Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Paghahari-harian"

m
deadlink fix: content removed from google cache, found on web archive
m (Bot: Migrating 1 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q240126 (translate me))
m (deadlink fix: content removed from google cache, found on web archive)
Ang '''paghahari-harian''' o '''pagmamaton''' (Ingles: ''bullying'') ay isang uri ng [[pang-aapi]] o [[panunupil]], na isa ring uri ng [[ugali]]ng mapanalakay, mapaghandulong, o agresyon na kinakikitaan ng paggamit ng dahas, pamimilit o pamumuwersa, o [[koersiyon]] (sapilitan) upang maapektuhan ang ibang tao, partikular na kung ang ugali ay kinagawian at kinasasangkutan ng kawalan ng katimbangan o hindi patas ang kapangyarihan. Maaari itong kasangkutan ng [[panliligalig]] na binabanggit, [[pagsalakay]] o pamimigil na pangkatawan, at maaaring nakatuon nang paulit-ulit sa isang partikular na biktima, marahil dahil sa [[lahi]], [[relihiyon]], [[kasarian]], [[kamulatang seksuwal|seksuwalidad]], o kakayahan.<ref>[http://www.cambridgeshire.gov.uk/education/parents/welfare/Bullying/whatisbullying.htm Cambridgeshire.gov.uk]</ref><ref>(U.S. Dept. of Justice, Fact Sheet #FS-200127)</ref> Ang kawalan ng balanse ng kapangyarihan o lakas ay maaaring isang kapangyarihan panlipunan at/o lakas na pisikal. Ang biktima ng '''pangmamaton''' ay paminsan-minsan tinutukoy bilang isang "[[puntirya]]" o ang "[[pinupukol]]".
 
Ang paghahari-harian ay kinabibilangan ng tatlong saligang mga uri ng [[pang-aabuso]] &ndash; [[pang-aabusong sikolohikal|emosyonal]], [[pang-aabusong binabanggit|sinasambit]], at [[pang-aabusong pangkatawan|pisikal]]. Karaniwang itong kinasasangkutan ng mapitagang mga paraan ng pamumuwersa katulad ng [[pananakot]] o intimidasyon. Ang paghahari-harian ay maaaring bigyan ng kahulugan sa maraming iba't ibang mga kaparaanan. Ang [[Nagkakaisang Kaharian]] ay kasalukuyang walang pambatas na kahulugan ng pagmamaton,<ref>[http://www.campus.manchester.ac.uk/equalityanddiversity/harassmentdiscriminationandbullying/ ''Harassment, Discrimination and Bullying Policy''] &ndash; [[Pamantasan ng Manchester]]</ref> samantalang ang mga estado ng [[Estados Unidos]] ay mayroon mga batas na laban dito.<ref>Hindi bababa sa 15 mga estado ang nagpasa ng mga batas na tumutuon sa pangmamaton sa mga batang nag-aaral.[http://72web.14archive.205.104org/search?q=cache:ao8az0gkKqMJweb/20040529052056/http://stopbullyingnow.hrsa.gov/HHS_PSA/pdfs/SBN_Tip_6.pdf+bullying+legislation&hl=en&ct=clnk&cd=3&gl=us&client=firefox-a Paghahanap sa Google]</ref>
 
Sumasaklaw ang paghahari-harian mula sa payak na isang tao sa isa pang tao na paghahari-harian (nag-aastang parang [[hari]]) sa mas kumplikadong pagmamaton kung saan ang maton ay maaaring mayroong isa o maraming mga 'tenyente' na tila nagnanais na tulungan ang pangunahing maton sa kanyang mga gawain ng paghahari-harian. Ang paghahari-harian sa paaralan at sa pook ng trabaho ay tinatawag ding '''pang-aabuso ng kauri''' o '''pang-aabuso ng kapantay''' na tao.<ref>Bennett, Elizabeth ''Peer Abuse Know More: Bullying From a Psychological Perspective'' (2006)</ref> Sinuri ni [[Robert W. Fuller]] ang pagmamaton sa diwa ng [[rankismo]]. Mayroon ding [[pagmamaton sa Internet]].
899

edits