Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Pag-init ng daigdig"

m
ortography, replaced: ksyon → ksiyon (16) using AWB
m (Revision as of 12:04, 3 December 2012; Removed 101 sitelink(s) migrated to an item on Wikidata)
m (ortography, replaced: ksyon → ksiyon (16) using AWB)
[[Talaksan:Global Warming Map.jpg|thumb|280px|right|Ipinakikita ng talâ ang anomalya sa temperatura noong taon 1995 hanggang 2004 kung ihahambing sa temperatura noong 1940 hanggang 1980]]
 
Ang '''Pag-init ng Daigdig''' (o ''Global Warming'' sa Ingles) ay tumutukoy sa naranasang pagtaas ng katamtamang temperatura ng himpapawid at mga karagatan sa mundo nitong mga nakaraang dekada. Tumaas ng 0.6 ± 0.2 °Celsius (1.1 ± 0.4 °Fahrenheit) ang temperatura sa loob ng ika-20 siglo ang katamtamang pandaidigang temperatura. Ayon sa siyentipikong opinyon, “''ang naranasang pag-init nitong huling 50 taon ay gawa ng tao”''. Ang pagtaas ng antas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na resulta ng pagsunog ng produkto mula sa petrolyong langis, pagpapanot ng kagubatan, pagsasaka, at iba pang kagagawan ng tao ang mga pangunahing sanhi ng pag-init ng mundo.
 
Nagpapakita sa mga pagmamatyag na pag-aaral at ng mga modelong pangklima na ang pagka-sensitibo ng klima upang madoble ang antas ng CO<sub>2</sub> ay mangyayari kapag tumaas ng 1.5-4.5&nbsp;°C ang katamtamang temperatura. Ang mga modelong basihan ng Intergovernmental Panel on Climate Change (IPCC) ay humuhula na ang pandaigdigang temperatura ay tataas sa pagitan ng 1.4 at 5.8&nbsp;°C (2.5 hanggang 10.5&nbsp;°F) mula taong 1990 hanggang 2100.
 
Ang katagang “global warming” (pag-init ng mundo) ay isang tiyak na dulot ng mas malawak na katagang “climate change’ (pagbabago sa klima) (na tumutukoy din sa paglamig tulad ng nangyari noong Edad Yelo). Sa prinsipyo nito, nyutral ang global warming sa dahilan nito ngunit sa karaniwang gamit, kalimitang pinahihiwatig na may papel ang tao sa pag-init ng mundo. Gayunman, ginagamit ang ‘climate change’ ng UNFCCC sa pagbabagong gawa ng tao, at ‘climate variability’ (pabago-bago ng klima) na dulot ng ibang kadahilanan. Ang ilang organisasyon ay gumagamit ng katagang 'anthropogenic climate change' sa pagbabagong dulot ng tao.
 
Malayang mababago ninuman ang pahinang ito ngunit hinihikayat ka rin naming tumala. Ipinapabatid ding itinatala namin ang iyong direksyongdireksiyong IP sa bawat pagbabagong ginagawa sa mga pahina.
Isinasagawa ito upang mabigyan ka namin ng pagkakakilanlan, at madali naming maiuukol kung sino ang gumawa ng bawat pagbabago,at, sa huli, upang mapanatili ang pagsunod ng Wikipedia sa layunin nitong mag-abot ng malaya at totoong kaalaman sa bawat tao sa mundo.
Kabilang sa mga binago mo ang mga bagong panlabas na ugnay. Para makatulong sa panlabas na awtomatikong spam, pakilagay ang mga salitang na ipinapakita sa kahon sa ibaba
Ang methane (metano) ay gawang biyolohika at emisyon mula sa mga tubo ng petrolyong gas. Ang ilang biyolohikang pinanggagalingan ay natural tulad ng anay at ang iba ay dulot ng aktibidad ng tao tulad ng pagsasaka, e.g. palayang bukid [7]. Sinasabi ng ebidensya na nasumpungan kamakailan lamang na ang mga kagubatan ay maaaring pinanggagalingan din nito (RC; BBC). Tandaan na ito ay kontribusyon sa natural (likas) na greenhouse effect at hindi greenhouse effect na dulot ng tao (Ealert).
 
