Pagkakaiba sa pagitan ng mga pagbago ng "Ilong"

m
orthography, replaced: ksyon → ksiyon using AWB
m (Bot: Migrating 119 interwiki links, now provided by Wikidata on d:q7363 (translate me))
m (orthography, replaced: ksyon → ksiyon using AWB)
Sa larangan ng [[anatomiya]], ang '''ilong''' ay isang tubo o bukol sa katawan ng mga [[vertebrate]] na bumabahay sa [[butas ng ilong]] ([[Ingles]]: ''nostril'' o ''nares''), na tumatanggap at naglalabas ng hangin para sa paghinga (respirasyon) habang katuwang ang [[bibig]].
 
Sa karamihan ng mga tao, ibinabahay din nito ang mga [[buhok sa ilong]], na humuhuli sa mga alikabok mula sa hangin at sinasala upang hindi makarating sa mga [[baga]]. Nasa loob at likod ng ilong ang [[mukosang olpaktoryo]] at ang mga [[sinus]] (saynus). Dumaraan sa likod ng [[puwang na pang-ilong]] ([[Ingles: ''nasal cavity'') ang hangin sa pamamagitan ng [[pharynx]], na kasalo ang sistemang panunaw, at matapos ay ang natitirang bahagi ng [[sistemang pang-respiratoryo]]. Sa mga tao, nakalagak ang ilong sa gitna ng [[mukha]]; sa ibang mga [[mamalya]], nakalagay ito sa pang-itaas na dulo ng matulis at matangos na bibig (Ingles: ''snout'').
 
Bilang tulay-ugnayan sa pagitan ng katawan at ng panlabas na mundo, ang ilong at ang mga mga kaugnay na istruktura ay madalas na nagsasagawa ng mga karagdagang tungkuling ukol sa paglilinis ng pumapasok na hangin (halimbawa, ang pagpapainit at pagbabasa o panunubig ng hangin) at pinaka ang tungkol sa muling panunubig mula sa hangin bago ito ilabas (katulad ng mabisang [[kakayahan]] ng mga [[kamelyo]]).
 
Ang nakabukol na bahagi ng mukha ang nakikitang bahagi ng ilong ng tao na bumabahay sa mga [[butas ng ilong]]. Nababatay sa [[butong ethmoid]] at ng [[nasal septum]] ang hugis ng ilong, mga bahaging naglalaman ng karamihang sa mga malalambot na buto o [[kartilahiyo]] at naghihiwalas sa mga butas ng ilong.
 
== Mga kaalampay na panganib sa kalusugan ==
Dahil sa isinadyang likas na pagkakaroon ng mga kailangan dugo sa ilong ng tao at mga nakapaligid na kasaklaw na bahagi, posibleng magkaroon ng mga impeksyonimpeksiyon mula sa ilong patungong [[utak]]. Sa kadahilanang ito, kilala sa mga manggagamok ang pook mula sa mga sulok ng bibig patungo sa tulay ng ilong, kasama ang ilong at ang [[maxilla]] bilang ''mapanganib na [[tatsulok]] ng mukha''.
 
== Mga hugis ng ilong ng tao ==
 
== Sa ibang mga hayop ==
Sa karamihan ng mga [[mamalya]], ang ilong ang pangunahing organong ginagamit [[pang-amoy]]. Habang sumisinghot ang hayop, dumadaloy ang hangin mula sa ilong at sa ibabaw ng mga istrukturang kung tawagin ay mga [[turbinate]] sa loob ng [[puwang na pang-ilong]] ([[Ingles: ''nasal cavity''). Ang turbulensiya (malakas na galaw) na sanhi ng kaguluhan ang nagpapabagal sa hangin at gumagabay dito patungo sa [[epitelyong pang-olpaktoryo]] (''olfactory epithelium''). Sa ibabaw ng epitelyong olpaktoryo, ang mga pang-amoy na molekyul (mga ''odor molecule'') na dala ng hangin ay dumadampi sa mga [[neuron ng pandamang olpaktoryo]] (olfactory receptor neuron]]) na nagsasabi ng mga katangian ng molekyul sa pamamagitan ng mga hindi-masakit na daloy ng kuryente sa loob ng [[utak]].
 
Sa mga [[cetacean]], nabawasan ang ilong hanggang sa maging mga butas na lamang, na naglakbay at dumayo sa ibabaw ng ulo, na nakapagdulot ng mas mabisang hugis ng katawan at ng kakayahang makahinga kahit na kadalasan ay nakapailalim sa tubig. Sa kabaligtaran, ang ilong naman ng [[elepante]] ay tuwirang naging mahaba, malaman at napapagalaw na organo (Ingles: ''prehensile trunk'').