Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Wikipedia:VisualEditor"

Inilinaw ang kapsiyon ng bidyo
(Pagpapalawak)
(Inilinaw ang kapsiyon ng bidyo)
Isang makabago at "bisuwal" na paraan ng pamamatnugot sa Wikipedia ang VisualEditor, at sinisikap nito na pahintulutan ang karaniwang tao na umambag sa Wikipedia nang hindi kailangang pag-aralan ang wikisintaksis. Una itong inilabas bilang isang opsiyonal na palabas na "alpha" (''"alpha" release"'') sa Wikipediang Ingles simula noong Disyembre 2012, [https://blog.wikimedia.org/2013/04/25/visualeditor-alpha-in-15-languages/ sa 16 ibang wika simula Abril 2013], at sa [https://blog.wikimedia.org/2013/06/06/preparing-for-visualeditor-on-all-wikipedias/ halos lahat ng ibang wika], kasama ang Tagalog, simula noong unang bahagi ng Hunyo 2013. Sinisikap ng koponan ng VisualEditor na ipapalabas ito sa halos lahat ng Wikipedia sa huling bahagi ng Hulyo, kung saan maaaring gamitin ito ng lahat ng tagagamit ''nang hindi kailangang sumang-ayon''.
 
[[File:Sneak Preview - Wikipedia VisualEditor.webm|thumb|center|300px|Isang bidyongbidyo sa Ingles na nagpapaliwanag tungkol sa bersiyong "alpha" ng VisualEditor ng Wikipedia (may subtitulo sa InglesTagalog)]]
 
Sa kasalukuyan, mataas ang bilang ng mga kamalian (''bugs'') ng VisualEditor. Kahit kung hindi maiiwasan ang ilang mga kamalian, hindi katanggap-tanggap ang kasalukuyang antas nito, at sinisikap ng mga tagapagpaunlad (''developer'') na tanggalin ang lahat ng mga kamaliang ito sa pinakamadaling panahon. May ilan pang mga makabagong katangian ang hindi pa nagagawan. Kung may natuklasan kang isyu tungkol sa VisualEditor, maaaring [[Wikipedia:VisualEditor/Komentaryo|iulat ito sa pahina ng komentaryo]].