Astrologo: Pagkakaiba sa mga binago

1,984 bytes added ,  9 years ago
walang buod ng pagbabago
(Ikinakarga sa Astrolohiya)
 
No edit summary
Ang mga tao na nag-aaral ng [[astrolohiya]]. Noong unang panahon sila ang mga kinikilalang [[pantas]] at mga dalubhasa, dahil nababasa nila kung ano ang sinasabi ng kalangitan. Tinitingnan nila ang mga pagbaybay ng mga araw sa [[sodyak]] o sa pangkat ng mga bituin sa kalangitan. Pinag-aaralan din nila ang buwan, at ibang mga [[buntala]] sa kalawakan, ang mga eklipse, at iba pang mga pangitain sa langit gaya ng mga bulalakaw at mga bituin.
#redirect [[astrolohiya]]
 
Iniuugnay ng mga astrologo ang mga pangitaing ito sa daloy ng panahon at pagtatakda kung kelan magtatanim at kung kelan mainam gawin ang isang bagay. Iba-iba ang naging ginampanan ng mga astrologo sa kasaysayan. Kinilala silang mga kaparian, mga dalubhasa, mga paham, mga manggagamot hanggang sa mga manloloko, mapanlinlang at mandarambong na kinukutya ng marami.
 
Dati-rati ang mga astrologo ay mga maituturing na [[astronomo]], kung hindi sa mga libong taon ng mga pag-aaral ng mga astrologo sa kalangitan ay hindi mabubuo ang pundasyon na kung saan nakatungtong ang [[astronomiya]] ngayon. Dati ding kinilala ang [[astrolohiya]] bilang isang [[agham]], sa modernong panahon hindi na siya tinuturing na [[agham]] kundi isang [[mala-agham]] o animo'y agham at kung hihiramin ang katawagang Ingles, ito nga ngayon ay isang [[seudo-siyensya]].
 
Pinutol ang bigkis ng [[astrolohiya]] at [[astronomo]] sa panahon ni [[Johannes Kepler]] isang magaling na [[pantas]] sa [[matematika]], at [[astronomiya]]. Bagaman noong nabubuhay pa siya
gumawa siya ng mga [[tabladura]] o mga ('''astrological charts''') na kung saan nabasa niya at tumpak na nahulaan ang Matinding Taglamig at pag-atake ng mga [[Turko]] sa kanilang lugar.
 
Sinundan ni [[Kepler]] ang yapak ng kanyang gurong si [[Tycho Brahe]], isang magaling na astrologo at isa sa mga kinikilalang pundasyon ng agham ng [[astronomiya]]. Tinalo ni [[Tycho Brahe]] ang mga sayantipiko ng kanyang panahon sa pagtatala ng mas kumprehensibo at mas dekalidad na mga obserbasyon ng mga buntala at mga bituin sa kalangitan.
Hindi nakikilalang mga tagagamit