Inaasahang patuloy ang pagtaas ng carbon dioxide dahil sa patuloy na paggamit ng mga produkton petrolyo. Ang direksyondireksiyon nito ay hindi segurado at depende sa lagay ekonomiko, panglipunan, teknolohikal at natural na pag-unlad ng tao. Ang espesyal ng report sa emisyon ng IPCC ay nagpapakita ng malawak na pagtaas ng carbon dioxide sa hinaharap mula 541 hanggang 970 parts per million (bahagi ng isang milyon) pagdating ng 2100.
[[Talaksan:Greenhouse Gas by Sector.png|280px|right|thumb| Singaw ng mga greenhouse gases na gawa ng tao ayon sa sektor noong taong 2000.]]
''Ang pagpapalabas ng CO<sub>2</sub> na dulot ng tao mula sa pagsunog ng produktong petrolyo – ipinakikita ang abuloy sa kabuuang pagpapalabas ng CO<sub>2</sub> , 1990. Batayan: UNFCCC''
 
Sa buong mundo, ang karamihan ng emisyon ng greenhouse gas na dulot ng tao ay mula sa pagsunog ng petrolyong langis. Ang tira ay sinasabing mula sa mga “puganteng petrolyo” (petrolyong singaw sa produksyonproduksiyon at paguusad ng produktong petrolyo), emisyon ng mga prosesong industriyal (di kasama ang pagsunog ng petrolyo), at ng sakahan: magkakahiwalay nagdulot sila ng 5.8%, 5.2% at 3.3% noong 1990. Malawak na maikukumpara ang kasalukuyang datos rito [9]. Halos 17% ng singaw ay dulot ng pagsunog ng petrolyo sa paggawa ng koryente. Isang maliit na porsyento ng singaw ang dulot ng kalikasan at biyolohikang dulot ng tao na kung saan halos 6.3% ay methane at nitrous oxide na galing sa sakahan.
 
Ang positibong ganting epekto tulad ng inaasahang pagsingaw ng halos ng 70,000 milyong tonelada ng methane mula sa permafrost peat bogs sa Siberia, na nagsimula nang matunaw dahil sa pagtaas ng temperatura ay maaaring magdulot ng malaking dagdag na pagkukunan ng singaw ng greenhouse gas. [10]. Tandaan na ang emisyong dulot ng tao ng iba pang lasong pampaligid – bantog dito ang aerosol ng sulfate (sulfato) – ay may pampalamig na epekto. Maaring nagpapakita ito sa papatag/palamig na nakita sa talâ ng temperatura sa gitna ng siglo 20 [11] na maari ring dulot ng pagtitimping dulot ng kalikasan.
• Ang pag-init ay nasa loob ng lawak ng likas na pagbabago. <br>
• Ang pag-init ay resulta ng pagluwal mula sa nakaraang panahong kalamigan - ang Maliit ng Edad Yelo.
• Ang pag-init ay resulta ng pagbabago sa sikat ng araw.
 
Sa kasalukuyan, maliit ang suporta rito sa loob ng komunidad ng mga siyentipiko sa panahon bilang dahilan sa pag-init kamakailan.
''Dalawampung taon palabas ng araw''
Sa mga pag-aaral ng modelo na inilathala sa IPCC Third Assessment Report (TAR) ay hindi nagpakita ng pagbabago sa pagpwersa ng araw ay kinakailangan upang ipaliwanag ang rekord ng panahon nitong 4 o 5 dekada. [12]. Ang pag-aaral na ang pwersa ng bulkan at araw ay maaring nagdulot sa kalahati ng pagbabago ng temperatura bago 1950. Subalit ang netong epekto ng mga pwersang ito ay sinasabing neutral mula noon [13]. Partikular rito sinasabing ang pagbabago sa pagpwersa sa panahon mula sa mga greehouse gases mula 1750 ay tinatayang 8 beses na mas malaki kaysa sa pagbabago sa pagpwersa na dulot ng pagtaas ng aktibidad ng araw nang parehong panahon. [14]. Mula nang ilathala ang TAR, maraming pag-aaral (Lean et al., 2002, Wang et al., 2005) ang nagmungkahi na ang mga pagbabago sa sikat mula pa ng panahon bago panahong industriyal ay maliit ng 3-4&nbsp;ng ulit sa rekonstruksyongrekonstruksiyong ginamit sa TAR (e.g. Hoyt and Schatten, 1993, Lean, 2000.). Itinayá ni Stott et al. [15] na ang pwersa mula sa araw ay 16% o 36% ng pag-init mula sa greenhouse gases. Sa kalahatan, ang makaagham na antas sa pagkaunawa sa pababago sa sikat ng araw ay sinasabing napakababa [16].
 
