Enûma Eliš: Pagkakaiba sa mga binago

walang buod ng pagbabago
No edit summary
No edit summary
Ang '''Enûma Eliš''' (Kuneypormang Akkadiano: 𒂊𒉡𒈠𒂊𒇺) ay ang [[mito ng paglikha]] ng kabihasnang [[Babilonya]]. Ito ay natuklasan ni [[Austen Henry Layard]] noong 1849 sa anyong pragmentaryo sa nawasak na aklatan ni [[Ashurbanipal]] sa [[Nineveh]] (Mosul, Iraq) at inilimbag ni [[George Smith]] noong 1876. Ito ay naglalaman ng mga isang libong linya at itinala sa Lumang Babylonyo sa pitong putik na mga tableta na ang bawat isa ay naglalaman ng sa pagitan ng 115 at 170 mga linya ng teksto. Ang karamihan ng Tabletang V ay hindi natuklasan ngunit sa kabila ng lacuna na ito, ang teksto ay halos kumpleto. Ang kopya ng Tabletang V ay natagpuan sa Sultantepe sa matandang Huzirina na matatagpuan sa modernong bayan ng Şanlıurfa sa [[Turkey]]. Ang epikong ito ay pinakamahalagang pinagkukunan ng pagkaunawa sa pananaw pangmundo ng kabihasnang Babilonya na nakasentro sa pagiging suprema ng [[Diyos]] na si [[Marduk]] at ang paglikha ng [[unang tao|sangkatauhan]] para sa paglilingkod sa mga [[Diyos]]. Gayunpaman, ang pangunahing layunin nito ay hindi ang paghahayag ng teolohiya o teogoniya kundi ang pagtataas kay [[Marduk]] na pangunahing Diyos ng Babilonya sa iba pang mga diyos ng [[Mesopotamia]]. Ang Enûma Eliš ay umiiral sa iba't ibang mga kopya mula sa Babilonya at Asirya. Ang bersiyon mula sa aklatan ni Ashurbanipal ay may petsang nagmumula sa ika-7 siglo BCE. Ang komposisyon ng teksto ay malamang nagmula sa [[panahong Tanso]] hangganang sa panahon ni [[Hammurabi]] o marahil ay sa simulang panahon ng [[Kassite]](mga ika-19 hanggang ika-16 siglo BCE) bagaman ang ilang mga skolar ay pumapabor sa kalaunang petsa na ca. 1100 BCE.
==Kaugnayan sa Bibliya==
Ang Enûma Eliš ay nakilala ng mga skolar na nagtataglay ng malapit na kaugnayan sa [[paglikha ayon sa Genesis|mito ng paglikha ayon sa Aklat ng Genesis]] sa [[Bibliya]](Tanakh) ng mga [[Hudyo]]. Ang unang pagkakalimbag nito noong 1876 ang mahalagang hakbang sa pagkilala ng mga ugat ng salaysay na matatagpuan sa [[Bibliya]] sa sinaunang mito ng [[Sinaunang Malapit na Silangan]](Cananeo at Mesopotamiano). Ang ilan sa mga pagkakatulad ng Enuma Elis at [[Aklat ng Genesis]] ang sumusunod:
12,337

edit