Ginto: Pagkakaiba sa mga binago

Content deleted Content added
Legobot (usapan | ambag)
m Bot: Migrating 164 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q897 (translate me)
m orthography, replaced: ksyon → ksiyon (5) using AWB
Linya 2:
[[Talaksan:Gold1oz.jpg|thumb|right|Isang [[halang]] o [[bara]] ng ginto na may timbang na isang [[onsa]].]]
 
Ang '''ginto'''<ref name=JETE>{{cite-JETE|Ginto}}</ref> ({{lang-es|oro}}, [[Wikang Ingles|Ingles]]: ''gold'') ay isang elementong kimikal sa talaang peryodiko na may sagisag na '''Au''' (mula sa Latin na ''aurum'') at may atomikong bilang na 79. Kabilang sa mga angking katangian nito ang pagiging malambot at kulay dilaw na metal, at hindi kinakalawang. Ito ang pinakamadaling ihubog at pukpuking metal. Mayroon itong atomikong timbang na 196.967, punto ng pagkatunaw na 1,063&nbsp;°C, punto ng pagkulong 2,966&nbsp;°C, espesipikong grabidad na 19.32, [[balensya]]ng 1 at 3. Tinatawag din itong '''oro''' na mula sa Kastila, '''dorado''', at ''gold'' naman sa Ingles. Dahil sa mga katangian nito, ginagamit ang ginto sa paggawa ng mga alahas, mga palamuti, at bilang saluyan o konduktor ng kuryente.<ref name=Gaboy>{{cite-Gaboy|''Gold'', oro, dorado, ginto, Au}}</ref>
 
Hindi nakikipagsanib ang ginto sa maraming kimikal subalit inaatake ito ng cloro, floro, aqua regia at cianuro (cyanide). Natutunaw ang ginto sa asoge o mercurio. Ang ginto ay hindi natutunaw ng asido nitriko na nakatutunaw sa maraming metal. Dahil dito ang asido nitriko ay matagal nang ginagamit upang mapatunayan kung ginto nga ang isang metal.
Linya 14:
Napakagaling na konduktor (tagahatid) ng init at [[elektrisidad]] ang ginto. Hindi ito apektado ng hangin at maraming kimikal. Dahil sa maliit lamang ang epekto ng init, halumigmig, [[oksiheno]] at iba pang mababagsik na kimikal, mainam na gamitin ito bilang salapi at alahas. Gayunman, ang mga [[hálogo]] (halogens) ay sumasanib sa ginto at ang [[aqua regia]] naman ay tutunaw rito.
 
Ang karaniwang estado ng oksidasyon ng ginto ay +1 (Au (I) o kompuwestong aurous) at (Au (III) or kompuwestong auric). Madaling ma-redyus at mapatining na gintong metal ang mga ionong ginto sa solusyon pamamagitan ng pagdaragdag ng ibang metal bilang pang-redyus. Ang idinagdag na oksidong metal at natutunaw upang pumalit sa ginto sa solusyon at mapalabas ang ginto bilang isang tining.
 
Ang kamakailang saliksik ni Sir Frank Reith ng Australian National University, ipinakikita na ang mga mikrobyo ay may mahalagang papel sa pagbuo ng mga deposito ng ginto, at sa paglilipat at pagtitining ng ginto upang makabuo ng butil at bato nito na naiipon sa mga depositong alubyal.
 
Ang konsentrasyon ng malayang elektron sa metal na ginto ay 5.90×10<sup>22</sup> cm-3.
Linya 24:
Ang isang purong ginto ay napakalambot sa karaniwang gamit at kalimitang pinatitigas sa pagdaragdag ng pilak, tanso o ibang metal. Sa maraming bansa, ang ginto at maraming alloy nito ay kalimitang ginagamit sa mga alahas, salapi at pamantayan sa palitan ng pera. Kapag ibinebenta bilang alahas, ang ginto ay sinusukat sa kilatis (k) kung saan ang purong ginto ay 24k. Gayunpaman, karaniwang ibinebenta ito nang may mababang sukat tulad ng 22k, 18k, 14k at 10k. Ang mababang “k” ay nangangahulugan ng mataas na porsiyento ng tanso o pilak sa alloy kung saan ang tanso ang pinakagamiting metal. Ang 14k na alloy ng ginto at tanso ay halos katulad sa kulay ng ilang bronse at ginagamit sa paggawa ng tsapa ng pulis at iba pa. Ang 18k na ginto na may mataas ng tanso ay makikita sa mga antigong alahas na may malatansong kulay na nagbibigay ng mainit na kulay. Ang katulad na kilatis ng ginto na may halong pilak ay nagbibigay naman ng malamig o maputlang kulay. Ang ilang mababang kilatis nito ay ibinebenta bilang “white gold” at manilaw-nilaw na tulad ng pilak. Higit na matibay ito sa oksidasyon kaysa purong pilak o sterling silver.
 
Karaniwang ginagamit sa makabagong alahas ang 20k o mas mataas dito. Dahil sa angking taas nito sa konduksyonkonduksiyon ng elektrisidad at resistensya sa korosyon at iba pang kombinasyon ng natatanging katangiang pisikal at kimikal nito, ang ginto ay naging isang mahalagang metal nitong dakong huli ng siglo 20 lalo na bilang manipis na tubog sa mga printed circuit board bilang daupan at dugtungang pang-elektrikal.
 
• Nagagawang sinulid ang ginto na ginagamit sa mga burda.
 
• Dahil malambot at madaling hutukin ang ginto, nagagawa itong pinong kawad at banig na tinatawag na oha o pilas ng ginto.
 
