Pagkakaiba sa mga pagbabagong ng "Lohika"

m
orthography, replaced: ksyon → ksiyon using AWB
m (Bot: Migrating 110 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q8078 (translate me))
m (orthography, replaced: ksyon → ksiyon using AWB)
Mula sa lumang [[wikang Griyego|Griyego]] na λόγος (''logos'') ang '''lohika'''. Ang literal nitong kahulugan ay “ang salita” o “ang sinabi”, ngunit mas pinipili ang kahulugan nito bilang “kaisipan” o “katwiran”. Ito ang [[pangangatwiran]] na ginagamit upang maabot ang katapusang pangungusap (konklusyon) mula sa hanay ng mga palagay. Sa mas pormal na kahulugan, isang pag-aaral ng mga palagay ang lohika—ang proseso kung saan nalilikha ang mga bagong pahayag mula sa mga napatunayan nang mga pahayag. Isang masalimuot na talakayan sa pagitan ng mga pilosopo ang pagbibigay ng eksaktong kahulugan sa “lohika.” Ngunit anuman ang batayang napili para sa pag-aaral ng lohika, ang mithiin ng mga tagapagtaguyod nito ay ang pagpapaunlad sa kakayanan ng tao na mapaghiwalay ang mga tumpak sa di-tumpak na pangangatwiran bilang gabay sa wastong pag-iisip.
 
Sa likas nitong anyo, ang kayarian ng mga palagay ang nagkakaroon ng partikular na pansin—ang ''pormal'' na ugnayan sa pagitan ng bagong gawang mga pahayag at mga napatunayan nang pahayag, kung saan nangangahulugan ang "pormal" na malaya ang ugnayan mula sa pahayag nito mismo. Mahalaga ang pagsiyasat sa ''pagkakaroon ng batayan'' sa hakahaka, kasama ang mga iba't ibang posibleng kahulugan ng pagkakaroon ng batayan at praktikal na kondisyon sa kanyang kapasyahan. Sa ganitong paraan, nakikita na may mahalagang ginagampanan ang lohika sa [[epistemolohiya]] na nagbibigay ng mekanismo para sa pagpapalawig (ekstensyon) ng [[kaalaman]].
 
== Kalikasan ng lohika ==
Dahil sa mahalagang gampanin nito sa pilosopiya, matindi ang pagtatalo tungkol sa kalikasan ng lohika, at mahirap maglagay ng mga tiyak na tanda sa nasasakupan ng lohika na magiging katanggap-tanggap sa pananaw ng mga magkakatunggali. Gayunpaman, may matibay na sandigan at malinaw na direksyondireksiyon ang pag-aaral ng lohika sa kabila ng mga pagtatalo. Maaari nating ilarawan ang lohika sa limang paraan. Una, tatalakayin natin ang mga pangunahing kaisipan tungkol sa anyo nito, Ikalawa, ihahanay natin sa isang balangkas ang iba-ibang samahan ng palaisip sa lohika. Pangatlo, iuulat natin ang pinaigsing kasaysayan nito. Pang-apat, ipapakita natin ang kaugnayan nito sa iba pang mga agham. Pang-lima at pang-huli, ipapaliwanag natin ang mga mahahalagang kaisipan sa lohika.
 
=== Lohikang Impormal, Pormal at Simboliko ===
* Taglay ng imperensya (pagdudugtong-dugtong ng mga palagay) ang ''purong pormal na nilalaman'' (purely formal content) kung ipinapakita nito ang isang tiyak na paglalapat ng isang walang-pinatutungkulang (abstraktong) alituntunin, isang alituntunin na hindi ikinakapit para sa isang tiyak na bagay o katangian. Sa bandang huli, makikita natin na magkatulad ang kahulugan ng lohika, lohikal na imperensya at imperensya. Hindi nito ibig sabihin na may patlang sa gitna ng lohikang impormal, dahil maaari nating naisin na siyasatin ang lohika nang hindi nakagapos sa isang uri ng pormal na pag-aanalisa.
* '''Lohikang pormal''' ang pag-aaral ng imperensya na may purong pormal na nilalaman, na kung saan malinaw na binabanggit ang mga nilalaman.
* '''[[Lohikang simbokilo]]''' ang pag-aaral ng mga walang-pinatutungkulang (abstraktong) sagisag na kinukuha ang mga pormal na katangian ng mga lohikal na imperensya.
 
Nagiging malabo ang usapan kapag ginagamit ang "lohikang impormal" na singkahulugan ng "lohikang simboliko" ayon sa ibinigay na kahulugan sa itaas, na kung saan ang lohikang impormal ay itinuturing na hindi gumagamit ng mga walang-pinatutungkulang sagisag. Ito ang kahulugan ng 'pormal' na matatagpuan sa "[[pormal na wika]]" o "[[pormal na teoriya]]". chupa!
* [[Distribusyón ng salitang-tinutukoy (paksa)]]
{{Matematika}}
 
[[KaurianKategorya:Lohika|*]]