m
orthography, replaced: ksyon → ksiyon (3) using AWB
m (Bot: Migrating 25 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q609370 (translate me)) |
m (orthography, replaced: ksyon → ksiyon (3) using AWB) |
||
[[Talaksan:Wilfried Fitzenreiter Liebespaar.jpg|right|thumb|180px]]
Ang '''kagulangang pangkasarian''', '''kagulangang pangpagtatalik''', '''kahinugang pangkasarian''', '''kahinugang pangpagtatalik''', '''kagulangang seksuwal''', '''kahinugang seksuwal''', o '''seksuwal na maturidad''' ay ang edad o gulang o kaya kalagayan o katayuan kung kailan ang isang [[organismo]] ay maaari nang [[magparami]] ([[
Karamihan sa mga organismong [[multiselular]] (may maraming mga [[selula]]) ay hindi nagkakaroon ng kakayahang makapagparami sa panahon ng pagsilang (ang tinatawag na [[herminasyon]]), at nakabatay sa mga uri o espesye, maaaring umabot ng maraming mga araw, mga linggo, o mga taon hanggang sa ang kanilang mga katawan ay magkaroon ng ganoong kakayahan. Gayundin, may ilang mga pahiwatig na maaaring magsanhi sa isang organismo upang magkaroon ng kahinugang seksuwal. Maaaring panlabas, katulad ng tagtuyot, o panloob, katulad ng bahagdan ng taba sa katawan (ang ganyang mga pahiwatig na panloob ay hindi dapat ikalito mula sa mga hormonang tuwirang gumagawa ng kahinugang seksuwal).
Ang kagulang seksuwal ay dulot ng isang paghinog o paggulang ng mga organong
Pagkaraang makamit ang kagulangang seksuwal, ang ibang mga organismo ay maaaring maging [[baog]], o kaya ay makapagbago ng kanilang [[kasarian]]. May ilang mga organismo na [[hermaprodita]] at maaari o maaaring hindi magkaroon ng kakayahang makagawa ng mabubuhay na supling. Gayundin, habang ang kagulangang seksuwal sa maraming mga organismo ay matibay na may kaugnayan sa edad, maraming iba pang mga bagay-bagay ang nasasangkot, at posible para sa ilan ang magpakita ng halos lahat o talagang lahat ng mga katangian ng anyong adulto na hindi naman nararating pa ang kahinugang seksuwal. Sa kabaligtaran, ''maaari'' rin maging posible para sa organismong ''hindi pa magulang'' o ''hindi pa hinog'' na makapagparami (tingnan ang [[prohenesis]]).
|