Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Humanidades"

m
re-categorisation, replaced: {usbong → {stub, :Araling pantao → :Humanidades using AWB
m
m (re-categorisation, replaced: {usbong → {stub, :Araling pantao → :Humanidades using AWB)
Ang '''mga araling nauukol sa tao'''<ref name=Bansa>[http://www.bansa.org/dictionaries/tgl/?dict_lang=tgl&type=search&data=humanities Humanity], Tagalog English Dictionary, Bansa.org</ref> o '''mga araling pantao''' ([[wikang Ingles|Ingles]]: ''Humanities'', "pagkatao," o ''The Humanities'', "mga pagkatao" ng [[tao]]) ay mga disiplinang akademiko na nag-aaral sa mga kundisyong humano, na ginagamitan ng mga metodo ng malawakang pagsusuri (kritiko), pagpuna (analitiko), at pagbabakasali (ispekulatibo); dahil sa tatlong metodong ito, itinatangi ang pag-aaral na ito - na tinatawag ding '''humanidades''' o '''umanidades''' - mula sa mga imperikong (empirikal) gawi na ginagamit sa mga [[likas na agham]] at mga [[agham panlipunan]].
 
Ilan sa mga halimbawa ng mga disiplina na may kaugnayan sa humanidades ang mga pag-aaral ng mga [[wika|sinauna at makabagong mga wika]], [[panitikan]], [[kasaysayan]], [[pilosopiya]], [[pananampalataya]], [[biswal na sining]] (napagmamasdang sining), at mga sining na isinasagawa (''performing arts'', kung saan kasama ang [[musika]].) Karagdagan dito ang mga paksang paminsan-minsan nauugnay sa mga araling pantao: tulad ng [[antropolohiya]], at mga pag-aaral pampook (''area studies''), bagaman itinuturing ang mga ito bilang mga agham panlipunan. Tinatawag na mga '''humanista''' o "maka-pantao" (iba mula sa salitang [[makatao]]) ang mga dalubhasang nag-aaral ng mga araling pantao. Sa sining, kasama rito ang [[pagpipinta]] at [[paglililok]], maging ang mga [[pagtatanghal]] sa [[teatro]], mga [[sayaw]], [[panitikan]], at [[sining pangwika]].
 
Naging popular ang pag-aaral pantao noong mga kapanahunan ng ''[[Renaissance]]'' ("muling pagsilang", "pagbabalik", o "muling pagkabuhay" ng mga pag-aaral ng mga klasiko o sinaunang kalinangan at sining), isang panahon kung kailan nakahiligan ng mga mamamayan ang pagiging likas ng tao o "likas na katangian ng tao". Samakatuwid, matatawag din ang pag-aaral na ito bilang '''mga araling hinggil sa [[sangkatauhan]]''', '''pag-aaral ng''' (likas na) '''[[pagkatao]]''' (ng tao), o '''pag-aaral ng pagiging tao''' (ng tao).<ref name=Bansa/> Naganap ang panahon ng "Muling Pagsilang" sa [[Europa]], nagsimula sa [[Italya]], mula ika-14 hanggang ika-16 na dantaon. Ang panahong ito ang naging marka o pananda sa transisyon o pagpapalit ng kapanahunan mula sa midyebal (panggitna) patungong makabago o modernong panahon.<ref name=ScribnerBantam>{{cite-ScribnerBantam|Renaissance}}</ref>
{{reflist}}
 
[[Kategorya:Humanidades|*]]
{{usbong|Edukasyon}}
 
 
[[Kaurian:Araling pantao|*]]
{{usbongstub|Edukasyon}}