Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Wikipedia:VisualEditor"

(Pagpapalawak)
*'''Limitado ang suporta para sa mga pambasa-basa (''browser'')''' – Kasalukuyang sinusuportahan lamang ng VisualEditor ang mga pinakamodernong bersiyon ng Mozilla Firefox (mula bersiyon 13), Google Chrome (mula bersiyon 16) at Safari (mula bersiyon 6). Kasalukuyang may kusang sumisikap na ayusin ang VisualEditor upang masuportahan nito ang Opera, at sinisikap din ng mga tagapagpaunlad na suportahan ang Internet Explorer sa panahong inilabas na nang mas malawak ang VisualEditor.
*'''Kailangang baguhin ang buong pahina''' – Hindi pa kaya ng VisualEditor ang seksiyunang pamamatnugot sa mga artikulo, at kinakarga at itinatala ng VisualEditor ang mga buong pahina lamang.
*'''Para sa mga artikulo at pahinang pantagagamit lamang''' – Sa ngayon, maaari lamang gamitin ang VisualEditor sa ngalan-espasyong (''userspace'') pangunahin at pantagagamit. Pinapagana ang VisualEditor sa ngalan-espasyong pantagagamit upang makapagsanay ang mga tagagamit sa VisualEditor gamit ang kanilang pahinang burador. Sa mahabang panahon, inaasahang mailalakip sa VisualEditor ang mga natatanging kagamitang kinakailangan upang baguhin ang mga pahinang 'di-artikulo, ngunit sa ngayon nakatuon muna ang koponan ng mga tagapagpaunlad sa paggana ng VisualEditor para sa mga artikulo.
 
Dahil sa mga limitasyong ito at dahil sa mataas na bilang ng mga kamalian sa VisualEditor, pinapayuhan ng mga tagapagpaunlad ang mga tagagamit ng VisualEditor na i-kilk ang "Repasuhin ang inyong pagbabago" ("Review your changes") bago magtala ng pahina, at iulat ang anumang mga problemang kanilang matuklasan.