Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Seksahesimal"

walang buod ng pagbabago
{{numeral systems}}
[[Image:Ybc7289-bw.jpg|right|thumb|200px|Tabletang Babilonyo na YBC 7289 na nagpapakita ng bilang na seksahesimal na {{nowrap|1;24,51,10}}na nagtatantiya ng  [[square root of 2|√2]]]]
Ang '''seksahesimal''' (base 60) ay isang sistemang numeral na may 60 bilang base nito. Ito ay nagmula sa mga sinaunang [[Sumeryo]] noong ika-3 [[milenyo]] BCE at naipasa sa mga [[Babilonyo]] at ginagamit pa rin sa kasalukuyang panahon sa isang nabagong anyo para sa pagsukat ng panahon, mga [[anggulo]] at mga koordinatong heograpiko. Ang bilang na 60 na isang mataas na bilang komposito ay may 12 paktor na 1, 2, 3, 4, 5, 6, 10, 12, 15, 20, 30, 60 na ang 2, 3 at 5 ay mga bilang na prime. Sa dami ng ng mga paktor, maraming mga praksiyon na kinasasangkutan ng mga bilang na seksahesimal ay mapapasimple. Halimbawa, ang isang oras ay mahahati ng pantay sa mga seksiyon ng 30 minuto, 20 minuto, 15 minuto, 12 minuto, 10 minuto, 6 na minuto, 5 minuto, 4, minuto, 3 minuto, 2 minuto at 1 minuto. Ang 60 ang pinakamaliit na bilang na mahahati ng bawat bilang mula 1 hanggang 6 o ito ang pinakamababang karaniwang multiple ng 1, 2, 3, 4, 5, at 6.
[[Kategorya:Matematikang Babilonyo]]
11,766

edits