Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Apostol Pablo"

walang buod ng pagbabago
Kabilang sa mga mahahalagang nagawa ni Pablo ang mga isinulat niyang liham o sulat para sa iba't ibang mga pamanayang Kristiyano noong kaniyang kapanahunan ng pangangaral bilang misyonero ng pananampalataya. Naging isang pangunahing sanggunian ng mga kaalaman hinggil sa sinaunang Simbahang Kristiyano ang mga liham ni Pablo, na matatagpuan ngayon sa Bagong Tipan ng Bibliya.<ref name=Biblia6/>
==Pagka-apostol==
Bagaman, si Pablo ay nag-angking isang apostol ni Hesus, hindi lahat ng mga Kristiyano ay tumanggap sa kanyang pagka-apostol. Sa karagdagan, ayon mismo sa [[sulat ni Pablo]], maraming mga nagpapanggap na apostol noong kanyang panahon. Ayon sa {{bibleverse2||Pahayag|21:14}}, ang bilang ng mga mga apostol na kinikilala sa siyudad na Herusalem na bumabang mula sa langit ay 12 lamang. Sa apat na kanonikal na ebanghelyo, hindi kasama si Pablo sa 12 apostol.
 
== Kapistahan at pagdiriwang ==
Ipinagdiriwang ng [[Simbahang Katoliko]] ang kapistahan ni San Pablo tuwing Hunyo 29. Inaalala rin ng Simbahang Katoliko ang kaarawan ng kaniyang paninibagong-loob - ang '''Araw ni San Pablo''' tuwing Enero 25. Kaugnay ng Araw ni San Pablo, may isang matandang paniniwala na mahuhulaan sa araw na ito kung ano ang magiging kalagayan ng panahon para sa buong isang taon. Ganito ang sinasabi sa isang lathalaing pinamagatang ''The Shepherd's Almanack'' (Ang Almanak<ref name=Gabby>{{cite-Gabby|Almanac}}</ref> ng Pastol, isang uri ng aklat na nagbibigay sa bumabasa ng maraming talaan at kabatiran) noong 1676: na kapag may araw sa Araw ni San Pablo, mangangahulugang magiging mabuti ang taon; kung umulan, magkakaroon ng hindi nakikisama, may katabangan, o pangit na taya ng panahon; kapag maambon o mamasamasa ang paligid, magkakaroon ng mga pangangailangan ang tao; sasapitin naman ang labindalawang buwan ng paghangin at kamatayan ang pagkulog.<ref name=NBK/>
11,766

edits