Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Relihiyon sa Mesopotamia"

walang buod ng pagbabago
Ang relihiyong sinanay sa sinaunang Mesopotamia ang [[politeismo]] sa mga libo libong taon. Ito ay unti unting naglalaho sa pagsisimula ng ika-1 siglo CE sa pagpapakilala ng Silangang Ritong [[Kristiyanismo]] gayundin ng [[Manicheanismo]] at [[Gnostisismo]] na tumagal ng 3 hanggang 4 na [[siglo]] hanggang sa ang mga paniniwalang ito ay namatay na na may mga huling bakas nito sa mga ilang pamayanang Asiryo hanggang noong ika-10 siglo CE. Ang Diyos na si [[Ashur]] ay sinasamba pa rin sa Assyrian hanggang noong ika-4 siglo CE at ang Ashurismo ay sinanay ng mga menoridad hanggang noong ika-10 siglo CE.
 
Ang relihiyong Mesopotamiano ay pinaniniwalaan ng mga historyan na isang malaking impluwensiya sa mga kalaunang lumitaw na [[relihiyon]] sa buong kasaysayan ng mundo kabilang ang mga [[relihiyong Cananeo]], relihiyong Arameo, [[relihiyon ng Sinaunang Gresya]], mga relihiyong [[Poeniko]] gayundin din angsa mga kalaunang lumitaw na relihiyong [[Hudaismo]], [[Kristiyanismo]] at [[Islam]]. Ang mga mitolohiyang Mesopotamiano ay nakaimpluwensiya sa mga kalaunang [[mitolohiya]] ng [[Bibliya]] gaya ng [[mito ng paglikha]], [[malaking baha]], [[tore ng Babel]], [[Nimord]] at [[Lilith]]. Ang mga kwento ni [[Moises]] ay katulad sa kwento ni [[Sargon]] ng [[Akkad]] at ang [[sampung utos]] ay tumutugma sa mga kodigong pambatas na Asiryo-Babilonio.
 
[[Kategorya:Relihiyon sa Mesopotamia]]
[[Kategorya:Mitolohiyang Mesopotamiano]]
11,766

edits