Gayunman, may ilang mananaliksisik (e.g. [17]) ang nagmungkahi na ang tugon mula sa [[ulap]] o ibang proseso ay nagpapabuti sa direktong epekto ng pagbabago ng araw. Nasumpungan ni Solanki, et al (2004) na ang aktibidad ng araw nitong huling 60 hanggang 70 taon ay nasa kanyang pinakamataas na nibel sa 8,000 taon. Di naman ayon si Muscheler et al na nakasumpong ng kamukhang mataas ng nibel ng aktibidad nang nakaraan [18]. Iniiulat ni Solanki ng ang nakaraang ugali ng araw ay ay aabot ng 50 taon.
 
== Dulot sa mga bundok ng yelo (glaciers) ==
''Global Glacial Mass-Balance nang huling 40 taon na iniulat sa WGMS at NSIDC. Tingnan ang negatibong pagtaas na direksyondireksiyon sa simula ng dakong huli ng 1980 na nagpapabilis at nagpaparami sa pag-urong ng bundoking yelo (glaciers) (Dyurgerov)''
 
Ang pag-init ng mundo ay nagbubunga ng negatibong balanse sa glacier mass (bulto ng bubunduking yelo) na nagdudulot sa pag-urong ng glacier sa buong mundo. Ipinakita ni Oerlemans (2005) na may netong bagbaba sa 142 na 144 bundok na may glacier na may rekord mula 1900 hanggang 1980. Mula noong 1980, tumindi ang pag-urong ng glacier sa mundo. Gayundin, ipinakita nina Dyurgerov and Meier (2005) sa pamamagitan ng glacier data sa malakihang rehiyon (e.g Europa) na may netong pagbaba mula 1960 hanggang 2002 kahit na ang ilang lokal sa rehiyon (e.g. Scandinavia) ay nagpakita ng pagtaas. Ang ilang glacier na nasa disekilibryo sa kasalukyang klima ay nawala na [25] at tinataya na ang patuloy na pagtaas sa temperatura ay magdudulot sa patuloy na pag-urong ng karamihan ng mga alpinong glacier sa buong mundo. Mahigit sa 90% ng mga glacier na inereport sa World Glacier Monitoring Service ay umurong na mula 1995 [26].
Kahit na ang maliit na pagtaas (pantay laot) ng dagat ay magdudulot ng pagkawala ng matitirhan sa mga pasigan na magdudulot ng problema sa mga lumikas. Kapag ang pantay laot ay tumaas ng mahigit na 4 metro, halos lahat ng pasigang lunsod sa mundo ay maapektuhan na may malaking epekto sa pandaigdigan kalakalan at ekonomya. Sa kasalukuyan, tinataya ng IPCC na ang dagat ay tataas ng mababa sa isang metro sa pagdating ng 2100. Kanila ring inabiso na ang pag-init ng mundo sa panahong iyon ay magdudulot rin ng hindi na mababaliktad na pagbabago sa sistemang glasyal ng mundo na sa kalaunan ay magtutunaw ng sapat na yelo na magpapataas sa dagat ng maraming metro pa sa loob ng susunod na milenya. Tinatayang halos 200 milyong tao ang maapektuhan sa pagtaas ng pantay laot lalo na Vietnam, Bangladesh, Tsina, India, Thailand, Pilipinas, Indonesya at Ehipto.
 
