Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Apostol Pablo"

walang buod ng pagbabago
[[Talaksan:PaulusTarsus LKANRW.jpg|thumb|right|Komposito ng mukha ni Pablo na ginawa ng mga eksperto ng kapulisan ng estado ng NRW, Alemanya.]]
 
Si '''Apostol Pablo''' o '''Pablo ng Tarsus''' ([[Wikang Ebreo|Ebreo]]: '''פאולוס מתרסוס''', Pa’ulus miTarsus) ([[5 CE]]–[[67 CE]]) ayon sa ilang aklat ng [[Bagong Tipan]] ay isang [[apostol]] ni [[Hesus]]. Ang mga sulat na tradisyonal na itinuturo sa kanya ng mga Kristiyano na tinatawag na mga [[sulat ni Pablo]] ay bumubuo ng malaking bahagi ng [[Bagong Tipan]]. Gayunpaman, ang marami sa mga [[sulat ni Pablo]] ay pinaniniwalaan ng mga modernong skolar na hindi autentiko o peke na ipinangalan lang kay Pablo. Ang mga [[sulat ni Pablo]] na nakapasok sa [[kanon]] na Katoliko ay tinatanggap ng maraming mga Kristiyano ngayon ngunit hindi lahat ng mga Kristiyano. Ang mga [[ebionita]] ay tumakwil sa mga [[sulat ni Pablo]] at tumuring kay Pablo na isang ''impostor na apostol''.
 
Ang ''[[Kristiyanismong Paulino]]'' ay isang terminong ginagamit ng mga skolar mula pa noong ika-20 siglo upang tukuyin ang isang anyo ng Kristiyanismo na nauugnay sa mga paniniwala at doktrinang itinaguyod ni Pablo sa [[sulat ni Pablo|kanyang mga sinasabing sulat]]. Ang mga skolar ay nagmungkahi ng iba't ibang mga hibla ng pananaw sa loob ng [[Kristiyanismo|Sinaunang Kristiyanismo]] sa mga simulang siglo nito. Ang mga katuruan ni Pablo ay nakita ng marami na iba at sumasalungat sa mga katuruan ni [[Hesus]] na nakatala sa mga kanonikal na ebanghelyo gayundin sa [[Mga Gawa ng mga Apostol]] at iba pang mga epistula ng Bagong Tipan gaya ng [[Sulat ni Santiago]]. Ang mga tagapagtaguyod ng anyong Paulino ng Kristiyanismo ay kinabiblangan ni [[Marcion ng Sinope]] na nag-angking si Pablo ang tanging apostol na tamang nakaunawa ng mensahe ng kaligtasan ni Hesus. Salungat dito ang mga pangkat ng Kristiyanismo na tumakwil kay Pablo at sa kanyang mga sulat at katuruan na kinabibilangan ng mga [[Hudyong-Kristiyano]] gaya ng mga [[Ebionita]] at [[Nazareno]] dahil sa kanyang paglihis sa Hudaismo at [[Konseho ng Herusalem|mga katuruan ng ibang mga apostol]]. Kanilang itinuring si Pablo na isang natalikod at impostor na apostol. Ayon sa mga skolar gaya nina [[Hyam Maccoby]] (1987), [[Robert Eisenman]], [[James Tabor]], [[Hugh Schonfield]] (1961) at marami pang iba, ang mga [[Ebionita]] ay mas matapat sa mga autentikong mga katuruan ni Hesus at bumubuo ng mga nananaig na mananampalataya ng Herusalem sa mga simulang siglo ng Kristiyanismo bago ang kanilang unti-unting [[marhinalisasyon]] ng mga tagasunod ni Pablo.<ref name="Maccoby 1987">{{Cite book| author = [[Hyam Maccoby]]| title = The Mythmaker: Paul and the Invention of Christianity| pages = 172–183.| publisher = HarperCollins | year = 1987 | isbn = 0-06-250585-8}}, [http://ebionite.tripod.com/mac15.htm an abridgement]</ref><ref name="Schoeps 1969">{{Cite book| author = Hans-Joachim Schoeps| title = Jewish Christianity: Factional Disputes in the Early Church. Translation Douglas R. A. Hare| publisher = Fortress Press| year = 1969}}</ref><ref name="Tabor 2006">{{Cite book| author = [[James Tabor]] | title = The Jesus Dynasty: A New Historical Investigation of Jesus, His Royal Family, and the Birth of Christianity| publisher = Simon & Schuster | year = 2006| isbn = 0-7432-8723-1}}</ref><ref name="Tabor, authentic followers">Tabor (2006), p. 286, 289-291.</ref><ref name="Eisenman p. 5-6 1997">{{Cite book| author = [[Robert Eisenman]]| title = James the Brother of Jesus: The Key to Unlocking the Secrets of Early Christianity and the Dead Sea Scrolls | pages = 5–6.| publisher = Viking | year = 1997 | isbn = 1-84293-026-5}}</ref><ref>Howard Bream's review of H. J. Schoeps, ''Theologie und Geschichte des Judenchristentums'' (1949), in: ''The Journal of Religion'' (1952), p. 58: "In the development of Christianity itself, he [Schoeps] believes that they [the Ebionites] were in many respects closer to the teachings of Jesus than were the Gentiles. This is true particularly where the Ebionites differed from normative Judaism, as in rejecting animal sacrifice and in deleting certain passages from Scripture with the claim that they were interpolations."</ref>
11,766

edits