Nobelang Pilipino: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
No edit summary
Linya 5:
Ayon kay Virgilio S. Almario, naging impluwensiya sa ilang mga nobelistang Pilipino ang sumusunod na mga akdang banyaga: ang ''Hudeo Errante'' (1844) ni [[Eugene Sue]], ang ''Conde de Montecristo'' (1844-46) at ang ''La Dama de las Camellias'' (1848) ni [[Alexandre Dumas]], ang ''Les Miserables'' (1862) ng mga Kastila.
 
==Kaligirang PangkasaysayanKasaysayan ng Nobelang Pilipino==
 
Ang Nobela
Sa mga anyong patuluyang panitikan,isa na yata sa pinakamakulay,pinakamayaman,at pinakamakabuluhan ang nobela.Mangyari’y para itong buhay na mga pangyayaring namamasdan sa pang-araw-araw na pamumuhay at pakikipamuhay ng tao sa mundo,na kapag binabasa,hindi lamang itatampok na karanasan ang nasasalamin kundi ang lahat ng mga kaugnayan sa “aktuwal na kapaligiran”.Dito natutunghayan ang iba’t ibang takbo ng buhay ng tao-kung papaano nabaliw ang isang ina dahil sa pagkawala ng dalawang anak,kung papaanokinasihang-palad ang isang magmamani na napangasawa ng isang may sinasabi sa buhay,kung papaano sinuong ng isang probinsiyano ang kalawakan ng maruming-buhay-lungsod mahanap lamang ang babaeng pinaka pag-asa niya sa buhay,kung papaano namulat ang isang asawa’t ina sa kahalagahan ng kanyang sarili bilang isang babae,at marami pang iba.
Ang mga Layunin ng Nobela
Kapag layunin ang binanggit,ang tinutukoy rito ay ang hangarin o naisin ng manunulat na maiparating sa mga mambabasa ang mga kadahilanan kung bakit kinatha ang isang akda.Ang layuning ito ang umaapekto sa isip at damdamin ng sinumang makatutunghay sa akda.Maari itong makapaniwala kaya nakahihikayat.Maari rin namang makaudyok kaya nakapagpapakilos.
Sa panitikang Filipino,ang mga layunin ng nobela ay naayon sa bawat panahon ng akda ay isinulat.Nang ipakilala ng mga Kastila a ng nobela noong dantaong labingwalo o siglo 18,ang mga nilalaman ng nobela ay pawing maka-relihiyon.Natural,sapagkat kaakibat ng kanilang pananakop ang pagpapalaganap ng katolisismo.Layunin nilang pukawin at ikintal sa isip ng mga Pilipinpo ang mga dogmang pang Iglesia Katolika.
Narito ang mga sinasabi ng isang nobelista tungkol sa mga layunin ng nobela;
Ayon kay Inigo Ed Regalido,llayunin nitong”magbinhi ng mga simulain,o aral na hangad na pagbungahin ng sumulat o magdulot ng aliw sa mga mambabasa sa pamamagitan ng magandang paglalarawan ng mga gawi at galaw sa pamumuhay o maglahad upang isang panganib o sama na makalasan sa kadakilaang asal upang maiwasan at (Regalado,1939).
Nang dumating ang mga Amerikano,nakaranas na muli ng pagkabusabos ang mga Pilipino.Ang mga manunulat na ang lagging adhika ay makalaya,ay nag hahangad parin ng maglantad ng katiwalianat mamukaw ng galit para lumaban.Samantala,ang karamihan sa nakaaqmamasid na pagod na rin sa pakikibaka ang bayan,ay nagsisulat pera aliwan ang tae,upang matakasan naman ang magulong sitwasyong kinaasasadlakan at kahirapan pamamagitan ng mga bagay na di-makatotohanan at malayong kahit sa pangarap ay matagpuan man lamang ang kaunting katiwasayang-loob at isip.
Ang mga manunulat ay may tungkuling makaiisa sa damdamin at kaisipan ng bayan makibahagi sa mga suliranin at usapin ng lipunang kanilang kinabibilangan.Sa makatuwid para magkaroon ng kahulugan ang kanilang panulat,dapat lamang na makibagay sila sa takbo ng panahon,kaunlaran nito’t kamalayan.Sa ganitong paraan lamang sila magiging makabuluhan sa kanilang mambabasa
Ang Mga Panahon ng Pagkakaunlad ng Nobelang Filipino
Ang Panahon ng Español(1565-1898)
Ang nobelang Filipino,sa pag-aaral na isinagawa ng ilang mananaliksik tulad ni Soledad S. Reyes,ay mauugat sa tatlong pinagmulang tradisyon-epiko,awit at mga akdang panrelihiyon.Layunin kasi noon ng mga Kastila ang pagpapalaganap ng Katolisismo at pagpaapataas ng moralismo kaya itinuturing itong mga nobelang didal ibig sabihin,nangangaral o nagtuturo ng mga kabutihang-loob at kagandahang asal.