Ang isang halimbawa ng kalagayan ng mga lumikas dahil sa kapaligiran ay ang paglikas mula sa pulo ng Tuvalu na kung saan ang katihan ay may katamtamang taas ng halos isang metro lang sa pantay laot. Ang Tuvalu ay mayroong ng kasunduang ad hoc sa New Zealand na tumaggap ng mga lumikas [28] at marami ng residente nito ang umaalis sa pulo. Gayunman, hindi malinaw kung malaki ang epekto ng pag-init ng mundo sa pagtaas ng dagat. Tinataya na ang dagat (pantay laot) ay tumataas ng halos 1-21–2&nbsp;mm/taon. Ang maikling panahong ito, may malaking epekto ito sa ENSO o pagkati/paglaki ng tubig. [29] [30] [31] [32]
 
== Pagkalat ng Sakit ==
Maaring magpalaganap ang pag-init ng mundo sa mga hayop at kulisap ng nagdadala ng mga nakahahawang sakit tulad ng malarya, dilang asul na sakit mula ng mga kuto ng alagang daga na kamakailang ay kumalat sa rehiyon ng timog Mediterreno. Tumaas sa malawak na lugar sa Rusya ang impeksyonimpeksiyon mula sa hantavirus, Crimean-Congo hemorrhagic fever, tularemia at rabies nitong 2004-2005. Maisisi ito sa mabilis ng pagdami ng mga daga at hayop na kumakain nito gayundin ang pagbagsak o pagbaba sa program sa bakuna at pagkontrol sa mga daga [33] Kahit na nawala ang malarya sa mga templadong rehiyon sa mundo, ang mga lamok na nagkakalat nito ay hindi napuksa at nananatili sa ilang lugar. Kaya, kahit na mahalaga ang temperatura sa daynamiks ng pagkalat ng malarya, maraming bagay ang kasangkot sa pagkalat nito.
 
== Epektong Pang-ekonomiko ==
Ipinalabas kamakailan ng United Nations' Environmental Program na ang mga grabeng panahon sa mundo ay nag-ulat na ang 2005 ang pinakamagastos na taon sa kasaysayan [36] kahit na walang paraan upang patunayan na [ang isang bagyo] ay sanhi o di sanhi ng pag-init ng mundo [36]. Unang taya na ipinakita ng pundasyong Aleman sa segurong Munich Re ay nagpapakita na mahigit 200 bilyong dolyar na ang talo ng mga nakaseguro na halos 70 bilyong dolyar.
 
== ProduksyonProduksiyon ng biomass ==
Ang paglalang ng biomass ng halaman ay naiimpluwensyahan ng mapagkukunan ng tubig, pagkain at carbon dioxide. Ang bahagi ng biomass ay ginagamit (ng tuwiran o di tuwiran) bilang pagkukunan ng lakas ng halos lahat ng mgay buhay kasama rin ang pagkain sa mga inaalagaang hayop, at bungangkahoy at pagkaing butil ng tao. Kasama rin dito ang mga batang ([[Filipino]]: ''troso'') na kailangan sa konstruksyonkonstruksiyon.
 
Ang pagtaas sa papawirin ng carbon dioxide ay makapagpapataas din ng metabolismo ng mga halaman na malamang ay makapagpaparami ng kanilang ginagawang biomass. Ang pagtaas ng temperatura ay magpapahaba rin ng panahon ng pagtatanim sa mga malalamig na rehiyon. Minsang ipanikikita na ang mga epektong ito ay makagagawa ng isang mas berde at mayamang planeta dahil maraming biomass na mapagkukunan. Gayunpaman, maraming bagay ang nakapaloob rito. Hindi malinaw kung ang mga halaman ay magkakaroon talaga ng benepisyo sa pag-init ng mundo. Ang paglaki ng halaman ay apektado ng maraming bagay kasama ang taba ng lupa, tubig, temperatura at konsentrasyon ng carbon dioxide.
 
Hinuhuhulaan ng mga IPCC models na posible ang isang banayad na pagtaas sa ani ng halaman. Gayunman may mga negatibong dulot ang idudulot tulad ng pagbaba ng ani sa mga higit na optimong temperatura; ang pagtaas ng pagbabago-bago sa temperatura ay inaasahang magpapababa sa ani ng trigo; sa mga eksperimento, ang kalidad ng halamang butil at dahon ay bababa kapag ang CO2 at temperatura ay tumaas pa; at ang pagbaba ng hulas sa lupa sa tag-araw ay inaasahang may negatibong dulot sa ani. [37]
 
== Mga Sagot ==
Ang ligalig na posibleng idudulot ng pag-init ng mundo ay ang pagtatangkang maibsan ang pag-init ng mundo na sumasaklaw sa mga aksyonaksiyon upang pababain ang negatibong epekto o malamang na pangyayari ng pag-init ng mundo.
 
