga kamalian (''bugs'') ng VisualEditor. Kahit kung hindi maiiwasan ang ilang mga kamalian, hindi katanggap-tanggap ang kasalukuyang antas nito, at sinisikap ng mga tagapagpaunlad (''developer'') na tanggalin ang lahat ng mga kamaliang ito sa pinakamadaling panahon. May ilan pang mga makabagong katangian ang hindi pa nagagawan. Kung may natuklasan kang isyu tungkol sa VisualEditor, maaaring [[Wikipedia:VisualEditor/Komentaryo|iulat ito sa pahina ng komentaryo]].
 
==Mga limitasyon ng VisualEditor==
Ilan sa mga limitasyon ng VisualEditor ang sumusunod:
 
*'''Mabagal''' – Mas matagal ang pagkarga (''loading'') ng mga mahahabang artikulo gamit ang VisualEditor kaysa sa lumang editor ng wikisintaksis. Lalo na sa mga malalaking artikulo, asahang tatagal ng 15 segundo o higit pa ang pagkarga nito gamit ng VisualEditor. May kaugnayan din ang bilis ng VisualEditor sa bilis ng inyong kompyuter.
*'''Limitado ang suporta para sa mga pambasa-basa (''browser'')''' – Kasalukuyang sinusuportahan lamang ng VisualEditor ang mga pinakamodernong bersiyon ng Mozilla Firefox (mula bersiyon 13), Google Chrome (mula bersiyon 16) at Safari (mula bersiyon 6). Kasalukuyang may kusang sumisikap na ayusin ang VisualEditor upang masuportahan nito ang Opera, at sinisikap din ng mga tagapagpaunlad na suportahan ang Internet Explorer sa panahong inilabas na nang mas malawak ang VisualEditor.
 
[[Kategorya:VisualEditor]]