Ang mga unang nobelang Filipino,dahil mga prayle noon ang maaalam at magsulat,pawing nasa orihinal na wikang Kastila.Una ay ang Barlaan at Josaphat isinalin na lamang ni Fray Antonio de Borja noong 1712,at tipo pa ngang moro dahil tumatalakay ito sa pagbabagong-paniniwala ni Josaphat na isang prinsipe sa ipinangangaral sa kanya ng matandaang paring si Barlaan.Karaniwan na kasi sa dulang moro-moro ang pagwawakas na lagging nagwawagi ang Kristyano sa.Sabagay,ang mga moro-moro rin ay hinango rin naman sa korido.Ito ngayon itinuturing na kauna-unahang nobelang Tagalog na nalathala,kahit salin lamang.
Pumapangalawa rito ang nobela naman na isinulat ni Padre Modesto de Castro pinamagatang “Urbana atb Felisa”at ang “Tandang Bacio Macunat”ni Padre Lucio y Bustamante.Magkatulad halos ang pakay ng dalawang nobelang ito at iyan pagbibigay-diin sa kaahalagahan ng edukasyon.Mababakas narin sa mga ito ang na Costumbrismo.Mangyari,sa “Urbana at Felisa”,ang maag kaibigang Urbana at kapwa mula sa nayon ay nagkahiwalay.Nagtungo si Urbana sa lungsod para mag-aral ng kolehiyo,samantalang si Feliza ay naiwan.Sa pamamagitaan ng pagsusulatan,ang natutuhan ni Urbana sa sibilisasyon ay ipinababatid naman niya kay Feliza.Ang nobela ay itinuturing ding epistolaryo.
Gayundin sa ‘Tandang Bacio Macunat”,ang dalawang tauhang sina Proper at Bacio kabilaang panig.Kay Proper,ang pag-aaral sa lungsod ay pagpapaunlad ng tungo sa magandang kinabukasan,samaantaalang kay Bacio,ito ay walang maidudulot kabutihan kaya mambubukid siyang tumanda.
Ang Florante at Laura naman ni Francisco Balagtas Baltazar bagamat itinuring nobelang hindi parin maituturing na lubos bilang kauna-unahang nobelang Tagalog dahil patuluyang nasusulat kundi patula sapagkat ito’y isang awit.Sa pagkakataong ito’y oryentasyon ay nabago.Hindi na ito didaktiko kundi romantiko.Huwag sanang ipagkakamaling romantiko rito ay kinalaman sa pagniniig.Ito’y buhat sa panaligang romantisismo na ang mga katangiang ay nakasalig sa sumusunod: a)ang mga tauhan ay kagila-gilalas,na kahit naisanlibong kaaway ay nagagapi; b)ang mga tagpuan ay nasaa malalayong pook tulad sa Florante at Laura na sa halip nasa Pilipinas ay sa Albanya pa,bilang pagkukubli ng hindi mapaghinalaan si Balagtas ng mga may kapangyarihan ng naglaalantad siyaa ng may katiwalian sa sistema ng pamahalaang Kastila; c)ang mga pangyayari sa nobelang romantiko ay bihirang maganap; d)mas pinapaburan ditto ang emosyon kaysa katuwiran;at e)ito ay lagging nagwawakas nang masaya.
Isa ring halimbawa pa ng romantikong nobela ay ang Ninay ni Pedro Paterno.Nasusulat din ang orihinal naa teksto nito sa wikang Kastila.Pangkaugalian o pangkaasalan ang nais nitong pairaling layunin.Dito,ganap ang pagkatalakaay sa Custombrismo,lamang idinagdag ang aspektong pagtatatsulok sa pag-ibig,tulad sa Florante aat Laura.Ang pag-aagawan ninja Florante at Adolfo sa pag-ibig ni Laura,at ng Sultan at ni Aladin sa pag-ibig ni Flerida,at ang pagtatatsulok sa pag-ibig nina Carlos,Federico,Pilar ar Ninay.Batid kasi ng mga manunulat nito na ang Pilipino ay mawilihin sa ganitong mga tema kaya naakit na basahin ang nobela.Itoy isang anyo ngf pagtakas na eprkto ng mga babasahing romantiko.
Nang magsimula ang propaganda,isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere at ang El Filibosterismo.Makatotohanan na ang na ang mga inilahad na pangyayaring rito,batay na nasa tunay naa naganap noon sa lipunang Pilipino sa ilalim ng pamamahalang Español.Pakay kasi ritong ipamukiha sa mga Español ang kanilang karahasan at ipamulat sa mga Pilipino ang kanilang kaapihan ng sagayun ay mag-alab sila at ipaglabaan ang sariling karapatan.Napagtagumpayan din naman ni Rizal ang gayun layunin ng ito’y bigyang kabuluhan ni Andres Bonifacio.Nahikayat si Bonifacio at tuloy naitulak ng Noli Me Tangere na mag tatag ang Katipunan at maghimagsik laban sa sistemang Kastila.Sa puntong ito,pumailalim na sa realistikong pampanitikang pananalig ang mga nobelang ito.
Ang kalagayan ng nobelang Filipino noong panahon ng mga Español ay hindi nakaalwan dahi bukod sa iilan lamang ang nakapagtapos ng pag-aaral at may-kayang magsulat at makapagpalimbag ng kanilang akda,ang pamunuan ay labis sa kahigpitan,isang sensurang naglilimuta sa karapatang pagpapahayag.(Arogante:1989)
 