May apat na kategorya ng hakbangin upang maibsan ng pag-init ng mundo:<br>
2. Pag-iwas sa paggamit ng petrolyong parikit (fossil fuel) na base sa karbon at paggamit ng ibang mapagkukunan ng alternatibong enerhiya.<br>
3. Pagsilo at pagtatago ng karbon.<br>
4. Pagpapababa sa paggamit ng enerhiya (pagtitipid)
 
Ang sumusunod ang mga hakbangin upang maiwasan ang pag-init ng mundo: pag-unlad ng mga bagong teknolohiya, lakas ng hangin, lakas nukleyar, lakas ng araw, baguhing enerhiya, biyodiesel, sasakyang de koryente o hybrid, fuel cells, pagtitipid sa enerhiya, buwis sa karbon, pagpapabuti sa natural na pagtatago ng carbon dioxide, at ang paghuli at pagtatago ng carbon. Ilang grupong pangkapaligiran ang nagsusulong sa aksyongaksiyong indibiduwal laban sa pag-init ng mundo na karaniwan ay nakatutok sa mga konsumedor. May ilan ding aksyongaksiyong ng mga negosyante sa pagbabago ng klima.
 
Ang pangunahing pandaidigang pagsang-ayon upang maibsan ang pagbabago sa klima ay ang Kyoto Protocol. Ang Kyoto Protocol ay susog sa United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC). Ang mga bansang nagratipika ng protokol na ito ay nangangakong pababain ang kanilang emisyon ng carbon dioxide at lima pang greenhouse gases o makipagkakalakalan sa emisyon kung mapananatili nito o tataas ang kanilang emisyong ng mga gas na ito.
 
Kahit na sapat na ang magkasamang makaagham na konsensus at insentibong ekonomiko na mahimok ang gobyerno ng mahigit 150 bansa upang maratipika ang Kyoto Protocol (di kasama ang Estados Unidos at Australya), patuloy pa rin ang debate kung gaanong karaming emisyon ng greenhouse gas ang magpapainit sa planeta. Ilang politiko kasama ang pangulo ng Estados Unidos na si George W. Bush [44], Punong Ministro ng Australya na si John Howard [45] ay nagbabalala na ang halaga sa pagsugpo ng pag-init ng mundo ay lubhang napakalaki upang maging marapat ito.
Gayunman, may ilang bahagi ng komunidad pangnegosyo ang tinanggap ang katunayan ng pag-init ng mundo na bunga ito ng tao na nangangailangan ng aksyonaksiyon ng tao tulad ng kalakalan sa emisyon ng carbon at buwis sa carbon.
 
Ang pag-aakma sa pag-init ang isang paraan upang maibsan ang hindi kanais-nais na epekto nito. Halimbawa sa mga istrateheya ay ang depensa sa pagtaas ng pantay laot (sea level) o pananatili ng mapagkukunan ng pagkain.
 
== Mga modelo sa klima ==
''Pagtataya sa pag-init ng mundo mula sa iba’t-ibang modelong pangklima sa ilalim ng SRES A2 emissions scenario kung walang gagawing aksyonaksiyon na pahupain ang emisyon.''
Distribusyon ng pag-init (na may katamtaman ng 3.0&nbsp;°C) sa siglo 21 na tinaya ng HadCM3 climate model na ipinalagay na walang pagbabago sa direksyondireksiyon sa pag-unlad pang-ekonomiko at pagpapalabas ng greenhouse gases.
 