• Nagbibigay ng mapusyaw at mapulang pulang kulay kapag ginamit na pangulay sa mga bubog (glass).
Linya 34:
• May mahalagang papel ang ginto sa mga kompyuter, kasangkapang pangkomunikasyon, spacecraft, jet aircraft engines at iba pang produkto.
 
• Dahil sa katangiang anti-oksidante ng ginto, karaniwang ginagamit ito bilang manipis na pinta upang maseguro na may mainam na koneksyonkoneksiyon ng koryente
 
• Ang tumbaga ng ginto ay ginagamit din sa pagkukumpuni ng ngipin bilang korona at permanenteng tulay sa ngipin. Ang kaunting kainaman nitong mahubog ay mainam sa paggawa sa pag-aangkop ng rabaw sa ibang ngipin na higgit na mainam kaysa mga koronang gawa sa losa. Ang paggamit ng ginto bilang korona ng mga ngiping pangkagat at nakalitaw ay pabor sa ilang kultura.
 
• Ang koloides ng ginto (o nano-partikula) na may matingkad na kulay ay kasalukuyang pinag-aaralan para sa mga gamit medikal, biyolohikal at iba pa. Ito rin ang pormang ginagamit bilang pintura sa mga baldosa bago ito ilagay sa hurnohan.
 
• Ang Chlorauric acid (asido cloroauriko) ay ginagamit sa pagdebelop ng retrato upang bantuan ang pinilakang larawan.
 
• Ang Gold(III) chloride (cloruro ng ginto) ay ginagamit bilang [[katalisador]] sa kimika organika. Karaniwang simuno rin ito sa paggawa ng ibang kompuwestong ginto.
Linya 48:
• Maraming paligsahan at karangalan tulad ng Olimpyada at Premyo Nobel ang naggagawad ng medalyang ginto sa nagwagi (at pilak sa pangalawa at bronse sa pangatlo).
 
• Magandang reflector (panghunab) ang ginto laban sa infrared at kitang liwanag. Dahil dito, ginagamit bilang pinturang proteksyonproteksiyon sa maraming artipisyal na buntala (satellites) at sa mga helmet ng mga astronauts upang maibsan ang pagkabulag nila sa liwanag ng araw.
 
• Ang disodium aurothiomalate ay ginagamit na panggamot sa rayumang artritis (na ini-iniksyoniniksiyon sa muskula). Nagpapabagal ito sa pagdami ng mga limpositos (lymphocyte), ensimang lisosoma (lysosomal), pagpapalabas ng may oksihenong kasangkot mula sa mga makropagos (macrophages) at produksyonproduksiyon ng IL-1. Subalit, nagdudulot ito ng butlig sa mga sensitibo sa liwanag, pagkasira (gastrointestinal) ng tiyan at pinsala sa bato.
 
• Ang isotope na Au-198, (may kalhating-buhay: 2.7 araw) ay ginagamit na panggamot sa kanser at ibang sakit
Linya 58:
• Ang ginintuang tubig ('''Goldwasser''' sa Aleman) ay isang tradisyonal na yerbang likor mula sa Gdańsk, Polonia at Schwabach, Alemanya ay naglalaman ng maliliit na oha ng ginto. May mga mamahalin ding inumin (~$1000) na naglalaman ng maliliit ng oha ng ginto. Gayunman, dahil hindi nakikipagsanib ang ginto sa anumang kimikal na masumpungan nito sa loob ng katawan ng tao, wala itong lasa, lumalabas ito ng walang pagbabago.
 
• Noong panahong medyebal, sinasabing mainam ang ginto sa kalusugan sa paniniwalang mainam sa katawan ang mga di-pangkaraniwan at maganda. Kahit ang ilang mga esoteriko at ilang porma ng alternatibong medisina ay nagsasabing nakagagamot ang purong ginto. Subalit, ang mga asin at radioisotopes lamang ng ginto ang napatunayang may halagang makagaling. Ang elemental na ginto ay hindi makikipagsanib sa lahat ng kimikal na masusumpungan nito sa loob ng katawan at lalabas sa katawan nang walang pagbabago matapos ang 24 oras.
 
• Ang puting ginto (White gold) (tumbaga ng ginto at plátino, paladio, nikel at/o zinc) ay nagsisilbing kahalili ng plátino.
Linya 80:
Noong unang panahon, madaling masumpunangan ang ginto sa lupa. Subalit mula noong 1910, halos 75% ng ginto ay minimina. Kung ang puromg ginto ay pagsamasamahin, tinatayang makabubuo ito isang kubo na may haba ng 20&nbsp;m (66&nbsp;ft) sa isang gilid (8000 m³).
 
Unang mithiin ng mga alkimiko ang makagawa ng ginto mula sa ibang sustansya katulad ng tingga – mula sa pakikipagniig nito sa maalamat na sustansyang tinatawag na bato ng pilosopo. Kahit hindi sila nagtagumpay sa kanilang pagsubok, naisulong ng mga alkimiko ang interes sa pag-aaral ng mga sustansya na naglatag sa pundasyon ng kasalukuyang larangan ng kimika. Ang kanilang sagisag sa ginto ay bilog na may tuldok sa gitna na astrolohikong simbolo ng Araw sa mga matandang sulat ng mga Ehipsyo at Tsino.
 
Mula noong siglo 19, nagaganap ang mga “gold rushes” kung saan may malaking deposito ng ginto ang matuklasan. Ang unang malaking tuklas ng ginto sa Estados Unidos ay naganap sa isang maliit na bayan ng Dahlonega sa hilagang Georgia. Ang mga sumunod ng mga “gold rushes” ay naganap sa California, Colorado, Otago, Australia, Witwatersrand, Black Hills at Klondike.
 
Dahil sa mataas na halaga nito sa kasaysayan, marami sa mga mininang ginto sa kasaysayan ay nasa sirkulasyon pa sa ibat-iba nito gamit.