Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Relihiyon sa Mesopotamia"

walang buod ng pagbabago
 
Ang mga sinaunang Mesopotamiano ay naniwala sa isang [[kabilang buhay]] na isang [[mundong ilalim|lupain sa ilalim ng ating mundo]]. Ito ay kilala bilang Arallû, Ganzer o Irkallu na pinainiwalang patutunguhan ng sinuman na namatay kahit pa ano ang katayuan sa buhay o mga aksiyong ginawa sa buhay nito.
==Kasaysayan==
Ang tao ng Mesopotamia ay orihinal na binubuo ng dalawang pangkat ng mga tao: ang Silangang Semitikong [[Akkadian]](na kalaunang nakilala bilang mga [[Asiryo]] at mga [[Babilonio]]) at ang mga [[Sumeryo]]. Ang mga taong ito ay hindi orihinal na isang nagkakaisang bansa ngunit mga kasapi ng mga iba't ibang mga [[siyudad-estado]]. Noong ika-4 na [[milenyo]] BCE nang ang unang ebidensiya ng makikilalang relihiyong Mesopotamiano ang makikita sa pagkakaimbento sa Mesopotamia ng pagsulat noong ca. 3500 BCE. Ang mga Sumeryo ay lumitaw bagaman hindi alam kung sila ay tumungo sa lugar sa mga prehistorikong panahon o sila ang ilan sa mga orihinal na naninirahan dito. Sila ay tuira sa katimugang Mesopotamia na nakilala bilang [[Sumerya]] at nagkaroon ng malaking impluwensiya sa mga taong Semitikong Akkadian at kultura nito. Ang mga Sumeryo ay isang napakaunlad na kultura: Bukod sa pag-imbento ng pagsulat, kanilang inimbento ang maagang mga anyo ng [[matematika]], maagang mga sasakyang may gulong, [[astronomiya]], [[astrolohiya]] at kalendaryo. Kanilang inimbento ang mga unang siyudad-estado/bansa gaya ng [[Uruk]], [[Ur]], [[Lagash]], [[Isin]], [[Umma]], [[Eridu]], [[Nippur]] at [[Larsa]].
{{Ancient Mesopotamia}}
[[Kategorya:Relihiyon sa Mesopotamia]]
11,766

edits