Pinagaralan ito ng mga siyentipiko sa pamamagitan ng mga modelo ng panahon na gumagamit ng kompyuter (tingnan ang ibaba). Tanggap ang mga modelong into ng komunidad ng siyentipiko bilang tama matapos maipakito nito na nagpapakita ito sa paggaya ng kilalang paiba-iba ng panahon tulad ng pagkakaiba ng tag-init at tag-lamig, ang osilasyon ng Hilagang Atlantiko o ng [[El Niño]]. Ang lahat ng modelong nakapasa sa pagsubok na ito ay humuhula sa netong epekto ng pagdaragdag ng greenhouse gases ay magpapainit sa panahon sa hinaharap. Iba-iba ang laki ang pag-init ng iba’t-ibang modelo. Ang isang pinakamahalagang walang katiyakan sa sensitibidad ng panahon ay kung paano isinasama ang ulap sa pagmomodelo.
Ang mga modelo ng panahon kamakailan ay nagpakit ang magandang pagkakaugma sa obserbasyon ng pandaigdigang temperature sa loob ng nakaraan siglo. Hindi isinisisi ng mga modelong ito na ang pag-init na nangyari mula 1910 hanggang 1945 ay dulot ng bariyasyon ng kalikasan o ng tao. Alalaumbaga, ipinahihiwatig nila na ang pag-init mula 1975 ay dulot ng pag-buga ng greenhouse gas na gawa ng tao. Ang pagdaragdag ng gulong ng karbon sa pagmomodelo ay nagpapakita ng positibong sagot kahit na walang katiyakan ito (sa ilalim ng eskma ng A2 SRES, ang sagot ay iba-iba sa pagitan ng dagdag na 20 at 200 ppm na CO2). Ilang pag-aaral sa pagmamatyag nito ang nagpapakita ng positibong sagot [49].
 
Ang isa pang mungkahing mekanismo kung saan ang tumitinding painit na direksyondireksiyon ay ang pagkatunaw ng tundra na sinasabing magpapalabas ng matapang at napakaraming greenhouse gas na methane na nakabilanggo sa permafrost at nakapaloob sa yelo bilang kumpuwesto [50].
Ang walang katiyakan sa pagpapakita ng ulang ang pangunahing mapagkukunan ng walang katiyakan sa kasalukuyang modelo kahit na may malinaw na pag-unlad na pagmomodelo ng ulap [51]. Mayroon ding diskusyong ngayon kung ang napapabayaan ng mga modelo sa panahon ang mahalagang di tuwirang sagot at sagot ng baryabilidad ng araw. Gayundin, ang lahat ng modelo ay kapus ng computational power, na kaya di nito tinitingnan ang pagbabago na kalakip ng maliliit na proseso at panahon (e.g. bagyo, hurakan). Gayunman, kahin na may kakapusan, tanggap ng IPCC na ang mga modelong ito na “naangkop na kasangkapan upang ipakita ang pagtataya sa kinabukan ng panahon " [52].
 
== Mga iba pang kalapit na isyu ==
=== Kaugnayan sa pag-unti ng ozone ===
Kahit na karaniwang idinadawit ng mass media na may koneksyonkoneksiyon sa pagitan ang pag-init ng mundo at pag-unti ng ozone hindi ito matibay. May apat na lugar sa pagdadawit nito:
• Sinasabing ang pangmundong pag-init mula sa pwersang radyatibo ng carbon dioxide ay tinatayang magpapalamig sa estratospero. Dahil dito, magdudulot ito ng relatibong pagbilis ng pagkawala ng ozone at pagdalas ng pagkakaroon ng ozone holes.
 
'' Radyatibong pagpwersa mula sa iba’t-ibang greenhouse gases at ibang pinagmumulan.''
 
Gayunman, ang pagkawala ng ozone ay nagpapakita ng pwersang radyatibo ng sistema ng klima. Mayroong dalawang magkalabang epekto: ang pagbaba ng konsentrasyon ng ozone ay magpapasok ng mas maraming radyasyong solar na magpapainit ng tropospero. Ngunit ang isang malamig na estratospero ay nagpapalabas ng kaunting radyasyong may mahabang onda na kaya mapapalaming sa tropospero. Sa kabuuan nangingibabaw ang paglamig: pasiya ng IPCC na ang pagkawala ng ozone sa stratospero sa loob ng nakaraang dalawang dekada ay nagdulot ng negatibong pagpwersa sa sistema sa rabaw ng tropospero [54] ng halos −0.15 ± 0.10 W/m² [55].
• Ang isa sa pinakamalakas na hula sa hinua ng greenhouse effect ay ang paglamig ng stratospero o kapaligiran. Kahit na ito ay nangyayari, mahirap itong gamitin dahil dulot nito ang pagbabago sa klima dahil may paglamig ding sanhi ng pagkawala ng ozone.
 
• Ozone depleting chemicals are also greenhouse gases, representing 0.34 ±0.03 W/m², or about 14% of the total radiative forcing from well-mixed greenhouse gases [56].
* Questions about Clathrate Gun Hypothesis (source of information)
 
[[KaurianKategorya:Klima]]
 
{{Link GA|fr}}