Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Relihiyon sa Mesopotamia"

walang buod ng pagbabago
 
Ang relihiyong Mesopotamiano ay pinaniniwalaan ng mga historyan na isang malaking impluwensiya sa mga kalaunang lumitaw na [[relihiyon]] sa buong kasaysayan ng mundo kabilang ang mga [[relihiyong Cananeo]], relihiyong Arameo, [[relihiyon ng Sinaunang Gresya]], mga relihiyong [[Poeniko]] gayundin din sa mga kalaunang lumitaw na relihiyong [[Hudaismo]], [[Kristiyanismo]] at [[Islam]]. Ang mga mitolohiyang Mesopotamiano ay nakaimpluwensiya sa mga kalaunang [[mitolohiya]] ng [[Bibliya]] gaya ng [[mito ng paglikha]], [[Adan at Eba]], [[Arko ni Noe]], [[Tore ng Babel]], [[Nimrod]] at [[Lilith]]. Ang mga kwento ni [[Moises]] ay katulad sa kwento ni [[Sargon ng Akkad]] at ang [[Sampung Utos]] ay tumutugma sa mga kodigong pambatas na Asiryo-Babilonio.
 
Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang [[kabilang buhay]] na isang [[mundong ilalim|lupain sa ilalim ng ating mundo]]. Ito ay kilala bilang Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nito.
[[Kategorya:Relihiyon sa Mesopotamia]]
[[Kategorya:Mitolohiyang Mesopotamiano]]
11,766

edits