Ang kasaysayan ng nobela sa Pilipinas ay nagsimula noong [[Kasaysayan ng Pilipinas#Pamumuno ng Espanya (1521-1898)|Panahon ng Kastila]] na may paksain tungkol sa [[relihiyon]], kabutihang-asal, nasyonalismo, at pagbabago. Nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Line 40 ⟶ 19:
Halimbawa ng Nobela noong panahon ng Kastila:
* ''[[Noli Me Tangere]]'' at ''[[El Filibusterismo]]'' ni Dr. [[Jose Rizal]] na tungkol sa paghihimagsik
* ''[[Doctrina Christiana]]'' (1593) ni Padre Juan de Placencia at Padre Domingo Nieva na tungkol sa relihiyon
* ''[[Urbana at Felisa]]'' ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa kagandahang-asal at relihiyon
* ''[[Barlaan at Josaphat]]'' (1703) ni Padre Antonio de Borja na tungkol sa relihiyon
* ''[[Ninay]]'' ni [[Pedro Paterno]] (unang nobela)
* ''[[Ang Bandido sa Pilipinas]]'' ni [[Graciano Lopez-Jaena]] noong panahon ng [[Kilusang Propaganda|propaganda]] na tungkol sa paghihimagsik
 
===Panahon ng Amerikano===
 
Bakit nabuo ang nobela sa panahon ng amerikano?
 
Nahahati sa tatlong panahon ang kasaysayan ng nobela noong panahon ng [[Estados Unidos|Amerikano]], ang Panahon ng [[Aklatan]]Bayan (1900-1921), Panahon ng Ilaw at [[Panitikan|Panitik]] (1922-1934) at Panahon ng Malasariling [[Pamahalaan]] (1934-1942). Noong Panahon ng Akalatan, naging maunlad ang nobela na tumatalakay sa mga paksain tungkol sa [[pag-ibig]], paghihimagsik, buhay [[lalawigan]] at karanasan. Inilalathala sa mga [[pahayagan]] ang mga nobela na payugtu-yugto o hinahati sa parte ang nobela sa mga kabanata. Si [[Lope K. Santos]], ama ng [[Balarila ng Wikang Pambansa|Balarilang Tagalog]] ang nagsimula ng ganitong paglalathala.