Albert Einstein: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Atn20112222 (usapan | ambag)
No edit summary
Atn20112222 (usapan | ambag)
Linya 99:
Noong Oktubre 1933, si Einstein ay bumalik sa Estados Unidos at kumuha ng posisyon sa [[Institute for Advanced Study]] sa Princeton, New Jersey na nangailangan ng kanyang presensiya ng 6 na buwan kada taon. Sa panahong ito ay hindi pa rin siya nakakapagpasya sa kanyang hinaharap. May mga alok sa kanya sa mga unibersidad sa Europa kabilang ang [[Oxford]] ngunit noong 1935 ay nagpasyang manatili nang permanente sa Estados Unidos at nag-apply para sa pagkamamamayan. Ang kanyang kaugnayan sa Institute for Advanced Study ay tumagal hanggang sa kanyang kamatayan noong 1955. Siya ang isa sa apat na napili dito kabilang sina [[John von Neumann]] at [[Kurt Gödel]] na kanyang naging malapit na kaibigan. Sa panahong ito nang tangkain ni Einstein na buuin ang [[teoriyang nagkakaisang field]] at pamalian ang tinatanggap na interpretasyo ng pisikang quantum na parehong hindi naging matagumpay.
==Ikalawang Digmaang Pandaigdig at Proyektong Manhattan==
Noong 1939, ang isang pangkat ng mga siyentipikong Hungariano kabilang si [[Leó Szilárd]] ay nagtangkang umalerto sa Washington hinggil sa patuloy na pagsasaliksik ng [[bombang atomiko]] ng Nazi ngunit ito ay hindi pinansin. Itinuring ni Einstein at Szilárd kasama ng ibang mga refugee na sina [[Edward Teller]] at [[Eugene Wigner]] na kanilang responsibilidad na alertuhin ang mga Amerikano sa posibilidad na manalo ang mga siyentipikong Aleman sa karera ng paggawa ng bombang atomiko at magbabala na si Hitler ay higit na handang bumalik sa gayong sandata. Noong tag-init nang 1939 mga ilang buwan bago ang pagsisimula ng [[Ikalawang Digmaang Pandaigdig]] sa Europa, si Einstein ay nahikayat na ipahiram ang kanyang prestihiyo sa pamamagitan ng pagsulat ng liham kasama ni Szilárd kay Pangulong [[Franklin D. Roosevelt]] ng Estados Unidos upang alertuhin siya sa posibilidad nito. Nirekomiyenda rin ng liham sa pamahalaan ng Estados Unidos na magbigay panispansin at maging tuwirang sangkot sa pagsasaliksik ng uranium at nauugnay na pagsasaliksik ng kadenang reaksiyon. Dahil sa liham ni Einstein at kanyang pakikipagkita kay Roosevelt, ang Estados Unidos ay pumasok sa karekakarera sa pagbuo ng bombang atomiko na humuhugot ng malaking mga pinagkukunang materyal, pangsalapi at pang-agham upang simulan ng [[Proyektong Manhattan]]. ItoAng Estados Unidos ang tanging bansa na matagumpay na nakagawa ng bombang atomiko noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Bilang kasapi ng [[National Association for the Advancement of Colored People]] (NAACP) sa Princeton, nangampanya siya para sa mga karapatang sibil ng mga Aprikanong Amerikano at nakipagtugunan sa aktibista ng mga karapatang sibil na si [[W. E. B. Du Bois]]. Noong 1946, tinawag ni Einstein ang [[rasismo]] sa Amerika bilang "pinakamalalang sakit". Kanyang kalaunang isinaad na "ang prehudisyo sa lahi ay sa kasawiang palad naging isang tradisyong Amerikano na walang panunuring ipinasa mula sa isang henerasyon tungo sa isa pa. Ang tanging mga lunas ay kaliwanagan at edukasyon". Noong 1940, si Einstein ay naging isang mamamayang Amerikano. Sa huli nang kanyang buhay ay naging [[behetaryano]] si Einstein.
 
==Mga sanggunian ==