Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Panunuring pampelikula"

Mga isinasaalang-alang sa paggawa ng Panunuring Pampelikula
m (Bot: Migrating 22 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q4482 (translate me))
(Mga isinasaalang-alang sa paggawa ng Panunuring Pampelikula)
Ang '''panunuring pampelikula''' o '''panunuri ng pelikula''' (Ingles: ''movie criticism'') ay ang [[ebalwasyon]] ng isang [[pelikula]]. Ang mga tao na nagsusulat sa mga [[pahayagan]] at mga [[magasin]] ng kanilang mga [[opinyon]] hinggil sa mga pelikula, o tumatalakay na patungkol sa mga pelikula sa kanilang mga programang [[pangtelebisyon]], [[pang-Internet]], o [[pangradyo]] ay tinatawag na mga '''manunuri ng pelikula'''. Ilan sa mga '''kritiko ng pelikula''' ang nagsusulat ng mga aklat hinggil sa mga pelikula at sa kasaysayan ng mga pelikula.
 
Mga isinasaalang-alang sa paggawa ng Panunuring Pampelikula:
I. Tungkol sa Pelikula
A. Pamagat ng Pelikula:
 
(Ibibigay ng mag-aaral ang pamagat ng pelikulang sinuri at pagpapakahulugan sa pamagat. Maaaring sagutin ang katanungang bakit?)
B. Direktor:
(Pangalan ng Direktor)
C. Prodyuser:
(Pangalan ng Prodyuser o mga prodyuser)
D. Pangunahin tauhan:
(Pangalan ng karakter - artistang gumanap - paglalarawan)
E. Tema ng Pelikula:
(Ano ang paksang tinatalakay sa pelikula?)
F. Buod ng Pelikula
(Magbigay ng maikling buod ng pelikula.)
II. Mga Aspektong Teknikal
 
A. Musika
(Nababagay ba ang mga tunog at musikang ginamit sa pelikula? Nakatulong ba ang musika sa paguhit ng emosyon at pagpapatingkad ng kagandahan ng kwento?)
B. Sinematografi
(Maganda ba ang kabuuang kulay ng pelikula? Mapusyaw ba o matingkad ang pagkakatempla ng kulay na kuha ng mga camera? Maganda ba ang visual effects na ginamit?)
C. Pagkasunud-sunod ng mga Pangyayari
(Maayos ba ang pagkakasunud-sunod ng mga eksena? Hindi ba ito nakalilito? Lahat ba ng tagpo ay malinaw at mahalaga sa pinapaksa?)
D. Pagganap ng mga Arista
(Maganda ba ang pagka-ganap ng mga artista?Makatotohanan ba ang emosyong kanilang pinapapakita? Paano nakatulong ang kanilang pag-arte sa pag-unawa sa nilalaman?)
E. Tagpuan
(May maganda bang tagpuan ang pelikula? Nakatutulong ba ang tagpuan sa kabuuang palabas? Angkop ba ang mga tagpuang ginamit sa tema at kwento ng pelikula?)
III. Kahalagahang Pantao
 
 
A. Paglalapat ng Teoryang Realismo
(Makatotohanan ba ang mga pangyayaring pinapapakita sa pelikula? Anu-ano ang mga isyu na tinalakay sa pelikula na maihahalintulad sa mga isyung nagaganap sa lipunan?)
B. Paglalapat ng Ibang Teoryang pampanitikan (Para sa ikaapat na taon)
Magbigay ng tatlong eksena o tagpo sa pelikula na gumait ng iba pang teorya maliban sa Realismo.
C. Mga Aral
Karamihan sa mga pelikula ay gumagamit ng Christ like character kung saan ang bida ay may mga katangiang katulad kay Kristo. Sa pelikulang Caregiver, Paano maihahalintulad ang pangunahing karakter sa mga katangian ni Kristo. Gamitin ang Venn Diagram sa bahaging ito.
D. Kabuuang Pananaw
(Paano naiiba ang pelikulang ito sa mga pelikulang napanood mo?Naangkop ba ang pelikula sa atin. Karapat-dapat bang panoorin ang pelikula? Bakit?)
{{usbong|Pelikula}}
 
Hindi nakikilalang mga tagagamit